Chapter 24

9.2K 282 18
                                        

Umaga, nagising syang wala si James sa tabi nya. Agad na nag init ang ulo nya. Pinakiramdaman nya ang sarili nya. Mukhang magaling na sya. Sipon na lang ang natira.

Napalingon sya sa paligid. Nandodoon pa naman ang bag ni James. Medyo nawala ang inis nya.

Tenext nya si Nikka at si Don Jaime na hindi na muna sya papasok. Sinabi nyang masama pa rin ang pakiramdam nya kahit ang totoo hindi na. Well, may sipon pa naman talaga sya. Ayaw nya lang makahawa sa mga tao sa mansiyon lalo na kay Don Jaime.

Maya maya ay pumasok na si James ng kwarto na may dalang umuusok na mangkok. Sinimangutan nya ito.

"Bakit na naman? Ipinagluto lang kita ng lugaw with egg. I even got myself castrated for this, you know? Yung isa nasa ref bukas naman." nakangising turan nito.

Natawa na lang sya. Ang gwapo nito sa umaga. Puro ka na lang gwapo! Yan din ang sinabi mo kahapon at kagabi sa sarili mo ah! Bat di mo sabihing gwapo ang damuhong yan all year round! Singit ng isang bahagi ng utak nya.

"Maghihilamos muna ako." aniya.

"Pinaghahandaan mo talaga ang itlog ko ha?"

"Ewan ko sayo!" akma syang babangon subalit inalalayan sya ni James.

Hindi nya alam ang tawag sa mga ginagawa nito. Hindi pa ba to romance? Hindi pa ba to sweetness? Gaano ba ka sweet ang tinatawag nitong romance?

Matapos makapag hilamos ay bumalik na sya sa kwarto. Napapansin nya, hindi yata nila nagagamit ang dining table. Palaging dito sila kumakain sa kwarto dahil dinadala dito ni James ang pagkain.

"Hindi ka pa ba babalik sa Nueva Ecija? Magaling na ko." pagkuway aniya.

"Bukas pa nga. Bakit ba ipinagtatabuyan mo ko? Pupunta ka na ng mansiyon no? Subukan mo lang, itatali talaga kita dito sa kama." anito na may inis.

"Nag text na ako ki Don Jaime, sinabi ko bukas na ako papasok." aniya.

"Hindi ba pwedeng isang linggo? Pwede kang umuwi na muna sa Pampa.."

"James papasok na ako bukas. Magaling na nga ako diba? Besides, aalis ka na rin naman bukas." aniya.

Hindi na ito umimik. Pati ito ay kumakain na din ng lugaw.

Buong maghapon ay kinilig syang muli sa ka sweet-an ni James. Lahat ng ka sweet-an nito ay may halong komedya kaya hindi pa man ay nalulungkot na sya sa pag alis nito bukas ng madaling araw.

Gusto nyang yayain itong manood ng sine pero nag dalawang isip sya. Never pa silang nag date ni James sa labas at ayaw nyang subukan ngayon. Baka masira lang ang moment. Tama na itong nandidito lang sila sa loob ng bahay. Masayang masaya na rin naman sya. Dapat lang na makontento na sya.

Nagluluto ito ng dinner ng yakapin nya ito mula sa likod.

"Di, mukhang ibang ulam ang gusto mo ha?" tukso nito.

"I was just fascinated na yung lalaking ayaw ng romance at self-confessed na hindi sweet ay pinapaulanan ako ng ka sweet-an for almost 2 days now." aniya. Idinikit pa nya ang mukha nya sa likod nito. Hinahalo nito pininyahang manok na sa tingin nya ay luto na.

"Two-things. Nagkasakit ka.." anito.

"And the second thing is?" tanong nya.

"May kailangan ako. I need to exert an effort, you know. Hindi ako mapagsamantalang tao, I always return favors, and you knew that, babe."

May lambing na kinagat nya ito sa likod. Humalakhak lang ito at hinarap sya sabay siil sa mga labi nya.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon