Chapter 10

10.9K 341 11
                                    

Alas kwatro ang off-duty nya kaya sakto, pag baba nya ay uwi na nya. Hindi na sya mag-e extend. Walang wala sya sa mood para mag overtime. Hindi consistent iyon sa kagustuhan nyang lumayo na sa hospital na ito. Terror ang hatid sa kanya ng hospital na ito ngayong araw.

Nagpaalam sya sa chief-nurse na aalis na. Nasa nurse's station kase ito at mukhang inaabangan talaga sya.

"Pwede bang mag stay ka muna ng kunting oras? Pag uusapan muna natin yung nangyari kahapon sa emergency room involving our patient, Capt. James Chavez. Ngayon lang ako free na makausap ka." anito.

"Ma'am, sorry sa naging misdemeanor ko kahapon. It was so unprofessional of me and so I am taking full responsibility of my mess. Nag tender na po ako ng resignation directly kay Dir. Nikka at ang sabi nya po, pag uusapan namin bukas ang tungkol doon." aniya.

"Nurse, I won't ask you to resign. That's too hard of a punishment. Gusto ko lang ng paliwanag mula sayo at gusto kong i-assure mo ako na hindi na mangyayari ang ganoon sa susunod. Ako ang immediate superior mo, medyo mali yata na dumeritso ka kay Dir. Nikka.

"Alam ko po Ma'am na mali yung pag deritso ko sa kanya. Kaya lang po kinausap po nya ako kanina tungkol sa reklamo ni Capt. Chavez laban saakin at hindi ko na po napigilan yung sarili ko na sabihin ang kagustuhan kong magbitiw na sa trabaho. Patawarin nyo po ako pero buo na po ang desisyon ko."

Ilang sandali syang tinitigan nito.

"Kailangan ng hospital na ito ang kagaya mong nurse, Diane. Hindi pa tayo masyadong closed but I have to admit na sa mahigit isang buwan mo dito, wala akong masasabing hindi maganda sa naging serbisyo mo maliban sa nangyari kahapon at sa sinasabi mong reklamo kamo ni Capt. Chavez. I must also admit na noong una akala ko nakapasok ka lang dito dahil may backed up ni Doc Rodriguez, but you've proven your worth. Hindi mo ipinahiya ang nag rekomenda sayo." anang head nurse nila.

Napayuko sya. Na touched sya masyado sa sinabi nito.

"Ma'am..thank you po...na challenged din po ako sa mga ipinapagawa nyo kaya sinisiguro ko po na maayos ang serbisyo ko. Kung naging maayos po ako, iyon ay dahil effective po kayong superior ko."

Lumapit sa kanya ang Chief nila at niyakap sya nito. Napayakap din sya dito. Naging emotional lalo sya.

"Pag isipan mo muna ang desisyon mong pagbibitiw Di. Alam mo bang maraming hospital na dito sa Pilipinas ang pinasukan ko? And so far, itong hospital na ito ang isa sa pinaka the best in terms of benefits. The management, specially Dir. Nikka treats everyone here like a family."

"Ma'am, gusto ko na rin po sana dito ang kaso po, may napakabigat na dahilan para umalis ako." aniya.

"Si Capt. Chavez ba? I've heard parang may namamagitan daw sainyo? Ayokong magmukhang usyosera pero, si Doc Richard ay mukhang interasado din sayo?"

"Wala pong namamagitan saamin ni Capt. Chavez Ma'am. Dati lang po kaming magkakilala. Si Doc naman po ay hindi rin interasado sakin. Dati lang po kaming nagkatrabaho sa isang hospital. Yung sinabi nya kanina, biro lang po yun."

"Yun naman pala, so bakit kailangan mong umalis? Kung may reklamo laban sayo ang pasyenteng si Capt. Chavez ay natitiyak kong walang basehan yun. Nasalikod mo ko..."

"Ma'am hindi po yun eh...masyadong komplekado po."

"Diane, alam kong merong namamagitan sainyo ni Capt. Chavez. Hindi mo gagawin yung nangyari kahapon kung wala. Alam mo, naiintindihan kita eh. Hindi ko personal na kilala ang Capt. Chavez na iyon. Ngayon ko pa lang sya nakita actually, pero may narinig akong balita tungkol sa kanila ni Dir. Nikka. Satin satin lang to ha, but if only for that, papayagan siguro kitang magbitiw. Hindi nga siguro makakabuti sayo ang mamalago dito. Alam ko mabait si Dir. Nikka, medyo estrikto lang talaga tingnan, pero kung may namamagitan o may namagitan man sainyo dati ni Capt. Chavez, it's a good decision na umiwas ka na nga lang sa gulo. Hindi magiging maganda ang working environment mo dito. Peace of advice lang bilang kaibigan, o pwede ring nanay-nanayan mo."

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon