Warning SSPPGG!
Wala silang kibuan habang nasa byahe. Halo halo ang nararamdaman nya. Kaba at, aaminin nya, excitement din. He missed this bastard so much. He is her only concept of a man, intimacywise, dahil wala naman syang nakarelasyon na ibang lalaki na maituturing nyang malaliman,
Mabilisang nag parked si James sa harap ng apartment nito at lumabas na ng sasakyan. Ni hindi man lang sya nito pinagbuksan, naglakad na ito papasok. Nanlulumo sya kaya hindi sya agad nakasunod dito.
Lumingon ito sa kanya na nakakunot-noo kaya bumaba na lang sya ng sasakyan. Kahit sa simpleng lingon at tingin nito ay napapasunod sya and once again, nagpapakatanga na naman sya. Ang problema, alam na alam naman nyang nagpapakabaliw na naman sya pero wala syang lakas ng loob na kontrahin ang bahagi ng utak nyang palyado.
Hinintay naman sya ng gago bago muling naglakad. Medyo pinauna pa nga sya nito.
Halos walang nagbago sa labas ng apartment ni James. Building iyon na dalawang palapag. Limang units sa baba at limang units naman sa taas. Bali sampong pinto ang paupahan at nasa pangalawang palapag si James.
Walang imik na umakyat sila ng hagdan. Sya pa rin ang nauna.
"Uy James, galing dito si Elisse kanina. Sarado yang unit mo, di ko naman alam kung anong oras ka darating. Hindi mo naman iniwan yung susi sakin kaya sabi ko sa kanya bumalik na lang bukas." anang isang middle-aged woman na pababa din sa hagdan, nakasalubong nila. Hindi familiar sa kanya ang mukha.
Alam nya, babae na naman ni James ang Elisse na yun at mukhang sanay na sanay na ang kapitbahay na ito na may nakikitang iba't ibang babae sa unit ni James. Kahit nga andidito sya ngayon, hindi man lang nangiming magbanggit ng ibang babae. Sabagay, malamang ang tingin sa kanya ng kapitbahay na ito ay isa rin sa mga babae ni James at malamang ay walang pakialam ang babaeng ito kung kani kanino nauugnay si James.
"Si Elisse? Nasa byahe papuntang US yun eh. Sa isang linggo pa ang balik nun." ani James.
Nagpipigil lang sya pero gusto na nyang manampal sa inis.
"Elisse ba ang nasabi ko? Si Danica pala ang tinutukoy ko. Pasensya na at nalito ako. Pareho kaseng flight stewardess yung dalawa eh. Eh itong kasama mo ngayon? Huwag mong sabihing flight stewardess din to? Magtatayo ka ba ng airline?" tanong pa ng matanda na naiiling.
Inakbayan sya ni James.
"Ito ang piloto ng eroplano ko Manang." ani James na nakangisi.
Tiningnan sya ni Manang mula ulo hanggang paa at pabalik at napangiti ito.
"Tingin ko, dahil sa babaeng to, magkaka direksiyon na ang byahe ng buhay mo." ani Manang.
"Dami mong alam Manang!" natatawang usal ni James. Iginiya na sya nito paakyat.
"James, bibihira akong sumablay sa kutob ko. Alam mo yan." pahabol ng babae.
"Sige Manang, unang sakay mo sa eroplano namin nitong piloto ko, libre ka pati yung aso mo." sagot ni James.
Nang naglalakad na sila sa pasilyo ay tinabig nya ang kamay ni James na nakaakbay sa balikat nya at padabog na nagpatiuna.
Naghintay sya sa pinto ng unit nito na sarado. Paglapit ni James ay agad naman nitong binuksan ang pinto at pinauna syang pumasok.
"Liliwanag..." naputol ang sinasabi nya dahil may nakita syang naka sampay na red-bra sa sofa.
Binalewala nya iyon at nagpatuloy sa sinasabi.
"Liliwanagin ko lang na mag uusap lang tayo ngayong.."
"Holy fuck! I missed everything about you, Di!"

BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
ActionJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...