Chapter 5

11.1K 325 7
                                        

Tiningnan nya ulit si James. Parang pumutla lalo ito.

Nakapag desisyon syang huwag ng hintayin sila Sandy.

Umalis sya sa tabi ni James. Pumunta sya mismo ng blood bank ng hospital. Gusto nyang masalinan na agad ng dugo si James. Naba bother sya sa pamumutla nito. Magtatanong sya kung may available na pwedeng isalin kay James. Ang tagal naman kaseng bumalik ni Doctor Velasco.

Matapos sabihin ang pakay sa nagbabantay sa blood bank ay naghintay sya. Gusto nyang malaman kaagad.

"Sir pakibilisan naman po oh. Namumutla na yung sasalinan ng dugo." gusto na nya ring makabalik sa tabi ni James. Baka magising na ito.

"Meron tayong stock dito pero 300cc na lang yata to Ms. Lorenzo. Gaano ba karami ang kailangan?"

"Pwede na yan. Paki charge na lang po saakin Sir. Thank you." aniya.

Pagkatapos mag signature sa papel na inabot ng blood bank custodian ay nagmamadali na syang bumalik sa emergency room. Halos takbuhin nya ang pasilyo.

"Diane, pakitingnan nung pasyente sa room Z10 wala yung naka assign na nurse sa room na yun, nasa emergency room yata." iyon ang sabi sa kanya ng head nurse nila na nasa nurse station.

"Ha? Ah eh Ma'am..." nalilitong sagot nya.

"Kaninong dugo ba yan?" anito na nakatingin sa dala nya.

"Kay..ah..sa isang pasyente po na nasa emergency room Ma'am." yun na lang ang nasabi nya.

"Okay, sige tumuloy ka na. Ako na lang ang titingin sa Z10." anito.

"Maraming salamat po Ma'am." very grateful sya sa head nurse nila for the very first time.

"Wait! Madadaanan mo naman yung lab diba? Pakidaan na lang tong mga urine samples doon. Hinihintay na to ng med tech natin."

"Si..sige po Ma'am." agad nyang sinimsim ang apat na sealed na lalagyan ng ihi at naiinis na sya.

Nagmamadaling tinungo nya ang lab.

Itinulak nya agad ang pinto.

"Urine samples. Pinabibigay ni chief." aniya.

"You look worried Ms. Diane.." anang med tech.

Napangiti lang sya ng hilaw at lumabas na. Hindi lang sya worried bwisit na sya at lalong wala na syang panahon na makipag usap.

Papasok na sya ng emergency room ay nakasalubong nya ang inilalabas na natatakpan ng puting kumot.

Nilagpasan nya iyon at agad na tinungo ang direksiyon na kinahihigaan ni James.

Nanlaki ang mga mata nya. Nabitawan pa nya ang isang bag na dugo. Wala kase si James sa kama.

"Oh my God! Nooo!! Noooo!!" sigaw nya.

Lumapit agad sa kanya si Ana subalit tinabig nya ang mga kamay nito.

Tinakbo nya ang inilabas na natatakpan ng kumot.

Naitulak pa nga yata niya ang hospital attendant na tumutulak sa stretcher. Alam nya papuntang morgue na iyon.

Luhaan na sya at tuluyan ng napahagulgol habang yakap ang nababalutan ng kumot.

"James I hate you! Habang buhay akong magagalit sayo! Tandaan mo yan! Huwag ka sanang patahimikin ng konsensya moooo!" wala na syang pakialam kung may mga nakakarinig ng paghihinagpis nya.

"Ma'am.." ang hospital attendant.

"Kuya please, ako na ang bahala dito...bumalik ka na sa loob." aniyang humihikbi.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon