THIRD PERSON's POV
Isa isang nagsisiakyatan na ang mga sundalo sa mga C130 na naghihintay upang ibalik sila sa Villamor airbase.
Sumakay si Mark at si Dave sa unang C130 kaya ang company ni James ang kasama nila. Pati ang ilang high ranking officials ay doon na rin sumakay dahil iyon nga ang eroplanong mauuna. Naka pwesto na ang mga ito samantalang si Mark at si Dave na kapapasok lang ay naghahanap ng mauupuan.
Nakita ng dalawa si James na nasa pinakadulo ng eroplano nakaupo kausap ang isang sundalo na nakayuko.
"Chavez! Anong ginagawa mo dyan sa may CR? May LBM ka ba?" sigaw ni Mark.
"Wala ng upuan dyan sa unahan Sir!" sagot ni James.
"May bakante pa ba dyan??" tanong ni Mark.
"Wala na Sir! Ipit na ipit na nga ang itlog ko dito eh!" loko ni James kaya nagtawanan ang ilang nakarinig.
"De bale, ipitin natin lalo para hindi na mapakinabangan yan! Tara Sir dun na tayo sa dulo. Mukhang may bakante pa dun." si Mark.
Sumunod naman si Dave.
"Dito Sir oh! Dun na kami sa dulo." offer ng dalawang sundalo.
"Hindi na, dun na kami." si Dave.
Naging uneasy lalo si James at si Diane.
"Simple ka lang. Hindi ka ibubuko ng dalawang yan." bulong ni James kay Diane na syang nasa pinaka dulo.
Naunang nakalapit si Mark. Dahil nosy ay sinipat nito si Diane.
"Dia.." hindi na nito natapos ang sinasabi na medyo malakas dahil sa pagkabigla. Pasimpleng sinipa kasi ni James ang kanang paa nito.
Napatingin sa kanila ang ilang sundalo.
"Daya mong loko ka! Ba't iniwanan mo yung ibang kagamitan nyo?!" kunwari galit si Mark pero kay Diane pa rin nakatingin na hindi makapaniwala.
"Nakalimutan ko Sir, sorry!" ani James sabay pasimpleng sumenyas kay Mark.
"Sir, mabaho dito dun na lang tayo sa unahan malapit sa cockpit." si Mark na nakuha ang senyas ni James.
Napatingin si Dave kay James at pagkuwa'y sa katabi nito na medyo matagal na tinitigan.
Bago sumunod si Dave kay Mark ay lumingon ulit ito kay James.
"Imbitado ka ni Sandy sa bahay bukas ng gabi. Isama mo Diane! May pag uusapan kayo!" naiiling na wika ni Dave bago sumunod kay Mark.
Masayang malungkot ang pagsalubong sa mga dumating mula sa gyera. Maituturing na napakatagumpay ng misyon subalit hindi maiaalis ang lungkot dahil sa mga nagbuwis ng buhay.
Mahigit dalawampo ang napatay sa pwersa ng gobyerno at mahigit limampo ang sugatan samantalang lagpas libo ang napatay sa rebeldeng grupo kasama na ang mga leaders. Pinaka madugong gyera sa kasaysayan [charot lang ha? Dito man lang, mapuksa ang mga yan].
Tanging si Mark at si Dave lang ang nakapansin kay Diane sa grupo.
DIANE's POV
Tumuloy sila sa kanyang apartment. Mas mapalit kasi iyon sa airport kumpara sa Apartmen ni James.
Nagising si James ng huwebes ng umaga dahil sa ingay ng cellphone nya. Nakasimangot at nakapikit pa ang mata na niyakap sya nito. Napapikit sya. It's really heaven in his arms.
"James. Tumatawag si Don Jaime. Kailangan ko ng pumasok ngayon. Baka magtaka na yun. Ang akala nya kahapon pa ko nakabalik."
"Walang papasok.." paungol na wika ni James. Lalo lang humigpit ang yakap nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/80517317-288-k432483.jpg)
BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
AçãoJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...