Gusto nyang makausap ng personal si James subalit busy ito kasama sila Mark sa pagpili ng makakasama sa recruit. Masyadong marami kase ang nag volunteer kaya kailangan pa ring pumili.
Gusto nyang makausap si James dahil natatakot sya sa sinabi nito. Pakiramdam nya, masyadong mapanganib ang nakaambang misyon na susuungan nito.
Hindi sya mapakali. Patingin tingin sya sa gawi nila James. Si Don Jaime, si Kuya Rod at sya na lang ang natitira sa lilim ng puno. Busy na kase ang mga kasundaluhan pati na si Gen. Aragon na personal na tinitingnan ang mga nag volunteers.
"You know, I've been in this kind of tension several decades ago. Doctor lang ako noon at hindi combatant, pero grabeng kaba pa rin ang naramdaman ko. Pag nasa mission ka na, hindi na namimili ang bala eh. Anytime, anywhere maaring mahagip ka. I really envy the bravery of these men. Alam ko natatakot din naman sila, pero mas nananaig ang tawag ng pagsisilbi sa bayan eh." biglang litanya ni Don Jaime.
"Nakakalungkot lang Don Jaime na kailangan nilang ipagpalit ang pamilya nila para sa bayan no? Hindi natin alam kung sino ang mamamatay sa kanila at tiyak iyon, may mga maiiwan silang mahal sa buhay na magdurusa." si Kuya Rod.
Lalo yata sumakit ang dibdib nya.
"Alam mo Rod, tuwing nasa gyera ka na, hindi na bayan ang nasa isip mo eh. Ang nasa isip mo, kung pano ka mananatiling buhay at kung papaano mo maililigtas ang mga kapatid mo sa trabaho. There's no more painful scene than seeing your friend--your brother in profession na naghihingalo. Yun pa lang napakalaking torture na and what's more painful is the thought na maaaring ikaw na ang sumunod. Although, hindi mo na maiisip masyado ang sarili mo pag talagang bakbakan na. Nananaig ang kagustuhan mong maibawi kung hindi man mailigtas ang mga kasamahan mo. Kaya nga minsan nagkakaroon ng mga suicidal na sundalo eh. Nawawala na sila sa tamang katinuan pag nakikitang marami ng nakahandusay na kasamahan because in every battle, extension na ng buhay mo ang mga kasamahan mo sa trabaho. They're there not only to fight but to watch your back. And so, you need to do the same." parang nahuhulog sa malalim na iniisip si Don Jaime habang nagsasalita.
Dahil lalong kinabahan ay hindi na sya nakapag pigil.
"Don Jaime, bakit hindi mo na patigilin si James sa pagsusundalo? Alam mong anytime ay, God forbid, but.."
"Kung pag kilala nga sakin ay hindi nya magawa, sa tingin mo ang pagkilala pa sa utos ko? That asshole knows what he wants. Let him be, after all, I believe, he's doing good and he's enjoying it. Pakakapalin ko lang ang pader sa pagitan namin kung susundin ko ang suggestion mo."
Natameme sya. Napatingin na lang ulit sya sa gawi nila James. Nag disperse na ang kasundaluhan. Mukhang may mga napili na. Palapit na nga sa kanila si Gen. Aragon. Nakangiti ito kay Don Jaime.
Napatingin sya kay James, kausap ito ni Dave at ni Mark.
"Don Jaime, kakausapin ko lang muna po si James." paalam nya.
Napatango lang ito na kunot ang noo.
Mabilis syang naglakad papunta sa tatlo. Mukhang nagtatalo ang mga ito. Nakatalikod sa gawi nya si James at narinig nyang galit ang boses nito. Muntikan pa syang mapatigil ng marinig nya ang pangalan nya na sinabi nito.
"Ito na pala si Di eh. Kausapin mo nga ang gagong James na to!" si Dave na naiiling. At umalis na ang dalawa. Naiwan si James na hindi maipinta ang mukha.
"Halika ka nga ditong babae ka! Hindi ka pa talaga nakontento no? Nagpa display ka pa dito! Yung gago mo namang amo mukhang ibubugaw ka pa sa mga sundalo!" mahinang angil ni James. Mahigpit ang hawak nito sa kanang braso nya. Galit na galit ang itsura nito.
"Aray James! Ano ba?! Nasasaktan ako!" first time na dumiin ng ganito kadiin ang pagkakahawak sa kanya ni James na nasasaktan na sya.
"Kung lalaki ka lang binasag ko na yang mukha mo!" muling angil ni James.
BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
AcciónJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...