Iniwanan nga sya ni Dir. Nikka pero medyo matagal na rin itong wala ay hindi pa rin nya makuhang tawagan si James. Itinodo na nya ang pagpapalakas ng loob nya pero hindi pa rin sapat. Utang na loob naman kase, masyadong biglaan ang gagawin nyang ito. Pero ika nga, kasubuan na.
Nag desisyon syang itext muna ito. 'Hi' lang at isinend na nya. Ilang sandali na syang nakatunganga wala pa ring reply.
Nilakasan na nya ang loob nya. Kailangan nyang gawin ang task na sinang ayunan nyang gawin. Tsaka na nya iisipin ang sunod na hakbang. Pakiramdam nya kase mali na naman talaga tong naging desisyon nya. Ano ba ang pumasok sa utak nya at tinanggap nya to? Alam naman nya na kahit ano ang mangyari, kahit pagbali baliktarin ang mundo, konektado sa pamilyang ito si James. Bakit ba sya nasuot sa bahay na to?
Bahala na, mag iisip na lang ulit sya ng dahilan para makaalis sa trabahong ito.
Meanwhile kailangan nya munang gawin ang task nya.
Huminga sya ng malalim bago idinayal nya ang number ni James. Ilang sandaling nagri ring lang iyon. Maya maya ay tinanggap ang tawag.
"Hello?" namamalat na boses ng babae ang narinig nya. Parang bagong gising ito.
Hindi sya nakaimik. Pinigil nya ang sariling masaktan.
"Better speak up bitch! You're wasting my time!" anito.
Hindi pa rin sya makaimik.
"Miss Diane, whoever you are, let me remind you that my time is still not up yet! You better wait for your turn! I still have until 12 PM today to be with James and for Christ sake, will you please stop pestering us? Tulog si James! Magigising sya!" bulong-angil ng nasa kabila.
At pinatay nito ang cellphone. Nakatunganga lang sya. Namalayan nya, tumutulo na ang luha nya.
Hindi pa rin talaga nagbabago si James. Tangina lang! Parang pila lang sa pagbabayad ng kuryente ah! Kailangan maghintay ka sa turn mo. Mag tatanghali na tulog pa ang dalawa? Sabagay, malamang naka leave pa nga sa trabaho si James. Nagpapagaling pa ito eh.
Nanatili syang nakatunganga na kung wala pang kumatok ay hindi magigising ang diwa nya.
Agad nyang pinunasan ang mata at inayos ang hitsura.
Si Dir. Nikka ang napag buksan nya. Nakangiti ito.
"How was the call? Pumayag ba??!" bakas ang excitement sa mukha nito.
"Hindi sinasagot yung tawag eh." nag iwas sya dito ng tingin.
"Ganun? Baka naka silent na naman yung cellphone nun. Anyway, tomorrow night pa naman ang party, we still have until tomorrow afternoon to call and convince him. Mag lunch na muna tayo and then, magpapatulong ako sayo sa pagde decorate ng cake-stand afterwards, okay lang ba? I know this is outside your job but..." anito.
"Okay lang Ma'am.."
"Please, nakikiusap ako Nikz na lang Di..okay lang ba?"
Napatango na lang sya.
Sumunod na sya dito.
Medyo naaliw naman sya sa pagtulong sa pagde decorate ng stand. Pilit nyang kinakalimutan ang babaeng sumagot kanina ng tawag nya.
Mabuti naman at hindi na bumanggit ng kahit na ano si Nikka tungkol kay James. Napakagiliw nito sa kanya na hindi sya makahanap ng timing na magpaalam dito para sa balak nyang pag urong sa trabaho bilang private nurse.
Gabi na silang natapos. Tumulong tulong din kase sya sa ilang maliliit na detalye para sa preparasyon.
Pagkatapos nilang mag dinner ay nagpaalam na syang magpapahinga. Sa kwarto pa rin pala talaga sya ni James matutulog. Sa sofa na lang ng kwarto, total malaki naman iyon. Kasyang kasya sya.
BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
ActionJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...