Chapter 17

9.3K 288 17
                                    

Diane's POV

Kita nya ang poot sa mga mata ni James. Hindi na ito muling nagsalita at nanatiling nakatiim bagang ito. Para silang nasa race track kung magpatakbo. Muntik muntikan na silang may masaging aso subalit bahagya nitong naipihit ang manibela kaya naiwasan.

Natatakot na sya sa tulin ng sasakyan pero mas natatakot syang magsalita. Pakiramdam nya sa kanya ibubuhos ni James ang lahat ng galit nito kung susubukan nyang sawayin ito. Napapapikit na lang sya.

Camp Emilio Aguinaldo ang pinasok nila. Hindi na ito sinita ng gwardya na marahil ay kilala na ang sasakyan ni James.

Matapos iparada ang sasakyan ay agad itong bumaba na parang walang kasama. Pabarumbado pa nitong isinara ang pinto ng sasakyan.

Agad din syang bumaba at muling naghabol kay James. Walang sumita sa kanya na malamang ay dahil nakita syang bumaba din sa sasakyan ni James.

"Sir, bumalik na pala kayo? Kelan ang report nyo sa headquarters sa Nueva Ecija? Sama mo naman ako sa team nyo Sir, Ranger din ako. Hindi pa ko nagkaka mission." anang isang sundalo na bumubuntot na din kay James.

"Tumabi ka! Baka mapatay ka ng kapwa mo ranger!" angil ni James.

Agad namang tumabi ang pinagsabihan. Dumeri deritso si James.

"James! Saan ka ba pupunta?! Please! Mag usap tayo! Ba't dito ka pumunta?!" hindi na nya napigilang sabihin.

Baka kase mapaaway dito si James. Mga sundalo pa naman ang nandidito. Baka magkabarilan. Natatakot na talaga sya.

Hindi man lang sya nilingon ni James. Sumunod na lang sya dito.

"Harangin nyo yang babaeng nasa likod ko! Huwag nyong papasukin!" utos ni James sa dalawang sundalong nadaanan nito.

"Yes Sir!" sagot naman ng dalawa.

Hinarangan nga sya ng dalawa.

"Miss hindi ka pwedeng pumasok. Mga sundalo at personnel lang ang pwedeng pumasok sa pupuntahan na lugar ni Capt. Chavez." anang isang sundalo.

"B..bakit ano ba yung pupuntahan nyang yun? Saan ba sya pupunta?" tanong nya.

"Firing range yun Miss. Kung gusto mo dito ka na lang maghintay. May upuan naman po." anito.

"Hindi nyo po naiintindihan Sir. Galit na galit si James. Baka kung ano ang gawin nya sa loob. Baka magwala sya doon! Baka may makabarilan sya sa galit nya."

Napakamot ang isang sundalo sa sinabi nya. Nagkatinginan pa ang dalawa.

"Please mga Sir. Nakikiusap po ako. Hayaan nyong kausapin ko sya. Pakikiusapan ko lang sya na uuwi na kami." pangungulit nya.

"Ma'am kuwan eh..hindi talaga pupwede." anang isa.

"Ano po ba kayo ni Capt. Chavez?" tanong ng pangalawa.

"Girlfriend nya ko!" naiinis na sya. Baka sakaling makatulong.

"Eh Ma'am disiplanado po si Kapitan. Hindi magwawala yun doon. Sa target range pa rin mag aasinta yun. Sabi mo nga galit sya, magbubuhos lang ng galit yun Ma'am. Ranger yun si Kapitan. Hindi nawawala sa focus yun." anang isang sundalo.

Kahit anong pakiusap nya ay hindi sya pinagbigyan ng dalawa.

Umupo sya sa itinuro sa kanyang upuan. Halos magti 30 minutes na ay hindi pa rin lumalabas si James. Muli syang nagtanong sa isa sa dalawang sundalong humarang sa kanya subalit sinabi lang nito na hindi pa daw tapos mag firing si James.

Nangangamba syang baka iwanan sya dito ni James at lumusot sa ibang exit kaya lumabas na sya at pumunta sa sasakyan nito. Nakahinga sya ng maluwag ng makitang nandodoon pa rin ang sasakyan. Sinubukan nyang buksan ang pinto. Bumukas iyon. Hindi yata nya naisara ng maayos kanina sa pagmamadali kaya hindi na locked.

Sa loob ng sasakyan na sya maghihintay. Mag aalas syete na ng gabi ng ng mamataan nya si James na lumabas ng headquarters building. Deritso ang lakad nito patungo sa direksiyon na kinapaparadahan ng sasakyan. Parang malalim pa rin ang iniisip nito. Hindi nya alam ang nangyari kanina kila Sandy pero nakaramdam sya ng awa kay James.

Binuksan nito ang pinto sa may driver's seat.

Napatingin ito sa kanya. Nasa front seat kase sya. Walang kibong pumasok ito at kinabig ang pinto pasara.

"Bakit nandito ka pa? Masyado ka yatang clingy ngayon? Pinaglalapit mo pa talaga kami ng DOM na yun no? Kung inaakala mong magiging mayaman ako dahil sa kanya kaya ngayon kapit tuko ka na sakin, think again, dahil mamamatay akong mahirap. Baka nga mas magkapera ka pa kay Doc Richard eh." sarkastikong turan ni James.

Biglang igkas ang kamay nya at sinampal ito. Hindi man lang umilag si James. Napangisi lang ito.

"Mas masakit pa rin talaga sa sampal mo ang pang-do double crossed mo." nakangising turan nito.

"James, mas masakit ang pang iinsulto mo! Sumosobra ka na! We've known each other long enough pero ni minsan hindi kita pinagsamantalahan! Hindi ako oportunista! Hindi ako mapagsamantalang tao! Yung kahinaan ko pa nga ang pinagsamantalahan mo diba?! Wala akong pakialam sa pera mo James! Wala akong pakialam sa yaman ng pamilya nyo! Kung pera ang habol ko, hindi ko na sana gugustuhing magkita pa kayo ng tatay mo! Yung tatay mo na lang sana ang aakitin ko at ibi-brainwash na tuluyan ka ng itakwil para bawas ang makakahati ko sa yaman nya!"

"Galing mo! Ba't di mo gawin yan? Go ahead! Do it! I swear, I'll be cooperative! Hindi ako maghahabol dahil kahit kelan, wala akong pakialam sa yaman ng Gonzales na yun! Chavez ako! Hindi kami magkaano ano!"

Wala na syang maisagot. Saradong sarado ang utak ng lalaking ito. Marahil ay binalot ito ng galit mula pa pagkabata.

Napahagulgol na lang sya. Nasapo nya ng dalawang kamay ang mukha. Ang sakit sakit ng dibdib nya.

"Damn it! Hindi kita inaano Diane! Tumigil ka ng kakaiyak mo! Ikaw pa nga ang nanampal eh!"

"Hindi mo lang ako parang sinampal James. Parang pinatay mo na rin ako sa mga sinabi mo." patuloy sa pagdaloy ang luha nya.

Ilang sandaling tahimik ang loob ng sasakyan. Tanging hikbi nya lang ang maririnig. Gusto nyang pigilan ang sarili subalit hindi nya magawa dahil sa sobrang sakit ng loob nya.

Ilang sandali pa ay pinaandar na ni James ang sasakyan.

"Umuwi na tayo." mahinang usal nito.

Hindi sya kumibo. Pilit nyang kino kontrol na ngayon ang emosyon nya.

"Nasa dating apartment ka pa rin ba? Diba sabi mo doon ka uuwi ngayon?" maya maya'y muling tanong nito.

"Nandodoon sila Papa, hindi tayo pwede doon." hindi nya alam kung bakit iyon ang naisagot nya. Marahil ay nasanay sya na tuwing ihahatid sya noon ni James ay doon na ito natutulog. Umaga na itong umaalis.

Biglang napalingon sa kanya si James. Umiwas sya ng tingin dito. Hindi nya alam kung ano ang ibinabadya ng mukha nito.

"I mean, Oo doon pa rin ako nakatira. Doon mo na ako ideritso." nag iinit ang mukha nya sa pagkakapahiya.

"Nandun ang Papa at Mama mo, sa apartment ko walang tao. Tayo lang." anito.

"James, please lang! Pagsasamantalahan mo na naman ang kalituhan ko! Ang kahinaan ko! Tapos ikaw tong mambibintang na mapagsamantala akong tao?!" angil nya.

"Di, I wanna f*ck you tonight and I want it hard." mahinang usal nito na medyo may diin.

Napayuko na lang sya at napapikit ng mariin. Hindi sya umimik.

Maya maya ay muling nagtanong si James.

"Saan kita ihahatid? Your place or mine? You decide." anito.

Napatingin sya sa labas ng bintana.

"Yours...."

Tinamad akong mag SPG ngayon. Manonood muna ako ng pwedeng paghugutan.....charot! Mabalos po sa pagbasa!

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon