Isang Linggo na ang nakakalipas.
Hindi pa rin makahanap ng timing si Diane. Pumapasok na sya sa mansiyon at si James, dahil nakabakasyon ng dalawang linggo, ay sa apartment na nya tumatambay. Napipilitan tuloy syang umuwi gabi gabi. Pero echos lang nya dahil ang totoo, gustong gusto nya rin.
Naiinis si Madam Myrna sa pag uwi uwi nya pero dahil pumapayag si Don Jaime ay binabalewala na lang nya ito. Anyway, wala na rin naman syang gagawin dahil after 10 o'clock ay tapos na ang trabaho nya.
Sinusundo sya ni James sa labas ng gate ng subdivision pag out na nya at ihinahatid sya nito bago mag alas sais ng umaga.
Last weekend ay nagtipon tipon sila sa bahay nila Dave at naging tampulan sila ng umaatikabong kantyawan. Napipikon na nga si James na kinakalma na lang nya.
Naalala nya ang naging get together nila. Pati si Rock at si Paulene ay nakigulo via Facetime.
"Akalain mo nga naman James no? Nalusutan ka ni Di? Samantalang 1/1 ang vision mo! Kahit gumagapang na langgam nga sa dilim ay nakikita mo diba? Ano ang nangyari??" pang aasar ni Rock.
"Ulol! Sadyang nabubulag lang talaga ang mga mata ko sa magaganda! Tingnan mo ikaw, ampanget mo, kahit nasa ilalim ka ng hukay, hindi ka makakalusot sa mata ko!" si James.
"Magaganda? Di, hindi ka lang pala nag iisa! Marami kayo!" si Lance.
"Alam ko naman yun Lance eh." pakikisakay nya.
"Umuwi na tayo Di. Pag nagtagal pa tayo dito, aawayin mo na naman ako mamaya sa bahay." si James.
"Ha ha! Takot na takot ka eh no?" si Mark.
"Wow! Nagsalita ang tigasin! Hiyang hiya naman ako sayo Sir!" pang aasar din ni James.
"Bakit? May sinabi ba kong hindi ako takot? Komento ko lang yun, gago! Diba babes?" ani Mark sabay akbay kay Ethel. Humilig naman dito si Ethel na ang tamis ng ngiti.
"Hon may sasabihin ka?" malambing na tanong ni Sandy kay Dave.
"Wala sweetheart! Tinatamad kaya akong magsalita! Si Rye, baka meron! Tanungin mo kaya Marl?" ani Dave.
Agad namang nilingon ni Marl ang asawa. Nakataas pa ang kilay ng napakagandang tsinita.
"Tigilan nyo ko dyan ha? Nananahimik ako dito. Mababawasan na naman ang allowance ko nito eh. Ikaw Lance? Naalala ko may sinabi kang pag galit ka na, tumitigil na si Aileen." natatawang wika ni Ryan.
"Tarantado ka, huwag kang imbento. Lahat ng sinasabi ni misis tama kaya dapat lang na manahimik ako. Ang sabihin nyo itong si Rock..."
"Mga tol, paubos na yung load namin. Pano? Next time na lang ulit?" ani Rock.
Nagtawanan ang lahat.
"Pwera biro, bakit naman sumunod ka Di hanggang sa battle field? Nalula ako sa kapangahasan na ginawa mo." si Rock na naiiling sabay lagok sa hawak nitong goblet na may lamang alak. Pati si Paulene ay napalapit sa monitor.
"Oo nga, ako dating taga law enforcement pero hindi ko nagawa yun. Well, I didn't have much choice then dahil nasa malalayong sulok ng mundo ang mga misyon nitong jowa ko." sabay yakap ni Paulene sa leeg ni Rock.
"At hindi pa kamo yun! Ang malupit, si Di walang tama, si James may tama sa balikat! Tangina! Magpalit na kaya kayo? Ikaw na lang ang mag nurse James at ikaw Di, sumabak ka sa Syria." si Ram.
"Bunganga mo naman! Eh yang sugat mo nga sa tagiliran mas malaki pa sayo samantalang nakatago ka na sa assault vehicle! Yung sasakyan nga walang gasgas, parang brand new pa rin. Mas nag iisip pa kaysa sayo yung sasakyan ah! At least ako may nurse na nag aalaga, eh ikaw kaya? Si Aling Miling na naman na kapitbahay nyo? Sabi ko kasi sayo pakasalan mo na yun eh." ani James.

BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
AcciónJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...