Buong magdamag na wala si James at nag aalala na sya. Pati cellphone nito ay nakapatay. Nakakailang tawag na sya kila Dave at Sandy, pati na kila Mark at sa ibang mga kaibigan pero wala ring alam ang mga ito sa kinaroroonan ni James. Wala daw sa apartment nya at sa apartment nito. Panay din ang tawag nya sa mansiyon, wala din daw doon.
Hinahanap na ito ni Don Jaime subalit wala syang maisagot. Ang tanging sinasabi na lang nya ay lumabas ito at hindi pa bumabalik. Todo na naman ang kaba nya. Gusto pa nyang sisihin si Aling Martha na alam nyang mali. Nagmamalasakit lang ang dating yaya ni James. Kaya lang sa pag aalala nya ay gusto pa nyang sisihin ito. Lowbat na ang cellphone nya ng kada dial subalit laging out of coverage si James.
Hapon na naman ay wala pa rin ito.
Gumabi na't lahat ay wala pa rin. Nahahalata na siguro ni Don Jaime ang pag aalala nya kaya muling nagtanong ito.
"Nasaan na ba si James?" ani Don Jaime na mukhang nag aalala na rin.
"Pwede po bang magpaalam saglit? Hahanapin ko lang po si James. Hindi ko sya makontak eh." mangiyak ngiyak na sya.
"Sinong magbabantay saakin? Tumawag ka sa baba, ipahanap mo sa security personnel. Hindi ka pwedeng umalis. Nahihirapan pa akong maglakad." ani Don Jaime.
"Mabilis lang po ako, promise! Paaakyatin ko po yung isang nurse, makikiusap akong sya muna ang magbantay sain..."
"No! Ask the security personnel to look for James! Hindi ka aalis. Ihanda mo na yung mga gamot na iinumin ko." may inis na rin sa tono ni Don Jaime.
Napapikit na lang at gusto nyang magpapadyak sa inis at pag aalala.
Umalis si James, kahapon pang alas dos ng hapon. Mag aalas otso na ng gabi, wala pa rin ito.
Kahit masama ang loob ay tinungo nya ang telepono at tinawagan ang security personnel. Nakiusap syang hanapin ng mga ito si James. Ibinigay pa nya ang address ng mga apartment nila.
Sa pag aalala ay nagkanda tapon tapon na yung gamot ni Don Jaime.
"Ano ba kasing nangyari? Nag away ba kayo? Hindi pa man kayo nakakasal nagkakaganyan na kayo?!" siguro ay dahil sa pag aalala din kaya parang galit ang tono ni Don Jaime.
Litong lito sya. Ayaw nyang sabihin ang totoong dahilan. Baka ikagalit lalo ni Don Jaime. O baka sarili nito ang sisihin. Hindi na lang sya umimik.
Pagkatapos painumin ng gamot si Don Jaime ay pumunta sya ng banyo. Doon sya umiyak ng umiyak dahil sa sobrang pag aalala. Ano kaya ang nangyari kay James? Masyado ba nitong dinamdam ang nalaman?
"Diane! Ano bang ginagawa mo dyan?! Nasaan yung remote ng aircon? Mainit! Lakasan mo nga! Pinagpapawisan ako!" alam nyang sigaw iyon ni Don Jaime dahil dinig sa loob ng banyo.
Agad nyang pinunasan ang mga mata at nagmamadaling lumabas. Tiningnan nya ang cellphone wala pa ring nagte text kahit na mga kaibigan nya.
Hinanap nya ang remote control ng aircon at binabaan ang temperature para lumamig. Muli na sana nyang ipapatong ang remote control sa center table ng pabalandrang bumakas ang pinto ng suite.
Muntikan na syang himatayin. Nasa ibabaw stretcher si James nakahiga na parang unconscious. Isinusulong ang stretcher ng apat na hospital attendant.
"Don Jaime, inakyat na po namin dito si Sir James. Ikaw ang agad na makakatulong sa kanya. Natagpuan sya ng security personnel sa garahe nitong hospital. Hawak nya ang dibdib nya. Mukhang inatake po sa puso." bakas ang pagkataranta sa mukha ng apat na pawisan pa.
"Diyos ko!" napahagulgol na sya at napaupo sa center table. Biglang nanghina ang mga tuhod nya.
"Diane! This is an emergency case! Nurse ka! Hindi pag iyak mo ang solusyon dito! Isaksak mo yung mo yung cardiogram machine!" sigaw ni Don Jaime.

BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
AzioneJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...