DIANE's POV
Sinimulan ang procedure eksaktong alas syete y media ng gabi.
Grabe na naman ang kabang nadarama nya kaya niyaya nya si James sa chapel. Ang Mama nya ay nanatiling nasa labas ng operating room kasama ang kuya nya. Nagbabantay ang mga ito.
Tunay na si James nga sa ngayon ang pinagkukuhanan nya ng lakas ng loob at hindi sya nabibigo dito. Every step of the way ay talaga namang nakaalalay ito hindi lang sa kanya pati na sa Mama nya.
Nakaluhod na sya at magsa sign of the cross na sana ng mapansin nyang nakaupo pa rin si James. Tiningnan nya ito.
"Mahina ako sa taas Di. Maraming beses ko ng nasubukan yan." bulong nito.
"Please.." may himig pakiusap ang tono nya.
Sumunod naman si James. Lumuhod ito sa tabi nya. Nag simula na syang magdasal ng mataimtim. Medyo nagiging emosyonal na sya kaya hindi na nya napigilan ang tahimik na pagluha. Inakbayan sya ni James. Napahilig sya sa balikat nito. Naramdaman nya ang mga haplos nito sa balikat nya. Patuloy ang pagluha nya habang puspusan ang pakiusap nya sa taas na maging safe ang Papa nya.
Nanatili sila ng halos isang oras sa chapel at pagkuwa'y niyaya na nya si James para bumalik.
Medyo payapa na ng kaunti ang pakiramdam nya habang naglalakad sila pabalik. Naniniwala syang pakikinggan ng Diyos ang dasal nya at ni James. Surely, ipinagdasal din nito ang Papa nya.
"James ano ang pinagdasal mo?" tanong nya. Hawak nito ang kanang kamay nya.
"Ha? Bakit? Diba bawal yun? Confidential kaya yun." anito.
"Sige na, gusto ko lang marinig. Hindi naman siguro magagalit si Lord." aniya.
"Huwag na samin na lang ni Lord yun." anito.
"Okay yung prayer mo para kay Papa na lang."
Napatingin sa kanya si James. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak nito sa kamay nya.
"Hindi ko ipinagdasal ang Papa mo eh." anito.
Napakunot ang noo nya.
"Okay..." aniyang may himig pagtatampo.
"Mas napahaba kasi yung pagmamakaawa ko ki Lord kaya hindi ko na nabanggit yung tungkol ki tito."
"A..anong pinagmakaawa mo?"
"Personal na nga yun Di.."
"Sige na, ito naman para yun lang..curious lang talaga ako sa ipinagdasal mo, kasi feeling ko, for the longest time, kanina ka lang ulit lumuhod sa harap Nya." pangungulit nya.
"Nagmakaawa lang naman ako na sana dinggin nya lahat ng hiling mo. Parang aatekehin din kasi ako sa puso sa bigat ng nararamdaman mo eh. Sabi ko: Lord, hindi ko naman pwedeng hatian o kahit akuin ng buo ang bigat na nararamdaman ng katabi kong to, baka pwedeng yung mga denied prayers ko since I was a kid ay i-grant mo na sa kanya." mahinang usal ni James.
Hindi sya nakapag salita agad. Nao overwhelmed sya sa sinabi ni James. Naiiyak na naman nga sya.
"I love you James..I really do." pahikbing wika nya.
Binitawan nito ang kamay nya ay inakbayan sya.
"It's been a while -- but still, it has the same impact." at hinalikan sya nito sa ulo habang patuloy sila sa paglalakad.
James didn't answer her statement of undying love once again, but she could fell his love down to the bottom of her heart and that's all that matters.
Pagdating nila sa OR ay inabutan nila ang mama at kuya nya sa labas. Nandodoon din si Doc Richard. Naramdaman nyang humigpit ang pagkakahawak ni James sa kamay nya as if he don't wanna let her go.
BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
AcciónJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...