Chapter 47

13.1K 380 66
                                    

Diane's POV

"Humihinga na Doc!" ani James pagkatapos ng mga limang todong bugahan.

Pinunasan pa nito ang sariling bibig. Halata ang pagkaasiwa. Kung nasa ordinaryo lang siguro silang sitwasyon ay baka natawa na sya. Baka inasar pa nya ito.

"Okay, tama na yan. Tatapusin ko na tong stitches ko dito and I think he'll be fine." sagot ni Doc.

Lumingon si James sa kanya at muntikan na syang mapatalon sa sobrang kaba. Galit na galit ang mga mata nito. Napalunok na lang sya ng sunod sunod. Hindi sya umiimik. Tinanggal na rin nya ang face-mask nya.

Biglang napatingin ito kay Doc. Galit pa rin ang expression nito.

"Doc alam mong bawal tong ginawa mo diba?! Sobrang delikado! You could be held accountable for this! Pwede kang ma court martial! Civilian ang babaeng ito pero isinama mo! Putting civilian at risk is surely a violation of rules of engagement! Wala syang alam sa putragis na gyerang to! Wala syang training!" mahina subalit sobrang diin at tigas ang pagkakabigkas ni James. Nakakuyom din ang kamay nito.

"James.." mahinang usal nya.

"You shut up! Hindi pa ikaw ang kausap ko!" dinuro pa sya nito. Nagbubuga pa rin ng apoy ang mga mata nito.

"I didn't know Captain! Hindi ko alam! If you could recall, laging Irene ang tawag ko sa kanya and that's because ang buong akala ko si Lt. Irene sya! She probably sneaked through the chopper para makasama! Maaaring si Lt. Irene din ay kinasabwat nya! You could not hold me accountable for the things that I wasn't aware of, for Christ sake!" reklamo ng Doctor.

"That's bullshit!! It was your responsibility to check your men and because you were negligent nalusutan ka ng civilian at babae pa! She could've been kil....tangina!! Umuulan ng bala sa lugar na to ah! Buong company na hawak ko ang inilagay mo sa alanganin dahil sa kapabayaan na ito!" napasabunot na ng ulo si James.

Napaiyak na sya.

"James...pwede mag usap muna tayo? Magpapaliwanag ako please! Walang ibang pwedeng sisihin dito kundi ako lang. I swear ako lang talaga. Hindi si Irene na walang alam dito at lalong hindi si Doc. Please James..please?" tumutulo na ang luha nya.

"Follow me!" matigas na utos ni James. Sobrang dilim pa rin ng hitsura nito at nakakuyom pa rin ang mga kamao. Medyo nag aalala sya pero kailangan nyang magpaliwanag kay James.

Lumabas sila ng bunker. Agad na kinuha nito ang hard hat sa ulo at inilipat sa ulo nya. Tinanggal nya kasi yung kanya kanina.

Hinila sya nito sa madilim na lugar. Naaninag nyang may malaking bato sa likod nya at sa harap naman ay may naglalakihang puno. Safe sa tingin nya ang lugar. Knowing James, laging safety naman talaga nya ang inuuna nito.

"Now talk!" mariing utos nito sabay talikod sa at tumitingin tingin sa paligid.

"I love you and I missed you so much James." ilang segundong katahimikan.

"James.." aniya.

"Huwag mo kong inuuto Diane! Punong puno na ko sa katigasan ng ulo mo! Sumosobra ka na! Tatawagan ko si Mark! Ipapakuha kita ng chopper! Sisirain mo talaga yata ng tuluyan ang ulo ko!" mariing usal nito.

Nakita nyang kinuha nito ang radio. Tinakbo nya ang distansya nila at niyakap ito.

"James gusto ko lang namang makita ka eh." humihikbing usal nya.

"Nakita mo na ko, makakauwi ka na!" matigas na sagot ni James.

"James nag aalala lang ako sayo! I was so worried about you na hindi ko na inalala ang kaligtasan ko makasama lang ako dito. Makita lang kita. Sabay na tayong umuwi James. Tatalon ako sa chopper pag pinasundo mo ako dito. Hindi ako aalis na hindi kita kasama! Promise hindi ako sasama sa misyon nyo mamaya! Dyan lang ako sa loob ng bunker. Dyan kita hihintayin. Nakakatulong naman ako diba? Lima nga yung ginamot ko kanina plus nag assist pa ko sa procedure na ginawa kay Capt. Enriquez! James walang kasalanan si Lt. Irene, wala talaga! Ganun din si Doc. You do not expect him to check on his men. Natataranta na ang lahat kanina nung umalis kami sa base. James I love you, yun ang dahilan kung bakit nandidito ako!" aniya sabay kabig sa batok nito at mariing nyang hinalikan sa mga labi. Humihikbi pa sya at panay pa ang tulo ng luha nya pero wala na syang pakialam. Kanina pa nya gustong gawin ito.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon