Chapter 40

10.4K 310 50
                                    

Pagpasok nya sa loob ng eroplano ay bumulaga sa kanya ang sandamukal na kasundaluhan. May nagtatawanan. May nag uusap ng malakas. May mga nasa tabi lang na seryoso. Meron ding may mga kausap sa cellphone. Sakto lang, magulo sa loob. Walang makakapansin sa kanya. May ilang babaeng sundalo din syang namataan.

Pasimpleng hinanap ng mga mata nya si James subalit hindi nya ito mamataan.

Kompara sa mga commercial planes, ang eroplanong ito ay pahaba na pa-vertical ang upuan sa magkabilaang side.

"Tanginang buhay to! Dun tayo sa pinakasulok! Malilintikan talaga ako nito eh!" boses iyon ni Calderon. Agad sya nitong itinulak papunta sa direksiyon sa dulo.

Hindi na lang sya nagreklamo kahit muntikan na syang masubsob sa isang sundalong may kausap sa cellphone. Sa bandang gitna ng eroplano ay may kinuhang dalawang rifles mula sa baggage deck si Calderon. Agad nitong ibinigay sa kanya ang isa.

Napauklo pa sya ng bahagya dahil medyo may kabigatan iyon.

Tiningnan sya ni Calderon. Nakasimangot pa rin ito.

"Medyo mabigat." marahang usal nya.

"Mas mabigat ka pa dyan! Pag ako talaga nabwisit Ma'am ihuhulog kita ng eroplanong to! Excess baggage ka dito! Tragis talaga!" pabulong na wika ni Calderon.

Naglakad na lang sya ng walang imik papunta ng dulo ng eroplano. Pinakadulo talaga ang pinili ni Calderon na uupuan nila.

"Ayusin mo ang paghawak ng rifle! Gayahin mo ko! Wala ka sa beauty pageant Ma'am!" muling angil ni Calderon sa kanya. Tiningnan nya ang pagkakahawak nito sa baril at ginaya nya.

"Huwag kang gagala gala! Magkunwari kang natutulog! Ibaba mo pa ng kunti ang cap mo para matakpan lalo ang mukha mo! Lintek na buhay to!" muling angil ni Calderon.

Sinunod nya ang sinabi nito. Ibinaba nya lalo ang sombrero nya. Halos matakpan na ang mata nya.

"Andaming sundalo. Ilan ba kayo lahat dito? Kaya ba ng eroplano to?" gusto nyang mag umpisa ng magaang usapan kay Calderon. Hindi sya naiinis dito kahit na lagi na itong galit sa kanya. Magaan ang loob nya dito. Hindi ito masyadong katangkaran. In fact, kunti lang ang itinangkad nito sa height nyang 5'5". Medyo maputla ito at medyo maliit ang pangangatawan kung ikokompara sa mga ibang sundalo sa loob ng eroplanong ito. Overall, mabait ang tingin nya sa sundalong ito.

"Ninety one! Pang ninety two ka! Tangina, huwag lang talagang makahabol si Borromeo sa first flight na to dahil sinisigurado ko sayo, sisipain ka pababa ng eroplanong to!" may inis pa rin ang tono ni Calderon.

"Sumara na yung pinto diba?" sagot nya.

"Pwedeng mabuksan ulit yan! Pinto nga diba?!"

"Sorry talaga Calderon. Promise, hindi kita idadamay pag nabuko ako."

"Matulog ka na nga!" angil nito.

Sinunod nya ito. Nagkunwari syang tulog kaya yumuko sya ng bahagya. Ayaw na nyang pikonin lalo ang pobreng sundalo kaya tatahimik na lang sya kahit na gusto pa sanang hanapin ng mga mata nya si James. Lihim na lang syang nanalangin na sana mamaya na dumating yung Borromeo. May tatlo pa namang eroplano na matitira pag alis nitong sinasakyan nila.

Maya maya ay naalala nya ang kapamilya nya sa Pampanga. Kinuha nya ang cellphone sa bulsa.

Tenext nya ang Mama nya.

'Ma, hindi pala ako makakauwi. Pupunta ng Hongkong si Don Jaime ngayong araw na to. Kailangang sumama ako. Pakisabi kay baby Chloe na babawi na lang ako. Pagdating ko na lang tsaka ko iaabot yung regalo ko.' message sent.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon