DIANE's POV
After 2 days ay medyo naka-recover na si Don Jaime ng lakas.
Dumating si James ng suite mga bandang alas kwatro ng hapon. Galing ito sa headquarters. Pinag report ni Gen. Aragon dahil may mga pipirmahan daw.
Hinalikan sya nito sa labi at namula sya. Hindi pa sya sanay na nakikita ni Don Jaime ang mga ganitong gestures of endearment ni James. Pasimple nyang kinurot ito. Kinindatan lang sya nito ay iniwan sa sofa. Lumapit na ito kay Don Jaime sabay mano.
"Kumusta? Mukhang malakas na talaga kayo ah? May fun run ang AFP bukas, imbitado ka." ani James sa tatay nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito matawag ng Daddy, Papa or whatever na pwedeng itawag sa ama, si Don Jaime.
Ayaw na muna nyang i-pressure ito. Okay na yung dahan dahang hakbang basta sigurado at bukal sa loob. Si Don Jaime man ay hindi rin nagde demand.
"Loko ka, baka patulan ko yan." si Don Jaime.
"Ha ha! Bakit hindi? Pwede naman daw ang wheelchair eh." patuloy ni James na tinungo na ang dining area ng suite para ilagay ang mga dala nitong pagkain.
"Anong akala mo sakin? Baldado? Baka nga maunahan pa kita sa finish line eh." si Don Jaime.
Tumawa lang si James. Masayang masaya sya sa improvements ng dalawa. Ang cute pakinggan na parang magkaibigan lang ito kung magturingan.
"Galing dito si Nikka kanina habang nasa headquarters ka. Nalungkot sya sa nangyari at hindi nya matanggap ang nagawa saakin ng Mommy nya. Nag desisyon syang magbakasyon muna sa America ng ilang buwan para daw mag isip. Pinayagan ko." balita ni Don Jaime.
Napalingon si James.
"Hindi man lang nagtext saakin ang babaeng yun." marahang wika ni James.
"Nahihiya daw sya sayo." si Don Jaime.
Hindi umimik si James.
"James, sa kabila ng nangyari ay naaawa ako kay Myrna. Nakakulong sya at hindi sya sanay sa buhay na ganun. Lumaki syang maalwan. Hindi sanay sa mainit na lugar yun." si Don Jaime. Bakas ang lungkot sa boses nito.
Lumapit si James at naupo sa couch malapit sa kama ni Don Jaime.
"Nalulungkot din ako sa nangyari. Well, nagagalit siguro kay Madam Myrna dahil ako, never akong napalapit sayo physically and emotionally simula ng magkaisip ako. Lately na nga lang kita nakita eh. Pero sya, halos buong buhay nya ay nasa pag aalaga mo. Hindi ko alam kung naiinggit ako eh. Siguro, oo. Inamin ko rin sayo noon na sumagi sa isip ko na binalak kong patayin ka, maitabla ko lang ang nanay ko. Those were the days na napakagulo ng mundo ko dahil mag isa lang ako sa buhay at pakiramdam ko ay senseless spot ako dito sa mundo. I've even wished you dead. But contrary to Madam Myrna, those ill-thoughts never lingered on my mind. Obviously, hindi ko kaya. Pero sya, nagtangka sya at hindi lang isang beses. Galit siguro ako sa kanya dahil binasura nya pagpapahalaga mo na sa kalooblooban ay pinapangarap ko. But then again, naiisip kong kailangan ko pa ring magpasalamat sa kanya, dahil sya ang taong kasama mo nung mga panahong wala ako sa tabi mo. Sya yung taong, gumawa ng mga obligasyon na dapat sana ay obligasyon ko. Hindi ako naniniwala na sa haba ng panahon na nagkasama kayo ay puro kasamaan lang laban sayo ang laman ng utak nun ni Madam. Makakaluwag sa loob nating lahat kung lahat tayo magpapatawad. Sabi nga ni Diane, magpapasko naman. Araw ng pagpapatawad. Naniniwala akong nagsisisi na yun. Tao naman yun eh, may isip may konsensya." seryosong pahayag ni James.
Para syang inililipad sa alapaap. Super proud sya sa boyfriend nya at gusto nyang magtatalon habang umiiyak sa tuwa. Ito ang boyfriend nya at ipagmamalaki nya to kahit na kanino. Palihim nyang pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata nya.

BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
ActionJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...