Chapter 27

8.3K 255 14
                                    

Two weeks na ang nakakaraan ay wala pa ring nahahanap na kapalit si Nikka. Samantala, naging puspusan ang panunuyo sa kanya ni Richard at dahil sa mga ka sweet-an na ipinapakita nito ay parang unti unting napapalagay na ang loob nya dito. Ang hindi nya maintindihan ay kung bakit hindi nya maitodo ang nararamdaman nya dito. Kung sya ang masusunod ay ibubuhos na nyang lahat. Ayaw na nyang magtira ng pagtingin sa lalaking hindi naman magiging kanya. Ang kaso, wala eh. Hindi nya talaga maibigay kay Richard ang intensity ng pagmamahal na nararamdaman nya kay James.

It's been fuckin' 2 weeks pero parang kahapon lang nangyari ang paghihiwalay nila ni James. Ganun pa rin katindi ang sakit.

Linggo ngayon at kahapon pa sila nandidito ni Richard sa Batangas. Ipinagpaalam sya nito sa parents nya via phone at pati na rin kila Don Jaime na pupunta sila ng Batangas. Dahil nag promise sya na sasama dito sa beach ay hindi na sya nakatanggi nang magyaya ito kahit hindi pa sya masyadong komportable na silang dalawa lang ang magkasama. Nung nakaraang weekend kase ay umuwi na sya ng Pampanga. Baka pag Pampanga na naman ang idinahilan nya, mag isip si Richard na iniiwasan nya ito. God knows, gusto na nyang mahalin ito. Kung pwede lang talagang pilitin eh.

Isang villa ang inarkila ni Richard na 2-bed rooms at masyado syang impress sa pagiging gentleman nito. Hindi nya na feel kahit kagabi na gusto nitong i-insist ang sarili nito sa kanya. Ni hindi nga ito bumanggit ng tungkol sa panliligaw. Naging kwela lang ang usapan nila at napansin nyang hindi naman pala ganun ka seryoso si Richard. May bahagi naman pala ng pagkatao nito na very cool. Pakiramdam nya nga parang magiging mag close silang magkaibigan ng lalaking ito pero gusto nyang ipanalangin na dumating ang panahon na matutunan nyang mahalin ito. Sana pag dumating ang araw na yun, gusto pa rin sya nito.

Katatapos lang nilang mag swimming ng yayain sya ni Richard na mag meryenda sa restaurant ng beach. Alas 10 pa lang ng umaga.

Napansin nyang pinagtitinginan sila ng ilang mga guests. Wala kaseng suot na pangtaas si Richard at kita ang ganda ng katawan nito na halatang alaga sa workout. Tanging Hawaiian shorts lang ang suot nito tsinelas na goma at ang bagay na bagay ditong shades.

Sya naman naka two-piece bikini lang na tinakpan na nya ng medyo see-through na pambalabal [ewan ko kung ano tawag dun..lakompake...it's not my thing..lol]

"Ang ganda ng beach na to no? Kompleto sa amenities. Ang yaman siguro ng may ari nito." aniya.

Nasa pandalawahang table na sila. Hinihintay na lang nila ang seafood pizza, pasta at buko shake na syang specialty daw sa beach na to. [To die for daw sabi ni Diane, ng matikman ko..wala namang kwenta..ang mahal pa..pwe! Pero okay lang libre naman ng syota nya..lol]

"Kaya nga kilala ko eh." sagot ni Richard. Umandar na naman ang kayabangan. Pero nakangiti naman. Mukhang nagbibiro lang.

"Ikaw na ang mayaman." aniya.

"Kilala ko dahil dati nila akong boy dito." natatawang sagot ni Richard.

"Chosero!" aniya.

"Seriously, kilala ko nga ang may ari nito. Isa din syang Doctor at isa ito sa negosyo ng pamilya nila."

"Ahh..ganda. Ang ganda ng beach nila. Ang linis ng dagat."

"Gusto mo pa bang bumalik dito?" anito.

"Why not? Yayain ko rin sila Sandy. Parang masayang mag bonding dito." aniya.

"Hi Ma'am, Hi handsome. Here's your order po."

Nginitian nya ang magiliw na dalagita na ngumiti naman sa kanya pagkuwa'y bumaling na kay Richard. Sa tingin nya nasa 15 to 17 ang edad ng dalagitang ito.

"Buti pa ang batang to malinaw ang mata."

"Bakit po Sir? Malabo na ang mata nyo?"

"Hindi. Itong kasama ko ang malabo ang mata. Moreno lang ang nakikita nito eh." loko ni Richard.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon