Napaka extraordinary talaga ng araw na to. Pati trabaho nya yata nadoble. Kung saan saan sya pumupuntang room dito sa ground floor ng hospital. Maya't maya ang pagbibisita nya sa mga kwarto ayun na rin sa instruction ng head nurse nila. Hindi sya pwedeng mag reklamo dahil sa tingin nya hindi lang naman sya ang busy ngayong araw na ito.
Saglit nyang sinilip ang lounge ng hospital, wala na ang grupo. Marahil ay umakyat na ang mga ito sa executive suite ni James.
Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga sya makapaniwala na nasa executive suite si James at lalong hindi nya mapaniwalaan na may relasyon ito sa socialite and sophisticated na directress ng hospital na ito. Hindi pa nga nya nakikita sa personal ang boss nilang yun. Sa kwentuhan ng mga hospital staff nya lang nasagap ang description nito at nakita nya rin sa organizational chart ang ID picture nito. Doon pa lang, gandang ganda na sya kay Dir. Nikka. What more siguro sa personal. Haiist.
Alas 7 ng gabi ang off duty nya at mag aalas sais na ng gabi. Hihintayin na lang nya ang grupo. Ayaw pa nyang umuwi ng apartment. Malamang kase sa alamang ay raragasa na naman ang mga alaalang pilit nyang kinakalimutan. Baka pwedeng tumambay muna sya kila Sandy, anyway, wala na rin naman syang iniiwasan. Naka confine ngayon dito ang lalaking ina avoid nya. Akala nya talaga hindi na sila magkikita. Decided na syang iwasan ang landas nito to the extent na pati kay Dave na asawa ng best friend nya, ay gusto nya sanang huwag ipaalam ang pagbabalik nya dito sa Pilipinas.
Bandang alas sais y media ng bumaba ang grupo. Nagtatawanan pa ang mga ito. Nakaramdanm sya ng kompletong relief. At least nakompirma nya na maayos ang kalagayan ng kumag sa taas kung pagbabasehan ang aura ng mga kaibigan nito. Sayang lang yung dugong kinuha nya. Nai charged pa naman sa kanya yun. Nasaan na kaya yun? Hindi naman siguro nabutas ng mabitawan nya kanina. Malamang naibalik na sa blood bank.
Nakita sya ni Sandy.
"Uy Di! Saan ka ba nagsusuot? Pati cellphone mo nakapatay." ani Sandy.
"Dead-bat ako Sandz. Pauwi na kayo?" aniya.
"Oo at sumabay ka na. Sa bahay ka na matulog okay?"
"Sige..kaya lang 7 pa ang out ko dito eh. Sunod na lang ako sainyo?"
Gustong gusto nyang itanong kung hinanap man lang ba sya ni James kaya lang sinaway nya mismo ang utak. Umiiwas sya dapat eh.
"No, ipapaalam kita sa head nurse mo. Valued customer ako dito, actually ang buong pamilya namin. Kahit i check mo, may records na kami dito. Ito na lang si Dave ang wala. So, pagbibigyan naman siguro ang pakiusap ko."
"Ha? Ah eh..Sands ano eh. Baka makita ang pag alis ko, mapagalitan pa ako. Nandito pa naman si Dr. Nikka." pabulong na usal nya.
"Wala na sya. Umalis na ulit. Pinaalis na daw ni James sabi ni James mismo." ani Sandy.
Hindi sya makapaniwala.
"Nanloloko na naman yun. Alam mo naman na medyo sira ang ulo nun."
"Pinaalis na nga. Sinabi ko kaseng nagseselos ka." si Mark.
"Tampalin kita dyan eh! Pareho kayong sira ulo."
Tawanan ang lahat.
"Sige na guys, baka masita na talaga ako nito, susunod na lang talaga ako sa bahay nyo Sands. Marami namang taxi dyan eh."
"No!" biglang hinawakan ni Sandy ang kamay nya at hinila sya sa nurse's station.
"Sands.."
"Ipagpapaalam kita. Sasabay ka saamin."
Napasunod na lang sya. Pinagtitinginan na kase sila ng mga katrabaho nya. Mukhang hindi makapaniwala ang mga ito na malapit sya sa sikat na artistang ito.
BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
AzioneJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...