Chapter 7

10.9K 326 7
                                        

Nagmamadali syang naligo at nagbihis. Mabuti na lang talaga at natuyo ang uniform at undies nya. Late na kase syang nagising. Palibhasa kase ay hindi tuloy tuloy ang tulog nya. Gumigising sya para magpa inom ng gamot ni James. Nagtataka nga sya kung bakit walang pumapasok na nurse na naka duty. Siguro ay nag request si James na huwag na dahil nandidito naman sya at sya na lang ang magpapa inom. Hindi nya alam kung gaano kalakas ang impluwensya meron ang lalaking ito na pati protocol ng sikat na hospital na ito ay nababali. Sabagay, ikaw ba naman ang malapit sa anak ng may ari diba? Napaismid na lang sya.

Paglabas nya ng banyo ay salubong ang kilay ni James. Alam nya naiinis ito. Ayaw pa kase syang paalisin nito subalit inaway na talaga nya ito. Trabaho nya ang nakataya sa mga kalokohan na ginagawa nito.

"Hindi ka man lang ba kakain muna?! Magta trabaho kang walang laman ang tiyan?!" angil nito.

"Quarter to 7 na! Sinabi ko na sayong 7am ang start ng shift ko diba? Wala na akong mahabang oras." angil din niya.

Hindi sya makatingin dito dahil ang totoo, ayaw nya ring iwanan ito.

"Wala akong pakialam sa shift mo! Hospital to kaya dapat health ang utmost concern ninyo hindi ang punctuality ng mga empleyado! Mag almusal ka muna! That's an order!" akala mo nagmamando sa subordinate nyang turan ni James.

Ayaw na nyang makipagtalo dahil tiyak lang na lalong maiinis ito. Kung meron man syang isang good attribute na maipupuri sa lalaking ito ay ang pagiging maalaga nito. Naalala nya, madalas nilang pag awayan noon ay ang pagkain nya ng kunti. Lalo na pag nagpapalagpas sya ng pagkain.

Minsan naman nagkakabati sila dahil sa hindi nya pagkain. Gaya na lang noong inaway nya ito dahil hindi ito dumating sa miminsan na nga lang na ipinangako nitong date. Syempre na nabwisit sya ng todo. Isang beses na nga lang hindi pa natuloy. Inaway nya ito ng inaway at sa bandang huli ay nainis na rin ito dahil paulit ulit sya kahit ipinaliwanag naman nito na nagkaroon ng emergency mission. Nag walk out itong galit at umalis ng apartment nya. Akala nya hindi na ito babalik. Iyak sya ng iyak noon. Subalit, after 15 minutes ay bumalik ito na maraming take-out na pagkain.

Natural hindi sya kumain. Galit sya eh. Hindi ito tumigil ng kakasuyo hangga't hindi sya kumakain. Lumuhod pa nga sa harap nya na hawak ang isang slice ng pizza. Doon na sya hindi nakatiis.

Pero hanggang doon lang ang pakilig na kaya nitong gawin. Ni hindi nga nito tinupad ang pangakong date. At ang nakakasakit pa ng loob, never syang ipinakilala nito officially sa mga ka team nito na may something sila kung maituturing ngang something iyon. Never nga syang isinama nito sa pagtitipon ng mga barkada. Kaya everytime na tatawag sa kanya si Sandy noon para dumalo sa get together ng grupo, never din syang nagpaunlak. Sasama lang ang loob nya dahil sa tingin nya, ibang tao syang ituturing ni James pag kasama ang mga ka grupo nito. Para syang kept-woman.

Tapos na syang mag ayos. Simple lang naman kase talaga syang pomorma. Binitbit nya ang handbag nya at nilagpasan ang kama ni James para umalis na. Naka simangot na ito ng todo.

"Sa pantry na lang ako kakain sa baba James. Late na talaga ako. Darating na si Director Nikka, baka masisante pa agad ako, kailangan ko ang trabahong.."

Biglang bumukas ang pinto.

"Good morning handsome! How are you feeling today?" anang papasok pa lang na babaeng parang model sa tangkad at pangangatawan.

Napaka pristine nitong tingnan sa suot nitong puting long sleeve na pang Doctor. Parang sa sobrang kakinisan nito, mahihiyang kumapit ang anumang alikabok o bacteria sa katawan. Bilugan ang mata nito, malalantik ang pilik mata, medyo high cheekbone, perfectly sculpted nose, very luscious lips. May hawig iyo kay Angelina Jolie to sum it up. Unang kita pa lang nya, para bang ibinibadya ng aura nito na hey! ako ang may ari ng hospital na to so tumabi ka!

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon