Chapter 29

9K 345 35
                                        

Alas otso ng umaga ay sinimulang isinailalim sa angioplasty ang Papa nya. Tinanong sya ni Nikka kung gusto nyang pumasok sa operating room subalit napailing na lang sya. Kaninang madaling araw pa sya hindi makausap ng matino. Kung hindi umiiyak ay natutulala sya.

Awang awa sya sa kalagayan ng Papa nya. Pabalik balik sya sa chapel. Mabuti na lamang at pumunta naman kaagad si Sandy at si Marl. Si Aileen at Ethel daw ay susunod na lang. Napaka swerte pa rin talaga nya dahil marami syang mabubuting kaibigan. Nakaalalay ang mga ito sa kanya at sa Mama nya na gaya nya ay parang nawawala rin sa sarili.

Hindi iisang beses syang nagpasalamat kay Nikka tuwing nakakausap nya ito. Kasama si Dir. Nikka sa tumitingin sa Papa nya dahil cardiologist din ito kaya lang nag focus ito sa pagiging neurosurgeon kaya nga hindi daw ito confident masyado na ito lang mag isa ang titingin. Tatlo silang nagtutulong na Doctors sa Papa nya. Nang minsang lumabas ito, umiiyak nyang sinabi dito na handa syang magtrabaho ng habambuhay sa hospital na ito ng walang sweldo bilang kapalit ng pagagagamot sa tatay nya. Niyakap lang sya ni Nikka at sinabing huwag nya na daw muna nyang isipin yun.

Ala una ng hapon ng lumabas si Dir. Nikka mula sa operating room.

Katabi nya sa upuan si Richard. Dinalhan sila nito ng makakain.

"Di I need to talk to you in private." seryoso ang mukha ni Dir Nikka. Sa kanya nakatingin.

Naririnig na yata nya ang tibok ng puso nya sa sobrang lakas ng pagkalabog noon.

Sumunod sya dito sa 10th floor sa opisina nito.

Kabadong umupo sya sa upuan sa harap ng desk nito.

"Di, angioplasty isn't enough. We did our best to remove the clog through that procedure however it didn't work well. Masyadong matigas yung plaque na nakabara sa main artery na syang pumipigil sa maayos na pagdaloy ng dugo. Our only option is to perform coronary artery bypass surgery."

"Diyos ko! Ang mahal nun! Kahit siguro ibenta namin lahat ng ari arian namin hindi kakasya."

"Di listen, as I've said huwag mo na munang isipin yung gastos. Ang problema lang natin sa ngayon ay ang magpe perform ng baypass surgery. Kakausapin ko si Lolo na sya ang mag lead, tatlo kaming mag-a-assist ka kanya. He is an expert in this procedure. I must admit na masama ang lagay ng Papa mo ngayon kaya kailangang maisagawa ang operasyon sa madaling panahon. If possible ngayong hapon or mamayang gabi. Ngayon, duda ako kung papayag si lolo dahil duda na sya sa kakayahan nya. Matanda na eh. But I guarantee you, kung susuaktin ang kakayahan ni lolo kahit sa ngayon, wala pang makaka match na heart specialist sa hospital na to. He's so good. Di, I need your back up here. Tulungan mo akong kumbensihin sya. Tatawagan natin sya ngayon sa telepono."

"Sige, magmakaawa ako kay Don Jaime Nikz mailigtas lang ang tatay ko." naniniwala sya sa kakayahan ni Don Jaime. Tsaka hindi pa naman ganun katanda ito. Sa edad na 82 ay malakas pa rin ito. Madalas pa ngang maglakad sa compound ng subdivision na hindi masyadong hinihingal. Diabetes at highblood lang naman kase ang sakit nito na kompleto naman sa maintenance kaya nasa kondisyon pa rin sa katawan nito. At sigurado sya, hindi pa nanginginig ang kamay nito. [si FVR nga 88 na, nagpu push up pa rin gamit ang isang kamay..lol, seriously believe na believe talaga ako sa lakas ni FVR...grabe sya..ano kayang vitamins nun?]

"Okay.."

Agad na idinayal ni Nikka ang avaya phone sa desk nito. Pinindot ang speaker phone.

"Hello? Bakit napatawag ka Nikka?" boses ni Don Jaime.

"Lo, about po sa Papa ni Diane, sinubukan na po namin yung angioplasty but it didn't work, masyadong matigas yung plaque na nakabara. Although medyo nag improve yung blood flow ng kunti but still not enough."

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon