Chapter 39

9.8K 283 42
                                        

Mga bandang alas kwatro ng hapon ng Sabado. Kagagaling nya lang sa kwarto ni Don Jaime matapos painumin ito ng gamot. Patungo na sya sa sariling kwarto ng tumunog ang cellphone nya.

Si Sandy ang tumatawag. Ayaw nya sanang sagutin dahil as much as possible ayaw nya munang makarinig ng kahit na ano tungkol kay James subalit makulit ang tawag. Paulit ulit.

Sinagot na lang nya.

"Hi Sandz.."

"I've been calling you since last night pero kung hindi ring ng ring lang minsan patay. I'm sorry for what happened Di."

"It wasn't your fault Sandz. Ako nga ang dapat humingi ng pasensya dahil sa out-burst ko. I should've controlled myself last night. Alam ko naman na nang iinis lang yun si James, pinatulan ko naman."

"Hindi sya nang iinis lang Di, sya mismo ang naiinis. Nasasaktan sya at itinatago na lang nya sa pagpapakagago."

"Ha ha! Ayan ka na naman Sandz, okay nga lang ako, promise. Napikon lang talaga ako kagabi. At isa pa nag alala ako sa maaaring isipin ni Richard."

"Nagalit ba si Doc? Inaway ka ba?"

"Hindi naman. Nagtanong lang sya kung nagkausap daw kami ni James bago sya dumating and then when I told him na hindi dahil nasa loob ako ng guestroom nyo ng dumating ang loko loko at lumabas lang ako nung time na nandun sya, ayun hindi na nag usisa pa."

"I'm now beginning to like Richard. He's really a cool guy." si Sandy.

"I know. Kaya hindi sya mahirap mahalin eh. Alam ko, darating ang panahon na sya na lang ang ookopa ng sistema ko. Sana dumating na yun."

Ilang sandaling natahimik sa kabilang linya.

"Hello, andyan ka pa ba?" aniya na napatingin pa sa hawak na cellphone.

"Yeah, nagka usap nga pala kami ni Dave kagabi after magsialisan ng grupo.."

"Anong pinag usapan nyo?"

"Si James.."

"I see..." ayaw na nyang mag usisa.

"Di, pwede ka bang sumama later?"

"Saan?"

"Sa General headquarters. Send off mamayang gabi ng mga sundalong kasama sa mission."

"Hindi pwede Sandz eh. May pasok pa ko dito bukas." agad na tanggi nya.

"Diba day off mo ang Sunday?"

"Monday ako magdi day off Sandz. Birthday kasi ng pamangkin ko sa Monday kaya uuwi ako ng Pampanga." aniya.

"Kahit saglit lang Di. Before, 12 ihahatid ka na namin sa dyan." pangungulit ni Sandy.

Nagtataka na tuloy sya. Alam naman nitong ayaw na nyang makita si James eh.

"Hindi talaga pwede Sandz. Nahihiya na ko dito. Panay na lang ang labas ko." patuloy nya sa pagtanggi.

"Di, si James lang yata ang walang kamag anak o mahal sa buhay na magse-send off. Kawawa naman."

Lalong nangunot ang noo nya.

"Hindi nya ako kamag anak Sandz at lalong hindi nya ako mahal." natawa pa sya ng mapakla.

"I know but.."

"Sandz, may mahal sa buhay si James. Hindi nyo lang alam pero may darating na bisita yun mamaya. Si Nica nga diba? Hindi pa naman yata kabuwanan nun. Makakapunta pa yun. Tsaka nandyan naman kayo. And kung gusto nyo ipapaalam ko kay Don Jaime ang send off na yan, baka sakaling pumunta sya." aniya. Medyo naiinis na sya sa pangungulit ni Sandy.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon