Nakasalubong nila sa hallway si Ethel at si Aileen.
"James, Di, magpapaalam na muna kami ha? Balik na lang kami. Alam mo naman, baby pa yung bunso ko. Mga yaya lang yung kasama nung tatlo sa bahay. Si Lance, nasa Bataan. Sabado pa ng gabi ang uwi nun." si Aileen.
"Tong Lance talagang to, mambababae lang pumunta pa ng Bataan. Sa tabi lang ng bahay nyo meron na eh. Dalawang hakbang lang mula sainyo." loko ni James.
"Mukha mo! Loyal ang asawa ko no?! Training lang ang inaasikaso nun sa Bataan! Kung ikaw sya baka nga! At isa pa, lumipat na kami ng bahay no?! Tsaka bestfriend na kami ni Mitch bago kami umalis doon sa dating bahay namin, tange!" ani Aileen.
"Huwag mong intindihin ang lalaking yan. Gawain nya kaya nasasabi nyang ganyan. Anyway, thank you, thank you talaga Ai..grabe ang suporta nyo. Nahihiya na nga ako." aniya.
"Just remember why we are doing this. Well of course, ginagawa namin to dahil talagang kaibigan na ang tingin namin sayo even way before but I want you to remember the private joke among the group Di. Ako rin, magpapaalam na muna ha? Baka bukas makabalik kami. Baka kasi mamayang gabi, dumating si Mark. Two days lang naman daw kase sya sa Camp Simeon Ola so most probably nasa byahe na yun pabalik." si Ethel.
"Anong private joke yan?" si James.
"Private nga diba? Saamin lang yun." sagot ni Ethel.
"Hay naku, huwag nyo nang pag iintindihin ang lalaking yan. Alaskador na tsismoso pa." aniya. Nayakap nya ang dalawa. Nata touch talaga sya sa mga kaibigan nyang ito.
"Mauna na ko ha? Mukhang mag iiyakan pa yata kayo eh. Nakakahiya naman sainyo." loko na naman ni James.
"Hindi ka ba napipikon sa pang aasar ni James? Bakit kaya pare pareho ang ugali ng mga magbabarkadang yan? Tuwang tuwa sila pag nakakapam bwisit!" si Aileen.
"Hayaan nyo na. Iisang tao kasi ang nagtraining sa mga yan. Yung head ng mga sira ulo sa Mandaluyong. Si Mark nga nasasanay na lang ako. Kung manlambing kasi pagkatapos mambwisit hay naku..todo! Yung mga mahilig mabwisit yata ang magagaling manlambing eh." - Ethel.
"Wala na kong masasabi, except, sang ayon ako sa sinabi mo Thel, dadagadagan ko lang ng kunti, ako ang pinaka malambing sa lahat, kahit itanong nyo pa kay Diane." ngingisi ngising turan ni James.
"Hay naku James, O sya, pumunta na kayo sa operating room. Hinahanap ka na ni Don Jaime." si Ethel.
"Di mo sinabing itinanan ko na yung nurse nya?" sagot ni James.
"Hindi na nurse ni Don Jaime si Diane no?" si Aileen.
Napatingin sa kanya si James.
"Di nga?? Totoo Di?"
"Oo nga pala. Di ko pa naikwento sayo. Last day ko doon kahapon. May pumalit na saakin." aniya.
"That's..that's good news! Kaya pala ibang nurse yung nakita ko sa bahay nila, akala ko naman nagdagdag lang ng staff si Don Jaime, akala ko balak maglagay ng branch ng hospital sa bahay nya.." si James.
"Maganda?" nakangiting tanong ni Ethel.
"Mas maganda pa rin tong nurse ko." sabay kindat pa ni James at akbay sa kanya.
Nag init na naman ang mukha nya.
"Naman! Sang ayon kami dyan! O sige na't baka mapagalitan ka na ng tatay mo. Mukhang napaka estrikto pa naman yata nun." si Ethel.
"Bat ba tatay ka ng tatay? Sige ingat kayo. Di ko na kayo maihahatid ha? Pasensya na't marami pa akong nag hihintay na pasyente dito eh."
"Ewan ko sayo! May mga drivers kami no kaya hindi mo na kami kailangang ihatid. Alalayan mo si Diane! Kailangan ka nya. Ingatan mo yan." si Aileen.

BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
ActionJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...