DIANE's POV
Humaharurot ang sports car ni James sa kahabaan ng kalsada. May Highway Patrol Group ng humahabol dito sakay ng motorsiklo dahil sa sunod sunod na traffic violations. Wala itong pakialam sa redlights at todo ang over speeding nito.
"Saan ba ang malapit na hospital??" bakas ang pag alala sa boses ni James.
"Lumiko ka dyan. Tapos kumaliwa ka! May shortcut dyan sa pinakamalapit na hospital." aniya.
Pati sa kurbada ay hindi nagmi menor si James. Dahil sports car ang dala ay napag iwanan nito ang HPG na humahabol.
Pagdating ng hospital ay agad na bumaba si James. Hindi na nito inayos ang pagkakaparada ng sasakyan. Mabilisan nitong binuksan ang pinto sa likod at agad na binuhat si Don Jaime mula sa pagkakasandal sa kanya. Napansin nyang duguan ang damit nya pero hindi na nya inintindi ang hitsura, agad din syang bumaba ng sasakyan at sumunod kay James habang karga nito si Don Jaime.
Agad naman itong sinalubong ng mga hospital attendants at inilagay si Don Jaime sa stretcher.
Napasunod silang dalawa. Hinarang sila ng lalaking staff.
"Sir, Ma'am hanggang dito lang kayo. Aasikasuhin namin ang pasyente, asikasuhin na muna ninyo yung deposito sa cashier." anang staff.
Lalong nagdilim ang mukha ni James.
Kinuwelyuhan nito ang lalaki.
"Tangina ka! Nakikita mo yung sasakyan ko sa labas? Isaksak nyo sa baga nyo yun bilang deposito! Ngayon, hayaan mo kong sumunod dahil kailangan ng pasyente ang dugo ko, kung hindi, magkakaproblema tayo dito, maniwala ka!" nag aapoy sa galit ang mga mata ni James.
"S..sige Sir. Sumunod kayo sakin. Pasensya na, sumusunod lang po ako sa policy." bakas ang takot sa mata ng staff.
Naging biglang mas mabilis ang pag asikaso kay Don Jaime ng makilala ng mga staff na ang pasyente nila ay syang may ari ng isa sa pinakasikat na hospital sa bansa. Bukod doon ay natakot kasi ang mga ito sa galit ni James.
Sa tiyan ang tama ni Don Jaime. Natanggal na ang bala at agad na isinailalim ito sa direct blood transfusion mula sa dugo ni James na ka matched ng blood-type ng Don. Unconscious ito at nasa kritikal na kondisyon dahil na rin sa highblood pressure.
Lutang pa rin sya dahil sa mga pangyayari. Masyadong nakakabigla. Kanina pa sya paulit ulit ng pagdarasal na hindi nya natatapos dahil napapaiyak na lang sya.
Napatingin sya sa mag ama na magkatabi ang kamang hinihigaan. Parang dinudurog ang puso sya. Nahuli nyang titig na titig si James sa tatay nito. Blangko ang expression ng mukha at tulala.
Nilapitan nya si James at hinawakan ang kamay nito ng mahigpit. Napatingin ito sa kanya at bakas ang sakit at bigat na pinagdadaanan nito.
"Sa tingin mo napakasama kong tao?" mahinang tanong nito.
Napailing na lang sya dahil hindi sya agad makapagsalita. Sobrang sakit ng lalamunan nya.
"Napakasamang anak, kung ganun.." statement iyon.
"No James. Please huwag mong iisipin yan. Mabuting tao ka at mabuting anak." luhaan na naman sya.
Tinitigan sya ni James at napailing.
"Bakit pinahihirapan ako ng ganito? Alam mo bang pakiramdam ko tinatrahidor ko ang alaala ng nanay ko? Pero bakit dinudurog ang kaluluwa ko ngayon dahil sa nakikita ko? Sinasabi ng isip ko na hindi tama to, pero sumisigaw ang konsensya ko na iligtas ko ang isa sa mga taong dahilan kung bakit nabuhay ako sa mundong ito. Simula ng magkaisip ako kinasuklaman ko sya. Pinilit kong may maabot sa buhay para ipakita sa kanya na may mararating ako kahit wala sya but deep within alam kong inabot ko ang mga naabot ko dahil gusto kong ipamukha sa kanya na magaling ako. Na sana nanghihinayang sya dahil itinakwil nya kami ng nanay ko. Gusto kong sabihin nya na sayang, pinakawalan ko ang lahi kong to, may ibubuga naman pala [napapailing si James]. Tuwing tatanggap ako ng awards, recognitions, promotions, gusto kong isampal sa pagmumukha nya ang mga yun but more than hate gusto ko lang sigurong gisingin sya na hey ako to, ang anak na itinapon mo! Tangina, nere-recognize na ng Pilipinas ang galing ko, utang na loob, i-recognize mo naman ako! Parang awa mo na!" napakapait ng pagkakangiti ni James.

BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
ActionJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...