Chapter 19

9.4K 289 1
                                    

Namimiss na nya si James ng sobra subalit hindi na ito nagtangkang lumapit sa kanya. Ni text sa cellphone ay wala ito. Mag iisang buwan na simula ng magkita sila sa birthday ni ZD at habang lumilipas ang mga araw ay nangungulila sya dito.

Lihim syang nanalangin na sana mabuntis sya para at least, kung sakaling wala na talagang future sa kanila, which is highly probable, ay magiging kuntento na sya na may magpapaalala na minsan sa buhay nya ay nagpakatanga sya na hindi nya pinagsisisihan. Dahil aaminin nya na si James lang talaga ang gusto nyang maging tatay ng anak nya kahit niliwanag na nito na hindi nito aakuin ang responsibilidad. Kahit isang anak lang okay na sana. Kaya na nyang mabuhay na sila lang ng anak nya. Ang kaso, hindi na naman pinakinggan ang dasal nya. Dinatnan sya kahapon.

Isa pa tong Doc Richard na to. Napapadalas na ang pagdalaw dito sa bahay ng mga Gonzales at ang masama pa, mukhang ipinagtutulakan sya dito ni Don Jaime at si Richard naman sa kanya. Bagay na bagay daw sila ayun pa dito. Si Don Jaime daw ang sasagot ng kasal nila just in case na magde decide silang magpakasal. Ni hindi nya nga boyfriend ang Doctor na to.

"Feeling ko pati ako nahuhulog na?" napukaw sya ng tinig ni Doc Richard.

Linggo ngayon kaya walang pasok si Doc sa hospital. Sya naman ay hindi nag day-off ngayon dahil noong nakaraang Sabado ay umuwi sya ng Pampanga at nagdalawang araw sya doon kaya bumawi sya ngayon. Nasa garden sila ngayon magkaharap. So Don Jaime ay kasalukuyang nasa kwarto at nag-a afternoon nap.

"Saan?" aniya.

"Sa lalim ng iniisip mo."

"Akala ko naman sakin na." biro nya.

Gulat na napatingin sa kanya si Doc Richard. First time nya kaseng nag joke ng ganito at gusto nyang bawiin.

"Hindi na ako mahuhulog sayo. I don't know anyone who has the ability to fall twice specially so kung hindi ka pa nakakaahon. Matagal na akong nahulog sayo Di, at wala na akong balak umahon." anito.

For sure namumula sya. Galing ba naman sa poging doctor ang ganung klaseng komento. Pero bakit kulang ang kilig na nararamdaman nya?

"Hay naku Doc...patola ka naman!"

"Kalabasa ako. Mukhang nangangalabasa ako sayo baby eh."

"Maka baby ka naman.." natatawang turan nya.

"What did I tell you before? Diba sabi ko tatawaging kitang baby pag tinawag mo akong Doc. Bumabalik ka na naman sa tawag na yan. Richard na ang tawag mo sakin eh."

"Sorry naman nakalimutan lang Ricardo!" aniyang nangingiti pa rin.

"Mukhang ang saya nyo ah. Nasaan si Papa?" si Madam Myrna.

Napatayo sya at bahagyang napayukod dito. Kinakabahan na naman sya. Pag nandidito si Madam Myrna ay parang de numero ang mga galawan nya.

"Good afternoon po Madam. Nasa kwarto po si Don Jaime. Nagpapahinga. Mamayang 4 pm ko pa po sya paiinumin ng gamot."

"Hi Tita, mukhang tambak na naman ang pinamili mo ha?" biro ni Richard.

"This is my only guilty pleasure you know..aside from travel, of course." anito na nakangiti sa kanila.

Hindi nya alam at kinakabahan sya sa mga nangyayari lately dahil pati si Madam Myrna ay mukhang nag iba ang trato sa kanya. Pakiramdam nya, ikinatutuwa nito na lalo silang nagkakalapit ni Richard.

"Sige na at napagod ako. Magpapahinga rin ako. Ang Sir John mo Diane, nakabalik na ba from hospital?"

"Hindi pa ho Madam. Si Ma'am Nikka naman po nagsimba." aniya. Ma'am Nikka ang tawag nya kay Dir. Nikka pag kaharap si Madam. Napagsabihan na kase sya nito dati na dapat may pag galang din ang pagtawag nya kay Nikka.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon