THIRD PERSON's POV
Unang dumating ang grupo ni Ryan na bitbit ang supply nila ng mga bala at kagamitan. Agad nitong niyakap si James at tinapik sa balikat.
"This is one hell of a battle at ngayon pa lang binabati na kita. Tangina pare, look at what you and your men have done. Nagkalat yung bangkay ng kalaban sa nadaanan namin ah. Anong ratio nyo? One shot, 5 kills?" naiiling na turan ni Ryan.
"Hindi naman, kinulang na nga kami sa bala eh kaya yung iba pinagkakagat na lang namin." si James.
"Ibang klase ang bangis mo James." naiiling na turan ni Ryan.
"Hindi rin. Hindi sana ako namatayan kung totoong mabangis ako." naiiling na naman na sagot ni James.
"It happens in a battle like this, Pre. Nalagasan nga rin ako ng apat nang sinubukan naming dumeritso kanina sa napakasukal na kabundukang ito. Masyadong na underestimate yung artillery ng kalaban. May pabrika yata sila ng mortar, RPG at mga high calibered weapons. Karamihan sa kanila hindi lang simpleng rifles ang gamit. Maraming naka AK-47. Sadyang kinulong kayo at pinutol ang supply ng artillery. Hindi nila alam, maling grupo ang kinulong nila. Ngayon, tutunawin na natin pati mga kuko nila mga tangina nila!" bakas din ang galit sa mukha ni Ryan.
"Malupit ka rin tol. Grupo mo ang sumalubong doon sa mga gagong nagtangkang kumulong saamin. Hindi nila alam, ex CIA ang kinalaban nila." si James.
"Parating na si Ram. Sila yung tumodas nung mga kalaban na naka deploy malapit sa dagat eh. Walang itinira ang loko. Mukhang gamay na gamay na yung gamit na assault vehicle. Nakatulog pa nga yata yung loko loko sa loob. Isa lang yata ang nalagas sa kanila." si Ryan.
"May pagkain ka ba dyan?" si James.
"Meron..andito sa bag. May ilang chocolate bars at crackers dito. Yung kanin, napanis na kaya itinapon ko na."
"Pahinge naman. Gutom na ko eh. Nagkaubusan ng pagkain." si James.
Ibinigay ni Ryan ang apat na chocolate bars at dalawang crackers kay James.
"Pasok muna ko sa loob. Nakalimutan ko yung hardhat ko." paalam ni James sabay tapik sa balikat ni Ryan. Napatango lang ang huli.
Bubuksan na sana ni James ang pinto pailalim ng dungeon ng salubungin sya ng putok.
Agad nitong naisara ang pinto para hindi marinig ang putok sa labas. Napakamot na lang ito sa ulo at saka binuksan ng maliit ang pinto.
"Ako to Di!" sigaw nito sabay sara ulit ng pinto. Baka magpaputok na naman kasi. Masunurin naman pala kahit papano. Naisip ni James.
Pagbukas ulit ni James ay narinig nito ang boses ni Diane.
"Sorry babe. Hindi ka nagsalita agad eh." anang gaga [makabawi man lang].
"Pwede ng pumasok?" si James.
"Sige, tara na." si Diane.
"Bat pinaputukan mo ko? Hindi pa man gusto mo ng mabalo agad?" ani James na kakamot kamot ng ulo.
Sinalubong ito ng yakap ni Diane.
"Sorry...sorry talaga! Sabi mo kasi pag may pumasok paputukan ko diba?" ani Diane na napahilig pa ang ulo sa dibdib ni James.
"Pag kamatayan ko, masunurin ka no?" natatawang wika ni James.
"Grabe ka! Sorry na nga! Dalhin mo na kasi tong baril! Ayoko na nyan! Promise!"
"Aalis na kami. Nandyan na yung grupo ni Ryan. Yung grupo na lang ni Ram ang hinihintay namin. Sumaglit lang ako para manligaw. Chocolates for you babe. Tsaka na yung flowers ha?" loko na naman nito.

BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
ActionJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...