Chapter 11

10.7K 324 13
                                    

Hindi nya alam kung pano at bakit sya napapayag ni Dir.Nikka na maging private nurse ng lolo nito. Maaaring na-intimidate lang sya dito o maaaring nakuha nito ang tiwala nya ng sabihin nito na hindi ito ang Dr. Nikka na tinutukoy ni Dr. Velasco. Sa kaloob looban nya, naniniwala syang hindi nya ito kalaban.

Hindi nya alam kung sino ang tinutukoy nitong ibang Dr. Nikka. Hindi na sya nag usisa dahil hindi iyon nararapat. Wala syang karapatan. Walang karapatan ang katulad nya na pinagti trip-an lang ni James na magtanong kung sino ang nauugnay dito.

Maaari ding nalula sya sa inalok na sahod nito. Hindi sila ganun kasagana at ang ganung klaseng halaga ng sahod ay makakatulong na ng malaki sa pamilya nya. Parang nag abroad na rin sya. Maaari ring nakampante sya sa assurance na ibinigay ni Dir. Nikka na hindi magagawi si James sa bahay ng mga ito. Hindi nya alam ang dahilan kung bakit sinabi ni Dir. Nikka na ito ang huling lugar na pwedeng puntahan ni James pero deep within ay naniniwala sya na totoo ang sinabi nito.

Si James na rin mismo ang may sabi na top 1 sa listahan nito ng mga kaaway ay si Dr. Jaime Jimenez Gonzales. Ang mismong may ari ng hospital na ito. Ang lolo ni Dir. Nikka. Wala syang karapatang mag usisa sa away ng pamilya ni James kung meron man at lalong wala syang karapatang magtanong kung bakit Chavez ang apelyido ni James samantalang ang apelyido ni Don Jaime ay Gonzales. Actually, maraming naglalarong tanong sa utak nya pero, yun nga, wala syang karapatang isatinig ang mga tanong na yun.

Napag usapan nila na huwebes sya lilipat next week sa bahay ng mga Gonzales dahil byernes daw ang dating ng Don at ang mga magulang ni Nikka.

Kinakabahan sya pero nakapag commit na sya. Hindi na nya pwedeng bawiin yun dahil sobra naman syang pabebe pag ginawa nya yun. Wala naman syang extra-ordinary na gagawin kaya dapat pigilan nya ang kaba nya. Mas mapapadali pa nga ang trabaho nya dahil mag isa lang ang babantayan nya at Doctor pa. Surely, walang masyadong magiging hassle.

Nai kwento na rin nya kay Richard ang naging usapan nila ni Dir. Nikka at nakita nya sa mukha nito ang hindi pag sang ayon subalit sabi nga nito: "Malaki ang utang na loob ko kay Don Jaime, napakabuti nyang tao. Nagpapasalamat ako na ako ang naging tulay para magkaroon sya ng de-kalibreng mag aalaga sa kanya na hindi magawa ng sarili nyang kadugo. At nagpapasalamat ako dahil anytime, pwedeng pwede akong pumunta doon at bisitahin ka." Hindi na sya nag komento kahit bakas nya sa expression nito na nag aalangan pa rin ito.

Ilang araw na ang lumipas. Tuluyan na nga syang nagpaalam sa mga kasamahan sa hospital. Kahit naiwan si Ana ay sinabi nitong masaya ito sa oportunidad na dumating sa kanya. Nangako syang pag may oras, bibisita sya sa hospital.

Nagulat si Sandy sa ibinalita nya pag alis sa pinagta trabahuhan pero mas nagulat ito ng sabihin nya ditong anak si James ng may ari ng hospital. Hindi nya maitindihan kung bakit pati mga kaibigan at dating ka team ni James ay wala ring alam. Iyon ang sabi ni Sandy eh. Ano ba ang problema ng lalaking yun? Bakit kaya mas pinili nitong iwanan ang pamilya at mamuhay ng mag isa at simple? Kagaya din kaya ni Rock ang kwento ng lalaking yun?

Natuwa din ang kapamilya nya ng ibalita nya ang paglipat ng trabaho. Mas magaan daw ang magiging trabaho nya doon.

Huwebes ng lumipat sya sa mansiyon ni Don Jaime sa Forbes Park sa Makati. Inaasahan na nya ang karangyaan pero namangha pa rin sya. Mas higit pa sa inaasahan nya ang ganda at karangyaan ng mansiyon. Nalulula sya sa laki. Mag iipon lang sya at aalis din sya dito para mag settle down, someday somehow, she needs to have a family of her own. Balang araw siguro, makakatagpo din sya ng lalaking simple at ordinaryo lang ang pamumuhay na hindi sya pagti trip-an. Aminado syang mahihirapan na yata syang makahanap ng lalaking pupukaw sa damdaming nya na kasing tindi ng pinukaw ni James pero naniniwala syang kung itinakda ng kapalaran ay meron at meron syang makakasalubong.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon