DIANE's POV
Two weeks later.
Hindi nya alam kung ano na ang kasalukuyang estado ng puso nya ngayon. Nakakasawa din pala ang pag iyak, nakakamanhid din pala ang sakit. Hungkag ang pakiramdam nya pero manhid na ang puso nya. Ayaw na nyang lumaban dahil sya mismo, naaawa na sya sa sarili nya.
Bumalik na sya sa mansiyon at nagpatuloy sa paninilbihan kay Don Jaime bilang private nurse nito.
Ang hirap lang dahil kahit dito ay kailangan nyang mag pretend. Sa bahay nga nila sa Pampanga, kun todo pretend na sya lalo na dito na nandidito ang trabaho nya. Bawat minuto yata ay binubulungan nya ang sarili nya na life must go on because life is not all about James. She has her own life to live and definitely James has his own. Sana lang, ipinagdarasal nya na sana, matutununan din ni James na i-welcome ang responsibilidad nito bilang tatay sa paparating na anak. Every child deserves a good father sana gumawa ng paraan ang Diyos na magising si James sa mali nitong paniniwala. Hindi man naging happy ang ending nila ni James, sana naman may sumayang nilalang sa choice na pinili nito.
Mabuti na lang talaga at naging maayos ang muling pagtanggap sa kanya sa mansyon na ito. Pati si Madam Myrna ay himalang naging magiliw na naman sa kanya. Hindi nya rin maintindihan ang isang ito. The last time na nagpaalam syang magbibitiw sa trabaho ay sinabi nitong hindi nya daw deserve si Richard pero ngayon ay mukhang itinutulak na naman sya nito sa binatang doctor na walang palya sa pagbibisita sa kanya tuwing free time nito.
Hindi nagbabanggit si Richard ng tungkol sa panliligaw pero halatang muling nanunuyo ito. Kaya nga dahil wala syang personal na mapagsabihan ng problema ay nasabi nya dito tuluyang pagtatapos ng namamagitan sa kanila ni James. Bukod kay Sandy na nakakausap nya lang sa cellphone ay ito lang ang taong napag hihingahan nya ng sama ng loob.
Natutulala na naman sya. Oras na pala para painumin ng gamot si Don Jaime. Pumasok sya sa kwarto nito.
"Don Jaime, oras na po para uminom ng gamot." aniya.
"Akina, at umupo ka muna dyan may pag uusapan tayo." seryosong wika nito.
May pagtatakang naupo sya sa sofa na malapit sa kama ni Don Jaime.
"Diane, kumusta na kayo ni Richard?" panimula ni Don Jaime.
"Maayos naman po Don Jaime. Magkaibigan pa rin po kami."
"Pero nanliligaw sya sayo diba?"
"Ha? Ah eh..hindi na po. Wala na po kaming napag uusapan tungkol doon."
"Pero alam mong gusto ka ni Richard."
Hindi sya nakaimik.
"You know Diane, Richard is such a good kid way back then and he grew up a good man gaya ng inaasahan ko. Teenager pa lang ay lagi na sya sa bahay na ito. Itinuring ko na syang anak kahit hindi ko sya kadugo dahil mabuti syang tao. Alam nya kung ano ang makakabuti sa kanya kaya sinusunod nya ang mga gusto ko na para din naman sa kabutihan nya. Nung sinabi kong mag doctor sya, nag doctor sya regardless kung ano ang preference nya and mind you, he performed well. Wala yata syang papasukan na hindi sya mag-e-excel eh. Nung sinabi kong mag resign sya sa dati nyang trabaho at tulungan nya si Nikka para itayo ang hospital, nag resign sya and look at my hospital now. It's soaring high in the medical industry. Part of it is because of Richard. Kung pwede lang akong humiling na sya na lang ang naging anak ko, ginawa ko na. But then again, life won't reward you everything that you want..."
Nalilito na sya kung saan papunta ang sinasabi ni Don Jaime. Hindi sya pwedeng sumabat dahil hindi nya rin naman alam kung ano ang sasabihin nya.
"Diane, I will no longer impose upon Richard of anything dahil sa tingin ko, nagiging unfair na ako sa kanya. Hindi ko na sasabihin sa kanya na i-pursue ka nya ng todo dahil ikaw ang nararapat sa kanya...that would be too much.."
BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
AçãoJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...