Chapter 54

12.7K 344 29
                                        

Happy birthday kay @JonalynPacito. Batiin nyo naman! Magpapa pansit daw sya! Happy birthday neng!

DIANE's POV

Nahuhuli nyang parang laging malalim ang iniisip ni James mula pa kahapon dahil sa mga sinabi ni Don Jaime tungkol sa Nanay nito. Alam nyang mas maraming tanong ang naglalaro sa utak kaysa naliwanagan ito. Bakit kasi ganun ka limitado ang mga sinabi ni Don Jaime? Ano ang dahilan nito? Pati sya ay napapaisip din. Good thing about James is kaya nitong dalhin ang mga bumabagabag sa loob nito. Pag aware itong may nakatingin ay pilit na bumabalik ito sa kalokohan.

Tulog si Don Jaime. Katatapos lang nitong kumain ng lugaw na si James pa mismo ang nagluto. Request ni Don Jaime iyon na malugod naman na pinagbigyan ng anak nito. Hindi pa daw kasi pwede kay Don Jaime ang masyadong solid na pagkain. Natutuwa talaga sya sa development ng dalawa. Actually, goose-bumped yata ang nararamdaman nya. Never nyang na-imagine dati na darating sa ganitong pagtuturingan ang mag ama.

Dumating si Aling Martha sa suite at masinsinan sya nitong kinausap. Si James ay nakahiga sa sofa, nakapatong ang kaliwang arm nito sa noo at mukhang malalim na naman ang iniisip.

"Mukhang malungkot yata si James? Akala ko okay na silang mag ama?" bulong ni Aling Martha sa kanya.

Napalingon sa kanila si James.

"Manang, kararating nyo lang?" bumangon si James at nagmano kay Aling Martha.

"Kaawaan ka ng Diyos. Ngayon mo lang ako napansin? Mukhang malalim yata ang iniisip mo? Okay na ang tatay mo ah. Ano pa ba ang iniisip mong bata ka?" ani Aling Martha.

"Iniisip kong hanapan si tatay ng mapapangasawa eh. Baka naman po pwede kayo total, sa tingin ko, kilalang kilala na naman ninyo ang isa't isa?" loko ni James.

"Diyaskeng bata ka! Maloko ka talaga! Manang mana ka sa tatay mo! Sisinturunin kita! Wala akong pakialam kung sundalo ka!"

Niyakap nito ni James.

"Hmmm...dati pa rin ang amoy mo Manang, bango! Naaalala ko pa ang amoy mong to eh!" ani James.

"Huwag mo kong binobolang bata ka! Walong buwan ka pa lang ng umalis sa poder ko no?!"

"Manang naman eh. May ilong na rin naman ako nun ah?" patuloy sa pagbibiro ni James.

"Pilosopo mong dyaske ka! Pero kung alam kong lalaki kang ganito ka kalambing, hindi sana kita ibinigay sa nanay mo." si Aling Martha.

Natigilan na naman si James at nahalata nilang dalawa yun ni Manang Martha.

"James, nasagot na ba ang mga katanungan mo?" mahinang wika ni Aling Martha.

Napatigin dito si James at nakangiting sumagot na pilit na pinasigla ang boses.

"Oo, manang. Ayos na ko!"

Tinitigan ito ni Aling Martha.

"Kilala ko si Don Jaime, James. Hindi ka na sasaktan nun ng sobra kaya sigurado akong hindi nya sinabi sayo ang buong katotohanan." matiim ang pagakakatingin ni Aling Martha kay James.

Napalunok na lang sya. Kinakabahan yata sya.

"Mukhang ikaw ang mananakit sakin Manang ah. Akala ko ba ako ang pinaka paborito mong alaga?" nakangisi si James.

"Kung kailangan mong masaktan para masagot ang mga gumugulo dyan sa utak mo at para magkaroon ka ng lubos na kapayapaan ay nakahanda akong saktan ka ng katotohanan." seryoso si Manang.

Lumapit sya kay James at hinawakan nya ang kamay nito. Tumingin ito sa kanya na may kalituhan sa mga mata.

"James tama si Manang Martha. Hindi ka rin matatahimik hangga't may gumugulo dyan sa utak mo. Ang kailangan mo lang maging open minded. May tiwala naman ako sayo eh. Alam ko na napakalawak ng pag unawa mo, matalino ka James. Just remember babe, always look for the bright side of the story. Okay?"

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon