Chapter 56

16.7K 395 54
                                    

THIRD PERSON's POV

WEDDING DAY - Venue: Balesin Island [tsk tsk] -- Time of the wedding: 6PM.

"Pusang gala talaga! Hindi ko maintindihan kung bakit hindi kami pwedeng magkita ngayong araw na to bago ang kasal! Kung alam ko lang talaga na ganito ang kalakaran, hindi sana ako pumayag na gabi pa ang kasal. Sana pala kaninang ala una ng madaling araw na lang!" busangot ang mukha ni James.

Nagtawanan ang mag babarkada. Lalong inasar si James.

"Eh hindi ka nag obserba nung kasal ko eh! Yan din ang himutok ko diba?" natatawang komento ni Rock habang nilalagyan ng gel sa buhok ang anak nitong panganay na si Glec.

Hiwalay ang villa ng mga lalaki kasama ang groom at kasama naman ni Diane sa kabilang villa ng beach ang mga kababaihan.

"Hindi ko napansin yun eh. Malay ko ba kung may ganitong mga pamahiin." si James.

"Ano ba kasi ang problema mo? Oras lang hindi ka makapaghintay?! Tangina nito, atat masyado." si Mark.

"Oras? Sir naman, maghapon na ah! Eh madaling araw pa lang gising na ko eh!" patuloy na reklamo ni James.

"Huwag kang sinungaling! Hindi ka natulog! Tuwing maalimpungatan ako, gising ka at nakatunganga sa cellphone. Narinig ko pa nga na kausap mo si Diane eh. Niyayaya mo sa isang hiwalay na villa na kayo lang. Sabi mo pa nga, "babe hindi na ako sanay na hindi ka katabing matulog, parang awa mo na, lumabas ka na dyan lumipat na tayo ng hiwalay na villa. May pabulong bulong ka pang nalalaman na ungas ka." si Lance na natatawa pa rin.

Lalong inulan ng kantyaw si James.

"Sana ma-late ng mga tatlong araw yung paring magkakasal. Dumating na ba?" si Ram.

"Ulol! Nakita kong ibinaba na ng chopper kanina. Muntikan ko na ngang mayakap eh." sumasakay na lang si James.

"Alas singko na pala eh. Isang oras na lang." si Velez.

"Matagal pa yun! May mga naaagaw pang bride sa ganun! Kahit nasa simbahan na nga diba may naaagaw pa?" si Ryan lalong iniinis si James.

"At baka gwapong foreigner pa kamo ang makaagaw!" si Marco.

Napa dirty finger sign na lang si James.

"Ninong bat di mo kaya sigawan si Ninang Di? Papuntahin mo dito. Nasa katabing villa lang naman sila eh." suggestion ni ZD na matikas at binatang binata na kung titingnan.

"Bat kaya hindi mo kuhanin dun? Ikaw naman ang bestman ko diba?" ani James na inakbayan pa si ZD.

"Ako na lang, tito James. Magkikita kami ni Marielle ngayon eh." boluntaryo ni Glec.

"Utang na loob Bato! Mukhang uunahan pa ako ng anak mong to magpakasal ah!" natatawang turan ni James.

Biglang napatingin si Mark kay Rock.

"Bato..subukan mo lang! Subukan nyo lang na mag ama!" si Mark na si Rock ang pinagde diskitahan.

"Ako na naman! Hindi ko saklaw ang damdamin ng anak ko Sir! Huwag kang gumaganyan. Kung gusto nya si Marielle, bakit di natin sila hayaan. Total nasa tamang edad na rin naman sila."

Hindi napigilan ni Mark ang marahang pagmura.

"Tarantado ka talaga no?! Walong taong gulang pa lang ang anak ko! Yang anak mo
lang ang matanda, parang otsenta na nga kung magsalita eh." natatawang sagot ni Mark.

"Anong kaguluhan to?! Wala kayo sa gyera mga put..may bata pala!" si Dave na kapapasok lang. Karga ang bunsong anak nitong si Sarah kahit may kalakihan na.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon