Chapter 14

9.2K 304 6
                                    

Marami pa syang gustong malaman kay Nikka subalit hindi na sya nagkalakas ng loob na magtanong.

Hindi nya kase maintindihan kung bakit nabanggit ni James na top 2 sa enemy list nito ang Mommy ni Nikka. Nagkita na ba sila? Hindi ba sila nagkakasundo? Bakit ang sabi sa kanya ni Richard, nag iisang anak lang si Madam Myrna ni Don Jaime? Tuluyan na bang itinakwil ni Don Jaime si James? Hindi na siguro sya magtatanong. Masyadong malalim na ang mga katanungan nya. Hindi na nya kailangang malaman ang lahat ng impormasyon tungkol kay James. They don't have any use, anyway. Bahala sila sa mga buhay nila basta magta trabaho sya. Pagta trabahuhan nya ang bawat perang makukuha nya sa pamilyang ito.

Naging maayos naman ang pakikitungo sa kanya ni Don Jaime. Mabait ito at never nyang na feel na binastos sya nito taliwas sa ipinapakahulugan ni James na bastos ito. If at all, parang anak o apo nga ang turing nito sa kanya. Oo, strikto ito minsan lalo na pag kausap nito si Madam Myrna at ang asawa nito na si Sir John pero pag sila ni Nikka ang kausap ay medyo nagiging komedyante ito. Pano ba nya makakalimutan si James kung nakikita nya lagi ang old version nito?

Masisisi nya ba si James kung bakit ganito ang tingin nito ki Don Jaime? Sa naranasan nito noong bata ay hindi nya siguro ito masisisi. Namatay ang nanay nito sa atake sa puso dahil nahuli si Don Jaime na nakikipagtalik sa iba. Napakalaki nga ng magiging impact noon sa pagkatao ni James. Kung sya man siguro ang nasa kalagayan nito ay magiging ganun din katindi ang galit nya. Idagdag pang itinatwa ito sa una pa lang at tinangkang kilalanin lang ng labing tatlong taong gulang na ito. Sya man siguro ay tatakas din kung sya ang nagkataong nasa kalagayan nito. Imagine, itinatwa na ito ng sariling ama, namatayan pa ito ng nanay dahil sa kagagawan din ng tatay nito.

Sana lang talaga, dumating ang panahon na magkapuwang ang pagpapatawad sa puso ni James. Hindi man magiging sila pero idadalangin pa rin nya na sana maging maayos na ang relasyon nito sa sarili nitong pamilya.

Lumipas ang mga araw, halata nya ang disgusto sa kanya ni Madam Myrna. Hindi nya alam kung bakit parang mabigat ang loob nito sa kanya. Kung ituring sya nito ay parang katulong din ng mansiyon. Minsan may mga ipinapagawa ito sa kanya na labas na sa scope ng trabaho nya pero never syang nagreklamo. She reminded herself that she needs to prove something. Kunting pagkakamali nya, sinasabon sya nito. Minsan napapaiyak na lang sya sa kwarto. Ang nakakainis pa, pag nakaharap si Don Jaime at si Nikka ay hindi sya nito pinapansin pero pag wala ang mga ito, kung makapag utos wagas. Hindi iilang beses sya nitong inutusan na linisin ang kwarto nilang mag asawa. Katwiran nito wala naman daw syang masyadong trabaho. Minsan nga hindi pa sya nito pinagdi day-off. Napapailing na lang sya.

Isang hapon, nagpapahinga sya sa kwarto. Katatapos nya lang painumin ng gamot noon si Don Jaime.

Nagring ang cellphone nya. Pagtingin nya si Sandy.

"Hi Sands, musta?" aniya.

"I'm okay but surely you're not." anito.

Napakunot ang noo nya.

"Bakit mo naman nasabi yan?" aniya.

"Well, kung hindi mo napapansin, bibihira ka ng magparamdam. Mabuti nga nasagot mo ko ngayon eh. Mukhang saating dalawa ikaw ang mas maraming taping ah. Nag artista ka na rin ba?"

Natawa sya.

"Sira! Busy lang no? Kina career ko lang ang trabaho ko. Malay mo ma promote akong doctor dito." loko nya.

"Gaga! Uy, tumawag ako to remind you na magbi birthday na ang inaanak mo. Binata na sya pero once ka pa lang naka attend ng birthday nya! Magtatampo na kaming buong pamilya sayo."

"Shit oo nga pala! Ano na ba ngayon? Gosh sa Saturday na pala yun! Pakisabi ki ZD a-attend ang long lost ninang nya."

"Dapat lang dahil a-attend sina tito at tita. Sila na lang lagi ang proxies mo, mahiya ka naman sumama ka naman for once."

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon