Chapter 30

10.7K 316 40
                                    

JAMES' POV....teka...THIRD PERSON NA LANG...lol!

Sakay ng chopper ay malalim ang iniisip ni James. Ni hindi na nga ito naglagay ng headphone para iwasan ang malakas na tunog ng makina ng helicopter. Sabagay, sanay na sanay na naman ito sa mga ganito. Kadalasan nga sa military chopper ay walang isinusuot ang mga sundalo na ganun. Tanging ang piloto lamang. Hindi na rin ito nag abalang mag buckle up.

"Sir! Saan po tayo?" sigaw ng piloto. [Ayan kase! Hindi magsuot ng headphone! Nyemas! - mura ni author]

Napatingin dito si James.

"May helipad ba sa bahay ni Don Jaime?" sagot na pasigaw din ni James.

"Meron Sir!"

"Doon tayo dederitso!"

"Okay Sir!"

Ilang minuto lang ay lumapag na ang chopper sa helipad na pwede ngang kumasya ang kahit na tatlong choppers. Masyadong malawak ang roof top.

Ilang beses na humugot ng malalalim na paghinga si James pagkababa ng helicopter.

Pagkuwa'y binalingan nito ang piloto. Nasa loob pa ito ng chopper at may mga pinipindot pa sa control.

"Pare familiar ka ba sa loob ng bahay na to?" tanong ni James.

"Hindi naman familiar pero nakapasok na ako Sir mga 6 times ba yata. Bakit po Sir?" anang piloto.

"Pwede mo ba kong samahan sa loob? Hindi ko kabisado ang daan nito pababa eh? Masyadong malawak ang bahay na to baka maligaw ako sa loob. First time kong makarating dito." ani James.

"First time? Eh Sir, sabi ni Dir. Nikka anak daw kayo ni Don Ja..."

Natigil ang piloto sa pagsasalita ng kumunot ang noo ni James na mukhang iritado.

"Sige sasamahan kita sa loob Sir." nagmamadaling bumaba ang piloto sa chopper.

"Maraming salamat pare." ani James.

"Walang anuman Sir." sagot ng piloto.

Pag bungad ng dalawa sa sala ay inabutan ng mga ito ang isang matandang babae na inaayos ang center table.

"Capt. Demetrio, sinong yang kasama mo?" anang matandang babae.

"Si Capt. James Chavez aling Martha." sagot ng piloto.

Namilog ang mga mata ni Aling Martha. Agad na lumapit ito sa dalawa.

Hinaplos pa si James sa braso na parang namamangha.

"James..ikaw ang anak ni Agnes??"

"Opo.." magalang na sagot ni James.

"Diyos ko ang laki mo ng bata ka at ang gwapo mo! Kamukhang kamukha mo ang tatay mo! Alam mo bang ako ang nag alaga sayo ng ilang buwan bago kayo...bago kayo..."

"Maraming salamat po aling Martha sa pag aalaga nyo sakin." agaw ni James sa sinasabi nito dahil hindi na maderitso ng matanda.

"Teka..nagmeryenda na ba kayo?? Edith! Maghanda ka nga ng meryenda para sa dalaw..."

"Huwag na po Aling Martha. Nagmamadali po ako eh. Gusto ko lang makausap si...si.." si James naman ngayon ang hindi maideritso ang sinasabi.

"Ang Daddy mo? Teka at pupuntahan ko sa kwarto nya. Maupo lang muna kayo dyan." ani Aling Martha.

"Sige po, maraming salamat po." hindi na maka reklamo si James.

Naupo na nga ang dalawa sa napakahabang sofa.

"Sir, baka personal ang ipapakipag usap nyo kay Don Jaime. Maaari na ba akong umakyat sa roof top? Doon ko na lang kayo hihintayin just incase you need a lift going to the hospital."

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon