Chapter 9

10K 333 13
                                    

Nakatulala yata sya habang nakatingin sa nagsasalitang si Dir. Nikka. Ang ganda talaga nito. Very refined gumalaw, an epitome of sophistication, nakakailang ang height. Feeling nya mga 5'7" or 5'8" ito. Bagay na bagay ito kay James na 6-footer. Very ideal couple ang dalawa, samantalang sya, 5'5" lang. Lumagpas lang sya ng kunti sa balikat ni James.

Lalo nyang tinitigan ito dahil nakatingin ito sa Macbook na nasa table sa unahan. Naka kabit ang laptop sa projector na nakatutok sa white board sa unahan. Ipinapakita nito ang ilang slides about sa job progression ng mga empleyado dito sa hospital at ang mga kaakibat na benefits. Very graceful talaga gumalaw at very articulate magsalita.

Maraming beses pumalakpak ang mga new hires dahil mga iprenesentang benefits ni Dir. Nikka at sa galing nitong magsalita ay impressed na impressed ang mga nakikinig. Sya? Wala! Wala syang naiintindihan. Lumilipad sa papawirin ang utak nya.

Biglang nagsalita si Doc Richard. Tapos na palang magsalita si Dir. Nikka? Ipinakilala na ni Doc Richard ang mga bagong doctors na marahil ay first time na ma-meet ni Dir. Nikka dahil mahigit isang buwan daw itong naglagi sa US.

Nagsasabi basic personal and professional details ang bawat Doctor na ipinapakilala.

Bigla syang kinabahan.

Nananalangin na sya na sana pagdating sa lower staff ay i-present na lang sila ng sabayan at huwag na isa isahin.

Mahigit 30 silang new-hire attendees ngayon at walo lang ang mga bagong doctors.

Hindi talaga sya malakas kay Lord dahil hindi pinakinggan ang panalangin nya. Si Dir. Nikka mismo ang nag request na i-introduce nila ang bawat isa ayun sa pagkakasunod sunod na ng upuan. Sabihin daw nila ang pinaka basic na information sa mga sarili nila.

Nangangatog na yata ang mga paa nya. Nahalata yata ni Ana kaya pasimple nitong hinawakan ang kamay nyang nanlalamig. Alam nyang kinakabahan din ang kaibigan nya subalit triple ang kaba nya.

Matatandaan pa kaya sya ni Dir. Nikka? Sana hindi na. Sa dami ng mga nakasalamuha nito dito magmula kanina, siguro naman ay nakalimutan na nito ang mukha nya.

Ilang sandali pa ay nasa unahan na nila ang nagsasalita. Isang linya din iyon at nasa gitna na.

Napatingin sya kay Doc Richard at nakita nyang nakatingin din ito sa kanya. Marahil ay na sense nito ang tension nya kaya nginitian sya nito na para bang sinasabing okay lang yan. Pilit na pilit ang ngiti nya.

Very attentive pa naman si Dir. Nikka sa mga nagsasalita. Sana talaga hindi sya maalala nito.

Yung katabi na ni Ana ang nagsasalita, susunod na si Ana. Pakiramdam nya nanginginig na pati tuhod nya. Nagpapawis na pati kamay nya. Isa lang ang tiyak. Natatakot sya kay Dir. Nikka.

At natapos na nga ang katabi ni Ana sa pagpapakilala. Grabe na ang kaba nya.

Sumunod ng tumayo si Ana. Nagsimula ng magpakilala ito subalit hindi na dito nakatingin si Dir. Nikka kundi nasa laptop nyang nasa ibabaw ng table.

Napatingin sya sa whiteboard. Naka connect pa kase sa projector ang laptop kaya kita ng lahat ang nasa screen nito.

Chat iyon sa skype galing kay James.

James Chavez: Nasaan ka Nikz? Totoo bang may meeting kayo?

Nikka Salvador: Yup, why? - reply ng directress.

Nakalimutan yatang naka connect pa sa projector ang device nito. Wala namang pumupuna. Mukhang gusto ring maka sagap ng tsismis.

"Sorry about that nurse. Can you repeat it, if you won't mind." hinging paumanhin ni Dir. Nikka.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon