Chapter 8

10.1K 309 7
                                    

Padabog na kinuha nya ang thermometer mula kay James. Hindi sya kumikibo subalit halata sa action nya ang pagka bwisit.

"Sir, akala ko ba si Nurse Diane? Sino naman si Doc Nikka? Nalilito na talaga kami sayo." anang isang sundalo.

"What did I tell you fucker?!" si James.

"Nakapikit pa ko Sir. Hindi pa ako dumidilat, promise!" sagot ng sundalo.

"Sir, sya ba yung hinilingan mo na dalhin ka executive suite? Astig ka talaga Sir! Nakapikit din ako!" sabat pa ng isang sundalo.

"Ulol! Hindi ako ang humiling na dalhin sa putragis na kwartong yun! Tulog ako ng dalhin dun! Tsaka sino ba ang may sabi sainyong doon ako dinala?"

"Usap usapan ng mga nurses dito kagabi, Sir. Nadinig lang namin. Mukhang special treatment ka sa may ari ng hospital na to ah. Sana isinama mo naman kami doon ng maka tikim naman kami ng kwartong pang commander-in-chief."

"Wala tayong pambayad, mga ungas! Dinala lang ako doon para pagsamatalahan ang katawan ko. Ngayong pinagsawaan na, ayun ibinaba na ko dito." ngingisi ngising usal ng gago.

Pinilit nyang kalmahin ang sarili. Ang huling gagawin nya ay ipahalata sa bwisit na to na apektado sya. Sinimsim nya ang mga gamit at inilagay sa tray. Wala pa rin syang imik.

"Sir, maganda ba si Dr. Nikka? Nakapikit din ako Sir."

"Ganda! Tangina! Hanep sa kurbada!" si James.

Wala syang pakialam dahil totoo naman talaga ang sinabi ng gago.

"Wala kang lagnat, Sir. Aalis na ko." kalmadong turan nya.

"Mamaya na." si James.

"Mag iikot pa ako. Hindi lang ikaw ang pasyente sa hospital na to." kalmado pa rin sya.

"Mamaya na Di, promise magkakalagnat ako. Hintayin mo lang, nagko concentrate pa ko eh." anito.

Hindi nya pinatulan ang katarantaduhan nito.

"Capt. Chavez. Isang hamak na empleyado lang ako dito. Huwag mo namang ipahamak ang trabaho ko." medyo alsado na ang boses nya.

"Hindi ka aalis ng kwarto na to hangga't hindi mo ipinapakita ang totoong nararamdaman mo. Magselos ka naman! Andami ng sinabi na dapat ikaselos mo oh!"

Nginitian nya lang ito ng ngiting aso at tumalikod na. Direksiyon ang pinto ang tinutungo nya.

"Sasabay kang kumain kay Doc Richard?! May pagkain dito! Dito ka na kumain!" pahabol nito.

Hindi sya kumibo. Tuloy tuloy lang sya sa paglalakad.

"Ipapatanggal ko yun dito! Magiging may ari ako ng hospital na to!" habol na naman nito.

Gusto ng tumulo ng mga luha nya kaya lalo nyang binilisan ang paglalakad.

Halos ibagsak nya ang pinto ng kwarto pagkalabas nya.

Ibinalik nya ang dalang tray sa nurse station at mabilis na umalis. Alam nya nagtataka ang nurse na nandodoon.

Dumeritso sya sa rest room at doon pinakawalan ang sakit ng dibdib. Impit ang paghagulgol nya.

Maya maya ay narinig nyang may mga pumasok. Nakagat nya ang mga labi para pigilan ang paghikbi.

"Anong oras daw ba yung meeting with Dir. Nikka?" anang isa. Sigurado sa kaibigan ni Lorraine ang boses na yun na si Aina.

"Don't know, hindi naman ako a-attend doon eh. Yung mga new hires lang naman ang compulsory na um-attend diba?" si Lorraine.

"So, rarampa ka na naman sa kwarto ng mga sundalo? I've heard ibinaba na ulit si Capt. Chavez ah?"

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon