Chapter 4

12.1K 347 10
                                        

Agad namang nakasunod si Ana kay Doctor Velasco. Worried marahil ito dahil nakita syang umiiyak.

"Ikaw na lang ang mag assist Ana kay Doc. May kukuhanin lang ako sa labas." pagdadahilan nya.

"Don't leave me please." hawak ni James ang kanang kamay nya.

Nagsusumamo ang mga mata nito.

"You're unfair, James!" aniya. Hindi na nya iniintindi ang presence ni Doc at ni Ana.

"But you'll stay?" ani James.

Ilang saglit silang nagtitigan. Nagsusumamo ang mga mata ni James.

"Fine. I'll stay.." iyon na lang ang nasabi nya sa mahinang tinig.

"Hanep ang drama namin Doc no? Gustong gusto ng syota kong to ang mga ganitong eksena." natatawa pang turan ni James. Hindi nito binibitawan ang kamay nya. Nasa may bandang ulunan na sya nito.

"Will you please just shut up!" angil na lang nya. Biglang nahiya sya sa dalawa nakatingin. Si Ana nga medyo nanunudyo ang mga mata.

"Captain, bakit ba ang tatapang nyong mga sundalo? Ginagawa nyong biro ang pakikipaglaro sa kamatayan. Malalim tong tama mo ah pero kung ituring mo parang kagat ng lamok lang. Sabi ni corporal Sanchez, nasaksak ka daw dahil pilit mo syang iniligtas nung na corner sya ng limang bandido. Hindi nga daw sya makapaniwala na saksak lang ang tinamo mo. Wala syang ibang bukam-bibig kundi ang katapangan at bagsik mo sa combat. Hindi daw biro ang napatay mong kalaban." anang Doctor.

Napahigpit ang pagkakapisil nya sa kamay ni James. Naiimagine nya ang pinagdaanang hirap nito at binabalot ng di matatawarang takot ang puso nya.

"Nakukuha naman sa dasal at pakiusap sa taas ang lahat Doc. Sabi nga, if God is with us, who the fuck could be on theirs? Napuruhan sila eh."

"If God is with us, who can be against us! Imbento ka naman Captain!" Si Anna.

"Binago na yan. Magbasa ka ng bagong bibliya."

Sabay pang tumawa si Doc at si Ana. Samantala sya, lalong nabwisit sa lalaking ito. Masama na nga ang tama, puro pa katarantaduhan ang sinasabi. Pinisil nya ng mariin ang kamay nito at hindi nya itinago ang inis sa mukha nya ng tingalain sya nito.

"Joke lang ni Corporal yun. Kunti lang naman ang napatay ko at tinitiyak ko sayo, wala kang kamag anak kahit na isa doon, Di." parang nagpapaliwanag ito sa kanya.

Binalewala na nya ang kalokohan nito. Ayaw na nyang kausapin ito.

"Doc kailangan po bang salinan ng dugo?" baling nya kay Doc Velasco.

"Kailangan. Teka Capt., alam na ba ng kapamily.." hindi na natapos ni Doctor Velasco ang sinasabi.

"Doc, maraming mapagkukuhanan ng dugo na pang salin. Tatawagan ko ang mga dating ka grupo ko. Ito si Di, tatawagan nya, mga kaibigan nya rin yun." agaw ni James sa sinasabi ng Doctor.

"Okay. For the meantime, ayusin na muna natin tong sugat mo." ani Doc.

Pagkalipas ng mahabang sandali ay..

"Medyo fatal ang tama mo Kapitan. Malalim lang at medyo masama ang injury sa loob. Mabuti na lang at walang tinamaang vital organs. Sa ngayon, kailangan mo na talagang masalinan ng dugo. Marami ang nawala sayo." ani Doc.

Bumalik na naman ang kaba nya.

"Doc, baka po matched ang dugo ko kay Capt. Cha..." hindi na natapos ang sinasabi nya.

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon