THIRD PERSON'S POV
Sinundan si Diane ni Sandy at sinamahan sa isang guest room.
"Sandz, sana pala nagcelebrate na lang kami ni ZD ng kami lang. Kahit bukas sana pwede naman diba? Anyway, Sunday naman bukas, day off ko sana at walang pasok ang inaaanak ko. I shouldn't came here today." ani Diane na hindi na naman napigilang tumulo ang luha.
"Alam mo kung ano ang problema? You're letting James to get under your nerves. Shrugged him off just like what he's doing to you." si Sandy.
"I can't Sandz! You know, it's easy for him to do that because I'm nothing to him. I was just one of his toys, remember? I was just one of his bed-satisfiers! Sa part ko iba eh, he became my everything na kahit na alam ko ng pinaglalaruan nya lang ako, nagpakabulag pa rin ako dahil mahal ko sya. I cannot simply shrug him off dahil ang totoo, apektadong apektado pa rin ako. Akala ko maiiwasan ko sya dito eh, o kung magkikita naman kami, akala ko I can just brush him aside gaya ng payo mo pero hindi eh. Hindi pala because the truth is, I'm tearing apart and I can't hide it. I just can't." paghihinagpis ni Diane.
Niyakap ni Sandy si Diane. Awang awa ang una sa huli.
Samantala.
"Doc, alam mo parang may kamukha ka sa tao ko." si Gen. Aragon. Patungkol kay Don Jaime ang sinasabi nito.
"Alam mo General, I won't be surprised kung totoo nga ang sinasabi mong yan. Nagkalat ang gwapo sa AFP eh." biro ni Don Jaime.
"No..really, younger version mo sya and he looks exactly like you. I think he's also here."
Napakunot ang noo ni Don Jaime. Nagkatinginan ito at si Doc Richard na kumakain ng cake as dessert.
"Wait here Doc, I'll look for him. Ipapakilala ko sya sayo." ani Gen. Aragon na agad ding tumayo.
Napatingin na lang dito ang mga naiwan. Pinto patungo sa likod bahay ang tinutungo nito.
Sa likod-bahay masaya pa ring naglolokohan ang grupo.
"Capt. Chavez!" si Gen. Aragon.
"Tawag ka! Itigil mo muna yang paglaklak mo!" si Lance na pinapalitan si Mikay sa likod ng towel. Katatapos lang nitong palitan si Lingling.
Nabitin sa ere ang baso ng alak ni James. Agad itong matikas na napatayo habang nakatingin na kay Gen. Aragon.
"Sir!" ani James.
"Follow me Chavez!" ani Gen. Aragon at tumalikod na matapos tanguan ang tatay ni Diane na nakatingin din dito.
Nagkatinginan ang grupo.
"Patay ka James. Mukhang may emergency mission ka! Nawiwili ka na kase sa pamamahinga eh. Ginagawa mo na lang excuse yang tama mo sa tiyan eh matagal ng hilom yan." si Ryan.
"Ulol!" ani James bago sumunod kay Gen. Aragon.
Humantong si Gen. Aragon sa long table sa dining area.
Mabilisang in-scan ni James ang magkakaharap at napansin nito agad si Doc Richard na nakatingin din sa kanya.
Napakunot noo si James. Kumpirmado, si Doc Richard ang naghatid kay Diane. Nauwi din sa pagngisi na mapang asar ang pagkaka kunot ng noo nito habang nakatingin kay Richard.
"Ito Doc yung sinasabi ko sayong kamukha mo." ani Gen. Aragon sa lalaking matanda na nakatalikod sa kanila sa pagkakaupo.
"Yeah, I remember now! Tama ka dyan pare. In fact, kung natatandaan mo Chavez, minsan ko ng sinabi yan sayo noon na kamukha mo yung dating Commissioned Officer ng AFP na kilala ko." si Gen. Valencia.
Napalingon si Don Jaime at nagkatitigan sila ni James ng ilang sandali.
"Nawawala mo sigurong apo yan Doc." biro ni Gen. Valencia.
"Magkakilala ba kayo?" si Gen. Aragon.
"Magkakilala ba tayo?" tanong ni Don Jaime ki James.
Tumigas ang panga ni James. Hindi ito makasagot.
"Mukhang maglolo kayo eh. Magkamukha na nga kayo, Jaime at James pa ang mga pangalan ninyo." muling biro ni Gen. Valencia.
Parang walang anuman na ibinalik ni Don Jaime ang tingin kay Gen. Valencia.
"Tingnan mo tong lokong to. Akala ko ba medyo tumanda lang ang tingin mo sakin? Bakit sinasabi mo ngayon na apo ko tong James na to? si Don Jaime.
Natawa si Gen. Valencia.
"Sige mukhang anak mo pala Sir. Anak mo ba yan? Pamangkin?" si Gen. Valencia.
Muling binalingan ni Don Jaime si James. Matigas pa rin ang expression ng mukha ng huli.
"Admit to them that I am your father and I will tell them, you are my son." seryosong turan ni Don Jaime kay James.
Lalong tumigas ang expression ng mukha ni James. Pagkuwa'y may sumilay na mapangutyang ngiti sa mga labi nito.
"With due respect, Gen. Valencia and Gen. Aragon, Sir. I think the similarity is purely coincidental. Patay na po ang lolo ko at wala na po ang tatay ko. Nauna pa syang nawala sa nanay ko. Medyo lasing na po ako. Nagdidilim na ang paningin ko. Permission to leave Sir!" sabay saludo ni James.
Napatango na lang ang Ret. Gen. Valencia at si Gen. Aragon.
Umalis na si James. Palabas ng bahay ang direksiyon nito. Madilim na madilim ang mukha.
Samantala, kabababa lang ni Diane mula sa taas kasunod nito si Sandy. Sa unang pagkakataon nakita nyang napaka mapanganib ng hitsura ni James. Nagtatagisan ang bagang nito habang naglalakad. Nakakuyom pa ang mga kamay.
Hindi naiwasan ng dalaga na tawagin si James.
"James!"
Hindi man lang ito lumingon. Napatakbo si Diane at hinarangan ito. Naiwan si Sandy na nakatingin lang sa dalawa. Mukhang gulat din.
"James anong nangyari? Saan ka pupunta?" tanong ni Diane. Halos madikit na ang dalaga kay James.
"Get off my way or I will crush you out to death!" mahina subalit pinaka mapanganib na pagbabantang narinig ni Diane mula kay James.
Hindi ito pinagbigyan ni Diane. Nanatili ang dalaga na nakaharang sa dadaanan ni James.
Tinabig ito ni James at pwersahan dumaan. Bahagya pang nag-sway si Diane subalit humabol pa rin ito kay James na mas binilisan ang paglalakad. Nasa harap na sila ngayon ng bahay at papuntang parking area na si James.
"Diane! Saan kayo pupunta?" ang Mama ni Diane na nakitang magkasunod ang dalawa.
"Ma, nasa guest room yung bag ko. Nandodoon yung susi ng apartment. Doon na lang kayo tumuloy mamaya pagkatapos ng party. Dalhin mo na rin po yung bag ko at pakibigay kay ZD yung gift ko na nasa bag. Uuwi po ako ng mamaya." mabilisang bilin ni Diane sa nanay.
Naguguluhang napatango na lang ang Mama ni Diane.
Tumakbo na ang dalaga para mahabol si James. Pagbukas ng pinto sa bandang driver's seat ni James ay kasabay na binukasan ni Diane ang pintuan sa front seat at sumakay ang dalaga sabay buckle up.
"Baba!" sigaw ni James sa loob. Napataas pa ang dalawang balikat ni Diane dahil sa pagkagulat.
"Hindi ako bababa James. Sasama ako sayo ngayon kahit na saan ka pumunta. Alam ko, ako ang may kasalanan kung bakit nagkakaganyan ka ngayon." ani Diane.
"Gusto mong sumama sa impyerno?!" mabalasik ang tono ng pagkakatanong ni James.
"Kahit saan James!" sagot ni Diane na pinipigil ang mga luha.
"Tara!" nakangising usal ni James sabay paarangkada ng sasakyan.
Pati gwardya sa gate ay nataranta at nagmadaling binuksan ng maluwang ang gate.
Quick UD. Pampatulog. Night everyone!
BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
ActionJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...