Chapter 15

9.7K 315 10
                                    

THIRD PERSON'S POV

Hinintay lang na makapag parked si Richard at sabay sabay na ang apat na pumasok ng malawak na compound ng mga Saavedra. Napapalamutian ang garden. May mga tables and chairs na naka arranged na okupado ng marami raming bisita. Karamihan ay mga teenagers.

"Hindi ba nakakahiyang mag gate crash Sandz?" tanong ni Richard.

"Doc hindi lang kita personal na naimbitahan beforehand because, I thought you're a very busy person but we were friends even way back before. I reckon, we were already introduced when you and Di were still..you know?"

"Yeah of course, I remember that, na star struck pa nga ako sayo noon nung ipinakilala ka sakin ni Di. Also, if you can recall, noong check up mo sa hospital, ako mismo ang nag refer sayo sa ENT namin."

"Yeah of course! So hindi ka gate crasher." ani Sandy.

Si Diane ay wala lang kibo malikot ang mga mata nya.

"Yeah right, ako lang pala." singit ni Don Jaime.

"Sir hindi po. As I was saying po, it will be a great honor for us to have you here. I mean you know, who would have thought na bisita ng anak ko sa birthday nya ang may ari ng isa sa mga pinaka sikat na medical institutions ng bansa not to mention na isa ka po sa pinaka magaling na cardiologist sa history ng medical profession." ani Sandy.

"Now my ears are getting bigger and wider. Marami ka na palang naikwento dito sa kaibigan mo Diane tungkol sa alaga mo." ani Don Jaime.

"Sir naman, hindi po naikwento sakin ni Diane yan. Sikat lang po talaga kayong Doctor nung kapanahonan nyo and I think, even today." ani Sandy.

"Baka naman hindi ko na madala ang tenga ko sa mga sinabi mo? Maiba tayo, I've heard nandidito kami sa bahay ng pinaka sikat na artista ng Pilipinas sa panahon na ito. Pasensya na at mga kasabayan pa Miss Gloria Romero ang kilala ko. Hindi na ako updated masyado. Isa pa, matagal akong hindi namalagi dito. Pasenya ka na hija."

"Ha ha! Sir naman, mukhang yang balita nyo ang mali. Hindi naman po ako ang pinaka sikat ngayon. Ako nga po pala si Sandra Saavedra but they call me Sandy or Sandz po. Pasok po tayo ng makakain na kayo."

"Nasaan na ba ang celebrant ng makabati man lang kami?" si Don Jaime.

"Nandyan lang sa tabi tabi yun Sir. Baka kasama yung mga ka klase nya. Mamaya nyo na lang batiin kumain na muna kayo." ani Sandy.

"Diane bakit ngayon ka lang?" anang Mama ni Diane na kagagaling lang mula sa kusina.

"Ma.." iyon lang ang nasabi ni Diane. Lumapit ang dalaga sa nanay nito at niyakap ng mahigpit.

"Na late na naman tita. Kahit wala namang ginagawa tong anak nyo lagi namang late to eh kaya hayaan nyo na. Okay lang yan, buti nga nakarating." pagbibiro ni Sandy.

"Ako ang may kasalanan Mrs. Lorenzo. I kept her waiting." singit ni Don Jaime.

"Hindi naman po Don Jaime. Desisyon ko din pong magpahuli para hindi na ako patulungin ni Sandy sa mga gawain dito." biro ni Diane. "Ma si Don Jaime nga po pala ang amo ko, Don Jaime ang Mama ko po si Mrs. Imelda Lorenzo." pakilala ng dalaga.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala Mrs. Lorenzo." ani Don Jaime.

"Ganun din po ako Don Jaime." medyo nahihiya ng usal ni Mrs. Lorenzo.

Nagkamay pa ang dalawa.

"Magandang hapon po Tita." bati ni Richard sabay mano sa Mama ni Diane.

"Richard ikaw nga ba?" ani Mrs. Lorenzo.

"Ako nga po." anito na nakangiti sa ginang.

"Hindi kita nakilala agad. Pumuti ka yata lalo at pomogi. Hindi ka na dumalaw sa bahay." ani Mrs. Lorenzo.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon