DIANE's POV
Napatingin sa gawi nila ang isang sundalo sa unahan na narinig nyang tinawag na Doc kanina. Agad nyang pasimpleng itinaas ang mask nya. Blessing in disguise na rin ang pagkakaroon ng asthma ni Lt. Irene, for one, nakasama sya dahil inatake ito at pangalawa ay hindi na nya kailangang magtago masyado ng mukha dahil bago sya umalis sa barracks ay inabot nito sa kamay nya ang face mask na matatakpan mula ilong pababa ng mukha. Allergic daw kase ito sa alikabok at sanay na daw ang mga kasama nito na laging naka face mask tuwing sumasabak sa misyon.
"Nakatingin satin si Doc! Baka narinig yung biruan natin." anang katabi nya na mas hininaan ang boses.
"Ikaw kaya yung unang nagsabi na napatay si Capt. Arevalo. Sumakay lang ako! Pag pinarusahan tayo nyan sinasabi ko sayo, tatarakan kita ng morphine sa mata!" medyo mahinang reklamo ng isa.
"Ikaw kaya ang nagsabi na napatay sa crossfire! Tampalin kita dyan eh!" anang isa.
Parang gusto nyang sya na ang tumampal sa dalawang sira ulong to ng sabay. Isusumbong nya ang mga gagong to kay Ram. Gawan ba naman ng kwento? Okay lang naman yung pagjo joke, kaso wala sa lugar eh. Pero at least medyo gumaan ang pakiramdam nya.
"Eh sa naiinis ako sa kapitan na yun eh. Naalala mo nung sya yung na assign na mag training saatin? Pina crawl kaya ako nun sa putikan na may mga tae pa yata ng kambing tapos umangat lang ako ng kunti pinabalik ako sa pinaka simula!"
"Ang sabihin mo naiinis ka sa kanya dahil type sya ng chicks mo! Hindi basta basta mamamatay yun si Capt. Arevalo. Mabangis din yun eh. Isa pa, medyo safe yung sinakyan na assault vehicle nun -- naka amphibious na tangke kaya sila. Ang delikado ang kalagayan ayun sa narinig ko ay yung company talaga ni Capt. Chavez. Nakapasok lang daw yung company nila malapit na sa pinaka kota tapos dahil overwhelming yung dami ng kalaban ay parang nakulong daw sila. Na cut yung supply ng ammo at pati reinforcement ng ibang company ay hindi makasunod dahil malulupit daw ang gamit ng kalaban. Umuulan daw ng RPG, mortar at sangkatibang sniper daw ang nai deploy not to mention yung sandamukal na ground forces nila. Yung isang blackhawk nga daw bagsak na. Nadali ng RPG. Kaya nga delikado tayo eh. Medics lang tayo pero tsong, doon tayo mismo dadalhin ng putragis na chopper na to bumabagyo ng bala! Nag iwan ka ba ng death letter?"
"Gago ka, kanina pa ko dinadaga! Tumigil ka na! Nakatingin na naman dito si Doc!"
Kinakabahan ba sya para sa sarili nya? Oo siguro. Ang lakas ng tibok ng puso nya eh. Pero hindi sya nagsisisi. Buhay rin naman nya ang pupuntahan nya. Mahal na mahal nya si James at mas mamamatay lang yata sya sa nerbiyos kung patuloy syang maghihintay lang ng balita tungkol dito.
"Pero bilib pa rin ako sa tapang talaga ni Capt. Chavez. Sabagay sya naman talaga at yung company nya ang eksperto sa masusukal na kagubatan eh. Sa dami ng kalaban, inabutan na ng gabi ang bakbakan, at kinukulang pa sila sa ammo pero kukunti pa lang ang nalagas sa company nya? Napakalupit! Pupusta ako, marami ng nagkalat na bangkay sa parte ng kapaban." hirit pa ng isa.
Napapikit na lang sya. Lalo syang kinabahan. Nag usal na naman sya ng isang tahimik na panalangin.
Hindi pa rin nawawala ang kaba nya.
Napatingin sya sa baba. Parang naaninag nya ang malawak na karagatan. Ibig palang sabihin tama yung narinig nya na sa isla ng Sulu ang misyon. Kaya pala may mga gamit na amphibious assault vehicles daw.
"Irene ikaw kinakabahan ka ba? First time natin tong ma assign sa ganito katinding gyera." baling sa kanya ng isa na ikinagulat nya.
"Oo." tipid na sagot nya.
"Mabuti naman at medyo makapal yang gamit mong mask. Kung yung dati mong ginagamit yan naku papasukin tiyak ng usok at pulbora." natatawang wika ng isa.
BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
AcciónJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...