Chapter 31

12.3K 302 32
                                    

Here's to you @hotmonica! Cheers ateng!

DIANE'S POV

Hindi sya mapakali. Hindi nya alam kung natuloy si James. Naputol kase ang pakikinig nila sa telepono. Ang huling narinig nila ay ang boses ng desk officer na mukhang bumalik na sa desk at inayos ang pagkakalapag ng telepono kaya nag busy tone na. Pero tinawagan ni Dir. Nikka si Capt. Demetrio kanina para sunduin si James. Siguro naman ay sumama ito. Hanggang ngayon, nanalangin syang sana sumama. Hindi pa rin nawawala sa utak nya ang mga sinabi nito. Hindi nya alam kung paniniwalaan nya ang mga iyon pero sa kaloob looban nya, gusto nyang maniwala. Ganun naman sya eh, ambilis nyang maniwala sa mga sinasabi ni James.

Mag aalas kwatro na ng hapon. Punong puno ng pag aalala ang dibdib nya. Hindi nya alam kung mapapapayag si Don Jaime. Gusto na nga sana nya itong puntahan upang personal rin na mapakiusapan. Kahit lumuhod sya sa harapan nito ay gagawin nya tulungan lang nito ang tatay nya. Ang kaso pinigilan sya ni Dir. Nikka. Hintayin daw nila ang tawag ng piloto para sa balita about kay James at kay Don Jaime. Hanggang ngayon wala pang tawag. Awang awa na sya sa tatay nya. Sigurado sya hirap ito kahit na nga ba medyo nag improve na daw ng bloodflow nito ng kunti.

Nandidito pa rin sila ngayon sa labas ng operating room. Doon sila naghihintay kasama ang kuya nya, ang mama nya, si Ethel at si Aileen.

Ang dalawa naman ang nagpapalakas sa loob nya pati ng mama nya. Kapalitan ang mga ito ni Sandy at ni Marl na nagpaalam na muna sa kanya. Babalik na lang daw kinabukasan. Hindi nya alam kung papano sya nasali sa circle of friends ng mga magaganda at sopistokadang mga babaeng to. Gusto nyang isipin na si James (aside kay Sandy) ang dahilan pero never naman syang dinala ni James at ipinakilala sa mga ito bilang girlfriend kaya si Sandy lang talaga yata ang dahilan ng koneksiyon nya sa mga ito. Naitanong nya kung nasaan ang mga asawa nito, ang sagot ng mga ito ay nasa training daw. Nasa puspusang pagsasanay.

"Thank you talaga sainyo ha? Sobrang nice nyo sakin kahit feeling ko, hindi naman ako bagay sa grupo ninyo." hindi nya napigilang sabihin. Nao overwhelm talaga kase sya sa presence ng mga kaibigan ni Sandy dahil pakiramdam nya, totoong mga tao ito at pakiramdam nya tunay ang pagdamay ng mga ito sa pinagdadaanan nya, ang kaso naiilang talaga sya.

"Para kang temang. Anong hindi nababagay? Hello? Dalawa lang naman ang naka set na standards sa circle of friends natin no? If you have them, you'll have us." si Aileen.

"A..anong standards yan?" kunot-noo pa sya.

"Well, it's unwritten rules. It may have been unwritten pero yun na ang common practice kaya naging private joke na naming mga girls yung rules na yun." nakangiting sagot ni Ethel.

"Anong rules?" muling tanong nya.

"First, you've got to be beautiful..." si Aileen sa pabirong tono.

Medyo nangimi sya sa sinabi ni Aileen. Sobrang totoo ang sinabi nito. Wala kaseng itulak kabigin sa grupo. Kung yung mga lalaki, nagpapaligsahan sa papogian, ganun din ang kani kanilang mga asawa, walang menus-klase. So ano sya? Exemption to the rule? Pwede! Payag syang ganun kung ganito ba naman kababait ang mga ito.

"And the second is?" iyon na lang ang nasabi nya. Baka sakaling pasok sya sa second rule.

Nagkatinginan pa ang dalawa bago sumagot muli si Aileen.

"The second is, napo foresee ng girl-group na magiging wife ang isang girl ng isa sa grupo ng mga loko loko." natatawa ng sabi ni Aileen.

"Thank you dahil ramdam ko ang pagki care nyo bilang mga kaibigan kahit hindi ako pasok sa dalawang rules, okay lang ba kung saling pusa na lang ako?" nakangiting wika nya.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon