Chapter 38

8.8K 289 25
                                        

DIANE's POV

Wala bang menor-de-edad sa paligid?" agad na bungad ni James.

"Wala nasa taas na yung mga bata." si Dave ang sumagot.

"What the fuck, men! Kahapon ko lang nalaman na tong mga gago din palang to ang mamumuno ng ibang companies! Kahapon lang ibinalita saakin ni Col. Ramirez! Sir naman bakit hindi nyo man lang ako tenext?!" malakas na wika ni James.

Napapikit sya ng mariin. Gusto nyang sumilip pero di nya magawa.

"Ulol! Wala kang cellphone!" natatawang sagot ni Mark.

"Oo nga pala. Pero tumawag si Col. Saavedra sa headquarters nung isang araw para sa get together na to eh. Hindi man lang nabanggit. Kumusta na mga motherfuckers?? Pano kita kita na lang tayo nito sa entrance ng impyerno? Walang gulangan ha? Kung sinoman ang makikita nyong umiiba ng direksiyon, hilahin pababa, tayo tayo lang naman eh magpapanggap pa ba tayo?" si James.

Tawanan ang grupo.

"Paano kong sasabihin sayo eh takot ako sa CO mo. Baka isipin nun inunahan ko sya sa pagbabalita. May pag galang naman ako sa nakakatanda kahit papano. Kumain ka na ba? Ang akala namin mamayang madaling araw ka pa darating ng Manila. Nasaan na yung mga tao mo?" si Dave.

"Nasa kampo na Sir. Kanina pa kami dumating, mga bandang alas sais ng hapon. Pinagpapalo ko muna ng rifle sa ulo yung mga tao ko para makatulog agad na hindi dumaan ng antok. Gusto kong uminom magdamag eh. Baon man lang..malay natin diba? Huling lagok na natin? Kailangang namnamin." muling loko ni James.

Gustong gusto na nyang lumabas at pagsasampalin ito dahil sa mga sinasabi nito. Parang aatekehin na kasi sya sa puso sa loob ng kwartong ito sa takot na baumabalot at sa alalahanin para sa gyerang susuungan ni James lalo pa't ang grupo daw nito ang malalagay sa alanganin.

"Kumain ka na nga muna James." si Dave.

"Bakit ba ang tatahimik ng mga to Sir? Nasaan na ang mga asawa nyo? Iniwanan na kayo no?" si James.

"Gago! Nasa labas, buti hindi ka nakita? Natig isahan ka sana ng batok." si Lance.

"Lance.." si Dave. Makahulugan ang tingin nito kay Lance.

"Bakit na naman? May kasalanan ba ako sa kanila? Nakakapag abot naman ako tuwing birthday ng mga inaanak ko ah?" loko ni James.

"Namiss ka lang nila. Ganun ang mga yun eh, nambabatok pag may nami miss." si Lance.

"Ulol! May pagkain pa ba Sir? Gutom na nga ako." si James.

"Pumasok ka na sa kumedor at may natitira pa namang tig iisang piraso ng ulam." biro ni Dave.

"Kayo? Tara! Huwag na kayong mahiya." ani James na masiglang masigla pa rin.

"Tapos na kami. Sige na kumain ka na at ng hindi masyadong naluwag yang turnilyo dyan sa utak mo. Naghihintay na yung paborito mong alak kaya bilisan mo dyan." si Mark.

"Anak ng...mukhang special yata ako ngayon ah! Last hurrah ko na ba talaga to?" loko pa ni James.

"James pumasok ka na sa loob! Dami mong sinasabi! Baka gusto mong ako na mismo ang pumatay sayo ngayon dito!" mukhang napipikon na si Dave. Kanina pa kasi halata ang pag aalala nito kay James tapos kung ano anong kalokohan pa ang sinasabi ng kumag.

"Bakit ba napaka seseryoso nyo? At bakit kaya parang lately ay ambibilis mapikon ng mga taong nakakasalamuha ko? Makakain na nga lang." ngingisi ngising usal ni James.

"Buti pa nga." si Ram.

"Sigurado kayong kumain na nga kayo?"

"Sama na ako sayo pare. Gutom na naman ako eh." si Marco.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon