Chapter 13

9.6K 316 12
                                        

Pagkapananghalian ay pinainom nya ng dalawang klaseng gamot si Don Jaime. Imbes mamahinga ito ay gusto nitong lumabas at maglakad lakad. Ang mag asawa ay nagpapahinga na sa kwarto sa taas.

"Lolo hindi pwede! Magpahinga ka na muna o kaya dito ka lang sa loob maglakad lakad. For sure hindi mo maiikot naman lahat to. Hindi ka pwede sa labas, mainit doon." pigil ni Nikka.

Alam nya iniiwasan ni Nikka na makita ni Don Jaime ang garden na pagdadausan ng surprise welcome party.

Napangiti na rin sya ng kindatan sya ni Nikka.

"Alright alright..papasok na lang ako sa kwarto ko, magpapahinga." anito.

"Good boy! Pakiss nga!" at humalik si Nikka sa pisngi ni Don Jaime.

"Sasamahan ko na po kayo Don Jaime sa kwarto nyo." aniya.

"Nikka, I don't know what your plan was by hiring Nurse Diane but I'm telling you, you're just stretching the gap between me and James. Surely, he wouldn't like this. Huwag mo na akong samahan sa kwarto Diane, kaya ko pa naman. I'm a strong man, it's in the genes. Surely, you have it already proven." anang Don. Naglakad nga itong mag isa na walang tungkod. Malakas pa nga ito sa edad nitong 82.

Napatingin na lang sila dito.

"Don't mind him. Naniniwala ako sa plano ko. Did you call James yet? What did he say?"

"H..hindi ko pa sya nakakausap eh. Hindi sinasagot ang tawag." pagsisinungaling nya.

"Please call him now Di. Baka sagutin na. He needs to be here tonight. It's been so long. Sana ngayong gabi na ang katapusan ng pagmamatigasan nila." kita ang lungkot sa mga mata ni Nikka.

"Sige, tatawagan ko na sya."

"Thank you Di. I owe you bigtime. Lalabas muna ako ha? Check ko lang yung garden at may mga tatawagan din akong guests para mamaya. Iko confirm ko kung makakarating sila."

Napatango na lang sya. Tinungo nya ang kwarto na problemado. Bakit ba sa kanya napasa ang ganitong mabigat na task? Kahit ayaw na ayaw nya, kahit mabigat sa loob nya ay kailangan nyang gawin. Palalagpasin nya lang ang event mamayang gabi at talagang magpapaalam na sya.

Pagpasok nya sa kwarto ay ini-scroll nya ang contact list nya. Ilang sandali nyang tinitigan ang number ni James. Napakabigat ng daliri nyang pindutin ang screen.

But she has to do this call. Nikka is expecting her to do it.

Huminga sya ng malalim at pinindot ang screen. Lihim nyang ipinagdarasal na sana naka off ang cellphone ni James para may maidadahilan na naman sya kay Nikka.

Hindi pinakinggan ang dasal nya. Nag ring ang cellphone at agad na tinanggap ang tawag nya.

"For the record, may I just emphasize that this is tantamount to a waiver. Ikaw ang unang tumawag Nurse Di, so it goes without saying na hindi dito applicable yung clause sa affidavit ko na hindi kita guguluhin sa trabaho mo. Kumusta? Na miss mo ko no? Wala na bang gwapo dyan sa hospital?" mapang asar na naman ang boses ng tarantado.

Napapikit sya. Parang hinahaplos ang puso nya dahil sa boses nito.

"Nurse Di, ano na? May sasabihin ka? Magpapasundo ka ba sakin? Aalis na ko dito? Pupuntahan na kita dyan. Again, hindi violation yun dahil ikaw ang magre request. Ihahanda ko na tong kama. Malakas na ko, kahit sampo kaya ko na. Hindi mo lang alam pero nung nandyan ako sa hospital nyo, grabeng sakit ng puson ang tiniis ko dahil sayo."

Surely, pulang pula ang mukha nya ngayon dahil sa mga pinagsasasabi ni James.

"James wala na ako sa hospital. Nandito ako sainyo." iyon ang unang nasabi nya.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon