Chapter 26

8.9K 291 13
                                    

Dumeritso na si Diane sa mansiyon kinabukasan. Kakausapin nya si Don Jaime at si Nikka. Magre resign na sya. Ayaw na nyang makasalamuha ang kahit na sino o kahit na anong magpapaalala sa kanya kay James. The game is over and it ended up na talo sya.

Ganun talaga ang life eh. Gasgas ng kasabihan pero ika nga hindi lahat ng gusto mo ay mapapasayo. The best thing you can do is to accept and move on. The problem though is, pano ba mag move on? Pag umalis kaya sya dito magkaka magkaka amnesia sya at makakalimutan na nya ang lahat agad agad? Probably no, but they say big things start with small steps. Kung mag uumpisa sya ngayon, sa tingin nya magiging simula na ng lahat iyon.

Kagabi, kila Sandy nga sya natulog at inabot sila ng ala una ng pag uusap. Umiyak sya, nagalit, naghinanakit, nakinig ng mga payo ni Sandy subalit ni katiting ay hindi nabawasan ang bigat ng loob nya. Kailangan talaga sa kanya magsimula ang lahat.

Kagabi ang sabi ni Sandy, sasabihin nila ang problema kay Dave para matulungan sila nitong linawin ang lahat kay James subalit sinaway nya ito. Ayaw na nyang idamay si Dave. Ayaw nyang pati ito ay maipit sa kanila ng lalaking yun na maliwanag na rin naman na wala ng chance na mapasakanya.

Naalala nya ang usapan nila ni Sandy. "Di, kailangan mo pa ring i-verify kung ano ang katotohahan sa text message na yun. Confront James. Let him explain kung ano ang ibig sabihin nun. You cannot just put two and two together here and come up with a conclusion of your own na hindi alam ang stand ni James because your happiness is the one at stake here!" sumagot sya, "Sandy, the message is clear. It's all about the wedding. Their wedding, for Pete's sake. And it's all about Nica calling James Daddy which every sane mind would conclude that this Nica is carrying that bastard's child. Ayoko ko ng personal na komprotahin si James about those issues because I don't want him to see me a breaking down in front of him again like a pitiful loser. Paulit ulit na lang eh. This must be the last straw because the situation calls for it. Talo na ako eh. Wala naman pala akong ipinaglalaban since day one kase from the very start, may nagmamay ari na sa kanya. Lahat ng babaeng dumating after Nica, para na lang sa sexual pleasure ni James and unfortunately, isa ako sa mga babaeng yun. Sandz, based sa text ni Nica, si James mismo ang nag suggest ng kasal dahil hindi na daw sila bumabata." Nakita nyang natigilan si Sandy, pagkuwa'y nagsalita ito, " I haven't seen James with that Nica before. Never pa nyang dinala yun sa get together ng grupo." Napakunot ang noo nya. "So? What are you trying to imply? Sandy kahit ako never nyang ipinakilala sainyo na..well never naman talaga kaseng naging kami diba? Napaka masekrito ni James and the least he would do is to bring any of his women sa get together ng grupo. Ayaw nyang magkaroon kayo ng impression lalo na ikaw na may iba syang babae, that way he can fuck me anytime he wants without any objection coming from you. Kaibigan kita eh. Strategist ang gagong yun pagdating sa pambababae." mapakla ang pagkakangiti nya.

"Di good morning, maaga ka yata? Wala ka ng sakit." napatingala sya dahil sa boses ni Nikka. Inaayos nya ang medical kit dito sa sala. Mukhang kagigising lang ni Nikka. May tangan itong cup of coffee sa kanang kamay.

"Wala na. Kunting sipon na lang. Magma mask na lang ako after kong linisan to." aniya.

"Sigurado ka wala ka ng sakit? Parang matamlay ka pa eh." anito.

"Wala na, promise. Fit to work na ko." aniyang nakangiti.

"Good to hear that..coffee?"

"No thanks, had one, earlier."

"Okay, doon muna ako sa garden ha? Si Lolo, tulog pa yun. Napuyat kagabi yun ng panonood ng Pearl Harbor. Favorite movie nya yun. Alam mo naman yun. Frustrated soldier." anito.

"Nakita ko nga, mukhang tulog na tulog pa. Mamayang 8 pa naman yung gamot nya eh. Ah Nikz pwede ba kitang makausap?"

Napakunot ang noo nito.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon