Chapter 41

11.8K 344 52
                                    

DIANE's POV

"May restroom ba dito?" agad na tanong nya ng pabulong kay Calderon.

"Pinakadulo, kaliwa." pabulong na sagot din ni Calderon.

Kabadong tumayo sya at agad na tinungo ang direksiyon na sinabi ni Calderon. Nasa kalahatian ng aisle ng eroplano pa lang si James ng magnakaw sya ng tingin. Tumigil ito at kausap si Sgt. Escueta.

Halos hindi sya humihinga. Pagpasok na pagpasok nya sa restroom ay agad syang napasandal sa pinto. Sunod sunod ang binitawan nyang paghinga. Napa sign of cross pa sya. Ano ba tong ginagawa nya? Hindi nya alam na may itinatago pala syang ganitong tapang at lakas ng loob.

Naghintay sya ng halos labing limang minuto sa loob ng restroom. Kinalma muna nya ang sarili.

Nang medyo bumaba na ang kaba nya ay lumabas na sya. Baka kasi may gumamit ng restroom at makilala syang hindi myembro ng company na pinamumunuan ni James.

Salamat naman at wala syang nakasalubong palabas. Sinipat muna nya ang kinauupuan ni Calderon. Nakatingin din ito sa direksiyon nya na medyo balisa pa rin. Wala na si James at hindi na nya ito makita sa unahan. Nakahinga sya lalo ng maluwag.

Pag upo nya ay pabulong na nagsalita si Calderon.

"Wala pa man sa misyon, mamamatay na yata ako at ikaw ang papatay sakin." pabulong na angil nito.

Hindi na sya umimik. Naaawa na talaga sya dito.

Mga bandang alas nwebe ng umaga ay lumapag na ang C130 sa airport ng Isabela Basilan.

Kinakabahan na naman sya. Hindi nya alam kung ano mga susunod na mangyayari sa kanya sa kapangahasan nyang ito.

Nagsibabaan na ang mga sundalong nasa unahan at dahil nasa pinakadulo sila ay sila ang huling bababa.

"Didikit ka lang lagi sa likod ko at pasimpleng nakayuko ka lang dapat lagi. Huwag kang masyadong magpapahalata na nagtatago ka. Napakalakas ng pang amoy ni kapitan. Nakalusot lang siguro tayo dahil napapansin kong parang tuliro at lumilipad ang utak ni Sir pero kunting pagkakamali at kaduda dudang galaw mo, sinasabi ko sayo, tapos ang pangarap ko." mahaba at pabulong na sermon sa kanya ni Calderon.

Napatango na lang sya. Kinakabahan na naman sya ng todo. Sinunod nya ang sinabi ni Calderon. Kahit medyo nabibigatan sya sa bitbit na rifle ay hindi nya ininda. Naglakad sya gaya ng paglalakad ng mga nasa unahan nya.

Pagbungad nila sa pinto ay nakita nya sa baba ng hagdan ng eroplano si James katabi nito si Sgt. Escueta.

"Go! Go! Go!" sigaw ni Sgt. Escueta.

"Double time! Goddamn it!" sigaw din ni James. Pinigil nya ang balikat nyang gumalaw dahil sa pagkagulat. Siyam pa silang magkakasunod sa hagdan at siya ang pinaka huli. Mabuti na lang at bigla ng umalis si James kasunod si Sgt. Escueta. Direksiyon ng naghihintay na truck ang tinutungo ng mga ito na maaaring sya ring sasakyan nila.

Nagkaipon ipon sila sa tatlong military vehicle na naghihintay. As usual, nasa likod na naman sila ni Calderon.

"Men, split into 3 groups! Thirty troops per vehicle! Dito sa Elf, thirty two! Let's go!" sigaw na naman ni James.

"Huwag tayo dyan sa Elf, nandyan si Kapitan. Dun tayo sa isa." bulong na naman ni Calderon. Napapatango na lang sya lagi kahit na sa Elf talaga nya gustong sumakay. Pakiramdam nya kasi, safe sya pag nasa malapit lang si James. Kaya lang wala syang karapatang mamili.

Sa pangalawang truck nga sila sumakay ni Calderon. Ang gugulo ng mga kasama nila at mabuti na lang dahil hindi sya mapapansin. May mga kumakanta pa ng pasigaw habang nasa byahe. Nanatili syang umiiwas ng mukha sa mga kasamahan.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon