Napakabilis ng panahon. Nakakaisang buwan na pala sya sa hospital na ito? Ang maige pa nyan, natulungan nyang maipasok ang naging kaibigan nya noon sa hospital sa Riyadh na isang nurse din--si Ana. Sila ang naging magka close. Sa tingin nya, wala syang magiging ka close sa mga datihang nurses and other staff sa hospital na ito dahil pakiramdam nya, pinagtsi tsismisan sya ng mga ito behind her back. Although tinutupad naman ni Doc Richard ang pangako nito na hindi dadalhin ang panliligaw sa oras ng trabaho, hindi pa rin maitatago na nililigawan sya nito. Madalas kase syang hinihintay nito at minsan nga ay sinusundo pa sa apartment nya. Hindi nya na rin naitago ang apartment nya dito dahil sekrito pala syang sinundan nito. Ilang beses na nyang tinatanggihan ito na huwag na syang sunduin at ihatid subalit never syang pinakinggan nito. Gusto nyang magdasal na hari ng pag ibig na sana bumalik ang kilig nya kay Doc Richard para sana masuklian nya ang mga ginagawa nito at maibigay ang hinihiling nito na maging sila muli pero hindi nya talaga mapilit ang sarili.
Dalawang beses na rin silang nagkita ni Sandy. Ang laki na ng inaaanak nyang si ZD, binata na. Ayaw na ngang magpa kiss sa cheek. Sekrito ang pagkikita nila. Personal nyang pinakiusapan si Sandy na huwag ipapaalam kay Dave na nandidito na sya sa Pilipinas. Naunawaan naman sya ng kaibigan.
Napag usapan nila ang mga buhay buhay. Sinabi nya dito kung saan sya nagtatrabaho at sinabi nya rin dito na nililigawan na naman sya ni Doc Richard. Nakita nyang natigilan si Sandy. Pinaalalahanan sya nito na huwag ng papasok agad sa relasyon na hindi nya sigurado. Alam kase ni Sandy ang pinagdaanan nya.
Pahapyaw na sinabi ni Sandy na may kanya kanyang team na daw pala ang special forces. Namumuno daw ang bawat isa sa kani kanilang team. Kapitan na daw pala ang pinaka gagong lalaking nakilala nya. Nag-a-assemble na lang daw ang dating grupo pag may matitindi at maseselang misyon na nangangailangan ng partisipasyon at expertise ng bawat isa. Agad nyang iniba ang usapan nilang iyon. Ayaw nya ng kahit na anong topic na may kinalaman sa pinaka gagong lalaking nakasalubong nya sa ibabaw ng mundo.
"Uy! Oras na ng pag papainom ng gamot ki Congressman! Nagdi daydream ka na naman!" mahinang turan ni Ana.
"Hindi pa no? May 5 minutes pa." aniya na agad na kinuha ang tray ng gamot. Naka assign ngayon sa kanya ang private suite kung saan naka confine ang isang Congressman na may katandaan na.
"Eh bakit nagmamadali ka?" panunukso ni Ana.
"Nanggugulat ka kase. Nakakainis to. Pagkatapos ko dun sabay na tayo mag lunch ha?"
"Hindi ba kayo magla lunch sa labas ni Doc."
"Shit ka! May makarinig sayo!" aniya na napalinga linga pa.
"Bakit? Alam naman nilang nabihag ng ganda mo si Doc Richard eh. Basta ako ki Doc Adrian, pero pwede naman si Doc Rico." anito na napapangiti pa at halatang nag iimagine.
"Ewan ko sayo! Dyan ka na nga! Baka mapagalitan pa ako ni Congressman. Hintayin mo ako ha? Sabay tayong mag lunch."
"Okay girl, go."
Pagkatapos nyang painumin ng gamot ang Congressman ay lumabas na sya. Kung ano ano kase ang sinasabi ng malanding Congressman sa kanya. Parang DOM lang. Ayaw nyang mag complain kay Richard. Ayaw nyang magpa special treatment dahil tiyak, ipu pull out sya nito kay Congressman. Ayaw nyang may masabi sa kanya ang mga kasamahan nya.
"Paging Doctor Velasco, paging Doctor Velasco, please proceed to the emergency room."
Narinig nya habang naglalakad sa hallway. Nakita nya rin na medyo nagkakagulo ang ilang hospital staff.
Nagtaka sya.
"Anong nangyari?" tanong nya kay Ana.
"You two, follow me!" si Doctor Velasco iyon na dumaan sa kanila ng may pagmamadali. Surgeon din ito at medyo senior na sa mga Doctors dito.

BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
ActionJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...