Chapter 49

12.8K 412 88
                                    

THIRD PERSON's POV

Bravo Company

"Rye, 9 o'clock! Elevated lookout! Ikaw na ang tumira para sigurado! Malapit sana sa platoon ni James kaso walang cellphone ang gago, hindi ko ma contact." boses ni Rock. Sa cellphone na lang ito nakikipag communicate sa mga kaibigan [taray ha? Ano ba gamit na camera nito? Hightech masyado].

"Garcia, pahiram na muna ng sniper rifle mo!" ani Ryan. Agad namang inabot ng sundalo.

Biglang ikinasa ni Ryan ang rifle at sinilip sa sniperscope ang target.

"Tangina ang layo! Niloloko mo ba ko? Out of range eh! [Naks! Na-extra! Sympre! Patapos na lang hindi pa ba ko eeksena? Lol!]" reklamo ni Ryan.

"Ha ha! Sorry! Praktis lang! Nadali na ng grupo ni James. Bagsak na. Pero hindi ko nakakalimutan minura mo yung nanay ko na biyenan mo. Makakarating pare! Nasa baba lang sya. Bihira na nga kayong bumisita dito, gumaganyan ka pa!" loko ni Rock.

"Ulol! Kahit i-replay mong yung sinabi ko. Hindi si Mama ang minura ko kundi ikaw na gago ka!" reklamo ni Ryan.

"Ha ha! Sige na dumeritso na kayo! You're on the right track, man! May madadaan kayong medyo malaking grupo ng kalaban, yung mga itinuro ko sayo huwag mong kalilimutan ha?" si Rock.

"Pak yu!" sagot ni Ryan.

"You're welcome, tol!" natatawa pang usal ni Rock.

After barely 15 minutes.

Echo Company

"Ram, double time! Wala na akong masyadong nakikitang kalaban dyan sa banda ninyo. Back up-an nyo na sila James! Pinuputakte na sila dun. Mukhang pre-sighted yung direksiyon na tinahak nila! Doon ang lakas kalaban! Take the northeast mas mapapabilis kayo! May madadaanan kayong medyo masukal na lugar. Be ready with your shits! Hindi ko makita kung ano ang nasa ilalim ng mayayabong na puno!" si Rock.

"Copy that, cocksucker!" si Ram.

Alpha Company

Sa zone ni James ay talagang umaatikabong bakbakan na ang nangyayari.

"Get your ass down! Take cover!" sigaw ni James.

"Sir, dalawang machine guns ang itinitira saatin!" sigaw ng isang sundalo na malapit kay James.

Dalawang machine guns nga ang naka posisyon sa medyo mataas na terrain at nakatutok sa grupo ni James habang walang habas na pumuputok.

"Mamatay tayo dito Sir!" sigaw ni Calderon na nakasubsob na sa lupa hawak ang ulo habang naka kubli sa malaking ugat ng puno.

"Walang ng mamamatay! Radioman, request for back up!" sigaw ni James kasabay ng pagsabog ng mortar mula sa kalaban mga 3 dipa mula sa pinagkukublihan nila.

"Sir hindi pa ba tayo magre return fire?!" sigaw ng isang sundalo.

"Wait for my signal fucker! Hihintayin natin ang pag reload nila! Good timing ang kailangan natin dito! For the meantime, scout for clear shots. Is that clear?!" sigaw ni James.

"Yes Sir!"

Dalawang minuto pa ang lumipas ng humupa ang putok mula sa kalaban.

"Let's go! Take your shots, men!" sigaw ni James sabay tayo at kalabit ng rifle na nakaumang sa tatlong tao na nasa likod ng machine gun. Magkakasunod na bumagsak ang mga nagre reload sana sa machine gun.

Nakita ni James ang pagbagsak pa ng dalawag tao na nasa likod din ng isa pang machine gun.

"Good shots, Sgt. Escueta!" si James.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon