JAMES' POV
Nagising sya ng eksaktong alas tres ng madaling araw. One hour before mission-launch. Matagal tagal na rin syang hindi nakakatulog ng mahimbing. Hindi na nya maalala kung kelan ang huli until tonight. Pakiramdam nya, nakainom sya ng sangkatirbang vitamins na pampatulog. Actually parang multi vitamins pa nga eh kasi pakiramdam nya, ang lakas lakas nya. Ngayon nya lang naramdaman na nanghihina pala sya nung mga nakaraang araw. Ngayon nya lang naramdaman pagdating ng babaeng ito na tanging pinaghuhugutan nya ng lakas.
Kagabi bago nga sya matulog ay alas dos ang balak nyang gising subalit napa extend. Sumobra ng one hour. Sino ba naman ang hindi? Ang babae lang naman na ito ang nakakapagbigay sa kanya ng comfort na hindi kayang tapatan ng kahit na sino. Pinindot nya ang penlight at ng umilaw ay inilagay nya sa dibdib nya. Hindi nakatutok sa mukha ni Diane, directly. Ayaw nyang magising ito at ayaw nyang makita sya nito pag alis nya. Alam nya, mag aalala ito. Baka biglang mapaurong sya ng last minute sa mission.
Napailing na lang sya. Para itong anghel na mahimbing ang pagkakatulog. Pinag sama ang perpektong mukha at katawan. Very fragile and so vulnerable yet very calm and so damn beautiful. Nakasiksik ito sa kanya at nakayakap na para bang pinoprotektahan nito ang isang napaka mahalagang pag aari. He was so damn asshole for causing her so much pain. Sya nasaktan din ba sa mga ginawa nya? Wala sigurong maniniwala pero mas nasaktan sya dahil sarili nya mismong kagaguhan ang kalaban nya. Wala ng tatalo pa siguro pag sarili mo mismo ang kalaban mo. Habang nasasaktan nya ang babaeng ito, kaluluwa nya mismo ang nadudurog. Habang naghihirap ang damdamin nito, sumasagi sa utak nya ang pagpapakamatay.
Wala naman sigurong pwedeng sumisi sa kanya na sinubukan nya itong itulak sa iba dahil aminado naman sya, medyo matagal tagal na, na hindi sya ang lalaking para dito. She is so damn good to deserve a so damn bastard like himself. She likes to have an ideal family of her own while he is so damn assured that he'll mess up on that aspect. Masasaktan lang ang napakabuting babaeng ito. She definitely deserves the best because that's what she is -- the best.
But then again, it won't harm if he'll give it a try. Maybe he is worst but he has the best lady beside him. For the first time, mag iisip sya ng positive, kaya ng babaeng ito na baguhin ang paniniwala nya. Magiging magkakampi sila laban sa mismong sarili nya.
Hindi nya napigilang halikan ang mga labi nitong mamula mula at tragis talaga, hindi na naman nya napigilan ang mga luha nya. Bakit ba sa babaeng ito lang yata bumubukas ang mga tear ducks nya?
Mapanganib ang misyon nila at aware na aware sya doon. Sabi nila, ang unit daw na hawak nya ang delikado at nasa alanganin sa misyon na ito. Hindi nya naisip yun ng mga nakaraang araw. Ang totoo, na excite pa nga sya eh. Ang sabi pa nya sa sarili, he has nothing to lose at magiging win-win ang sitwasyon nya. Pag nabuhay sya swerte. Pag namatay naman sya, eh ano naman? Baka nga masabi pa nyang mas swerte. At least, tapos na ang lahat. Buti nga yun hindi na sya mismo ang papatay sa sarili nya. Iwas kasalanan pa diba? Malamang nga masabihan pa sya ng "you did not die in vain" at may libre pang flag ang kamag anak nya, kung meron mang kamag anak na tatanggap.
Pero ngayon, natatakot sya. Ayaw na nyang makitang nasasaktan ang babaeng ito at natatakot sya na pagkatapos ng misyon, matinding sakit na naman ang mararanasan nito. Naisip nya ang will na prenepara nya at iniabot nya kay Ethel nung gabing nag get together sila bago ang misyon na ito. Mahigpit ang bilin nya na bubuksan lang ang selyadong envelop na iyon pag namatay sya sa misyon na ito. Mula sa tatlong insurance, sa death benefits na makukuha nya sa AFP at lahat ng meron sya.....
Hinalikan nyang muli si Diane na napakahimbing pa rin ng pagkakatulog.
"You deserve to have everything that I have babe -- that and more. Sorry sa lahat at....mahal na mahal kita. Kung mamamatay man ako sa misyon na to, I would say that I have lived my life to the fullest and that I had the best days of my life dahil pinagtyagaan mong mahalin ang sira ulong katulad ko."
BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
AçãoJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...