Chapter 34

8.5K 276 10
                                        

DIANE's POV

Ala una ng madaling araw ng magising sya dahil sa kaluskos. Ang Mama nya pala, gising na. Akalain mo nga naman, nakatulog pala sya? Dahil na rin siguro sa stress at pagod. Ang Mama nya ay mukhang nakatulog din. Apat na oras din yata ang naitulog nila.

Agad niyang iniligpit ang hinigaan nila at niyaya na ang Mama nya na bumaba. Pagdating sa OR ay inabutan nilang ang Kuya nya lang ang nandodoon.

"Nasaan si James, kuya?" agad na tanong nya. Kinabahan sya.

"Nasa loob." anang kapatid nya.

Gusto nyang pumasok sa loob subalit nag aalala pa rin sya sa maaaring makitang kalagayan ng Papa nya. Alam nya, on going pa rin ang procedure.

Napaupo na rin lang sya sa bench pati ang Mama nya.

After barely 20 minutes ay lumabas si Richard. Nasa loob din pala ito. Bakas ang pag aalala sa mukha nito. Parang nilindol ang dibdib nya. Pilit na itinago ni Richard ang kaba sa mukha.

"Chard anong nangyari?? Anong nangyayari sa loob?" natataranta na sya. Nanginginig na yata ang katawan nya. Narinig nyang umiiyak na ang Mama nya.

"Ha ah eh...wala naman..papasukin ko lang sana si Kuya Ron sa loob, baka kako, gusto nyang makita yung procedure." ani Richard.

Hindi sya naniniwala kay Richard. Bakas sa mukha nito na may nangyayaring hindi maganda sa loob.

Agad syang patakbong pumasok sa OR. Bumubuhos na ang mga luha nya. Kitang kita nya, mukhang natataranta ang mga tao sa loob ng cubicle. Hindi nya lang marinig ang ingay mula doon dahil sound proof ang naturang cubicle. Agad nyang tiningnan ang monitor ng heartbeat ng Papa. Napakahina na noon.

"My God!" napasigaw na sya.

Naramdaman agad nya ang pagyakap sa kanya ni James.

"Lord no! Please! Parang awa mo na po!" muling hiyaw nya. Napasubsob na sya sa dibdib ni James.

"Di, lumabas na muna tayo. Ginagawa naman yata nila ang lahat. Malalagpasan ni tito yan." mahina subalit matigas ang boses ni James. Parang nagpipigil din ito ng galit.

"No James! Hindi ako lalabas!"

Pumasok na rin ang kuya at Mama nya. Napahagulgol din ang Mama nya. Yakap na rin ito ng kuya nya.

Iyak nilang dalawa ang pumupuno sa kwarto. Pagtingin nya sa loob ay natataranta pa rin ang mga nasa loob. Gusto na nyang pumasok subalit pinipigilan sya ni James. Di sinasadyang napatingin sya kay Don Jaime. Sa lahat ng nasa loob, ito lang ang hindi kakikitaan ng pagkataranta. Sa tingin nya ay gamay na gamay talaga nito ang ginagawa na kahit nasa panganib na ang pasyente ay hindi kakikitaan ng panic. Nakita nyang may isang staff sa loob na hawak ang defibrillator sa magkabilaang kamay. Nag re-ready na iyon. Sa hudyat ni Don Jaime ay idinikit ng staff ang machine sa dibdib ng Papa nya. Nire-revive ang Papa nya at kitang kita, nasa critical na condition ito.

Palakas ng palakas yata ang pag iyak nya. Si James na lang talaga ang pumipigil sa katawan nya para hindi bumigay.

Biglang may lumabas na isang staff mula sa loob ng cubicle. May pagmamadali iyon.

"Ready!..........Clear!" boses ni Don Jaime mula sa loob. Narinig nila dahil sa pagbukas ng pinto. Agad na namang idinikit sa dibdib ng Papa nya ang device. Kitang kita nyang umaangat ng bahagya ang katawan nito sa bawat pagdampi ng naturang machine.

"Anong nangyayari sa Papa ko??!" pahiyaw na tanong nya sa lumabas na nurse. Nilagpasan lang sila nito at may pagmamadaling lumabas ng tuluyan mula sa OR. Mukhang nautusan dahil kulang na lang ay tumakbo.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon