Chapter 44

11.5K 291 76
                                    

DIANE's POV

Kumakain sya ng breakfast ay hindi pa rin nawawala sa isip nya ang sulat ni James. Kinikilig sya dahil first time nitong mag I love you. Kahit sa sulat lang ay sobrang solb nya sya. Kasabay ng kilig ay ang takot dahil nasa gyera ito. Ang hirap pala talaga ng ganito. Siguro nga hindi sya masasanay.

Pumasok si Corporal Llamas sa dining area ng headquarters.

"Bakit nasa pinakasulok ka Di? May pinagtataguan ka ba?" anito. At least tinatawag na sya nito sa Nickname nya [Die nga pala ang basa daw nyan, as in patay....patapos na ngayon pa lang no?]. Masasabi nyang sa napakaikling oras ay naging magaan na ang loob nya dito.

Napatingin sya sa paligid. Ayaw nyang malaman ni Dave na nandidito sya. Baka magsumbong kay Sandy at si Sandy naman magsumbong sa mga magulang nya. Tsaka na sya magpapaliwanag sa mga ito.

"Nahihiya po ako eh. Hindi naman dapat ako kasali dito tapos nakikain pa ko." partly ay iyon din ang rason nya.

"Loka! Okay lang yan no? Huwag kang mag alala, marami ngang sobra. Nakakahiya lang dahil baka hindi masarap ang luto ko."

"Masarap nga po eh! Nagustuhan ko." totoo iyon sa loob nya. Kompara kagabi, okay ang breakfast ngayon. Complete meal ika nga.

Gusto nyang sabihin ang kanina pa gumugulo sa isip nya at ngayon na ang pagkakataon nya dahil mukhang super friends na sila ni ate Diane.

"Ate..." nag aalangan pa rin sya.

"Hmmm...may gusto kang ihirit ano?" anito.

"Ah eh..oo po sana eh. Kung okay lang sainyo.." umpisa nya.

"Kahit ano basta huwag ang pag extend ng stay mo dito ang ipapakiusap mo. Mananagot ako ki Kapitan eh. Kabilin bilinan nya sakin na ihatid kita ngayong umaga sa airport at huwag daw akong magpapabola sayo gaya ng pambolang ginawa mo kay PFC Calderon. Sinabi nya rin na medyo may katigasan ang ulo mo kasi na-spoiled ka daw nya."

Tumaas na talaga ang kilay nya. Ang walang hiyang yun, wagas kung itsismis sya sa ibang tao. Fine! Na spoiled nga sya nito sa maliliit na bagay pero kasalanan ba nya kung nasanay sya? Sinusunod naman sya nito eh at kinikilig sya kaya ayun, nasanay na sya.

Ang kaso, ang pag extend ng stay nya dito ang ipapakiusap nya talaga. Inunahan na sya ni ate. Pano na to? Isip Diane! Sabi mo magaling ka na sa mga pagpapalusot diba? Pakiusap pa more!

"Eh ate, masama po kasi ang pakiramdam ko eh. Napagod yata ako kahapon at na stress. Actually, hanggang ngayon stressed pa rin ako."

"Naku Di pasensya nya pero hindi kita mapagbibigyan. Nakapangako ako kay Kapitan eh. Hindi ka naman mapapagod sa byahe. Sasakay ka lang naman diba? Pwede ka pa ngang matulog sa eroplano." anito.

Dahil siguro sa kagustuhang mag stay at dahil sa takot para sa kaligtasan ni James ay napaiyak na sya.

"Hey! Hey! Di, sorry! I didn't mean to make you cry, it's just that, hindi talaga pwede eh. Sorry na.." lumapit ito sa kanya at niyakap sya mula sa likod.

Napahagulgol lalo sya.

"Ate sobrang hirap ng pinagdaanan ko bago ako nakarating dito. Grabe ang kaba at takot na tiniis ko pero binalewala kong lahat iyon dahil gusto kong makita si James bago man lang sya tumulak ng misyon. Mahal na mahal ko sya ate. Sa buong buhay ko sya lang ang lalaking minahal ko. Maaaring alam mo at nararamdamaman mo rin ang takot na nararamdaman ko sa ngayon dahil nasa gyera din ang asawa mo at alam nating pareho kung gaano ka delikado ang misyon na to. Hindi ako naniniwala na tanging pag luto lang ang pakay mo dito. Alam ko na nangangamba ka rin sa kaligtasan ng asawa mo. Alam ko rin na kaya ka sumama dito dahil gusto mong malaman kahit papano kung ano ang nangyayari sa asawa mo habang nasa gyera. Kanina nga po nakita ko na panay ang silip mo sa communication room. Sana maunawaan mo te kung bakit gusto kong mag stay. Kahit kunting detalye lang te tungkol kay James gusto ko ring masagap. Pangako hindi ako magiging pasaway. Pangako hindi magagalit sayo si James at pangako, aakuin ko ang lahat ng inis nya sa katigasan ng ulo ko. Si Francis nga po, isinama pa rin kahit na sya ang.."

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon