DIANE's POV
Kinausap sila ng matagal ni Nikka. Ito pala ang binagbilinan ni Don Jamie para mag observe at i-supervise ang kalagayan ng Papa nya. Muling siniguro nito na nasa stable ng kalagayan ang Papa nya at ligtas na sa kritikal na kondisyon.
Muli nitong sinabi sa kanya na mabuti na lang daw at boyfriend nya si James. Gusto nyang mag react to the contrary dahil hindi naman talaga official na sila ni James. In fact, mas lalong nagkalabuan pa nga ang dating walang katiyakan na nilang relasyon nung mag text si Nica, and somehow alam ni Nikka ang real score sa pagitan nila James, however, gustong gusto nya yung pagbanggit nito na boyfriend nya si James kaya hindi nalang nya ito kinontra. Parang feel na feel pa nga nya eh na kahit yung issue tungkol kay Nica ay pilit nyang isinasantabi sa utak nya.
Mag aalas kwatro na ng madaling araw ay wala pa rin si James. Naiinip na sya at kinakabahan. Hindi naman nya ito ma text o matawagan dahil wala pa daw itong cellphone. Nakatamaran na daw nitong bumili ng pamalit dahil hindi naman nagagamit. Busy daw ito masyado kasi sa training nung mga nakaraang linggo.
Mag aalas singko na ng ilipat nila sa private room ang Papa nya na inalok na naman sa kanila ni Nikka. Kahit tumanggi sila dahil mag isa doon ang Papa nya at alam nyang may kamahalan ang kwartong yun ay nagpumilit pa rin si Nikka.
Hindi na natapos tapos ang pasasalamat nila dito.
Matapos makalipat ng maayos ang Papa nya ay nagpaalam sya sa Mama nya at sa kuya nya na lalabas muna ng room. Hindi na kasi sya talaga mapakali. Wala pa rin kasi si James. Lumabas sya at tumambay sa lobby sa harap ng hospital. Doon na lang nya aabangan si James.
Quarter to 6 na ay wala pa rin ito. Nalulungkot na naman sya. Umalis na ba papuntang Nueva Ecija si James? May nanungaw na naman na luha sa mga mata nya.
"Nag promise ka, pero umalis ka pa ring walang paalam. Ang daya daya mo." mahinang usal nya.
"Godbless his soul. May he rest in peace." anang boses mula sa likod nya.
Agad syang napalingon at nakita nya ang lalaking hinihintay nya. Fresh na fresh ito. Mukhang nakapaligo na at ampogi, as usual. Naka khaki shorts ito at t-shirt na gray. Malaki ang ang pagkakangisi nito.
"Kainis ka! Bakit ngayon ka lang?! Kanina pa ko naghihintay dito!" agad syang lumapit dito at yumakap.
"Baho mo na, mahiya ka naman sakin bagong ligo ako."
Itinulak nya ito subalit humigpit lang ang pagkakayakap nito.
"Sabi mo mabaho ako." reklamo nya.
"Hindi ko ba nasabi sayo na paborito ko ang mga mabaho?" patuloy nito sa panloloko.
Kinagat nya ito sa dibdib. Tumawa lang ito ng marahan.
"Magbreakfast na tayo. Dala ko yung mga paborito kong pagkain. Manood ka lang habang kumakain ako." anito.
"Ewan ko sayo! Bakit galing ka na sa loob? Saan ka dumaan at hindi kita nakita? Kanina ka pa?"
"Kararating ko lang galing pa ko ng apartment. Naligo muna ako. Nung isang buwan pa ko huling naligo eh. Tsaka bumili pa ko ng breakfast natin. Tara na sa loob, hinihintay na tayo. Gutom na ang kuya mo."
Hinila na sya papasok nito sa loob. Nasasanay na syang magka holding hands sila lagi. Dati hindi mahawak si James pag nasa public sila pero ngayon ay palaging hawak nito ng mahigpit ang mga kamay nya.
Pagkatapos nilang mag breakfast ay naligo na rin sya. Paglabas nya ng banyo ng hospital room ay tulog ang Mama nya sa spare na kama. Si James lang ang gising na nanonood ng TV. Wala ang kuya nya.

BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
ActionJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...