Chapter 22

11.4K 346 31
                                        

Malakas ang kutob nya, pupunta si James. Earlier, the way he kissed her in that training field, she was able to sense na miss na miss na rin sya nito.

Kahit medyo exhausted sya sa maghapong pag sama kay Don Jaime ay naligo pa rin sya. Matapos kuhanan ng BP ang matanda na regular nyang ginagawa ay bumalik na sya ng kwarto. Inayos nya iyon para kay James. Of course, hindi sya matutulog dito dahil ayaw nya ng eskandalo. Pero kunwari lang yun. Ano ba tong ginagawa nya? Malanding malandi na talaga ang peg nya.

Nakausap na nya si Nikka kanina at sinabi nya ditong baka pumunta nga si James. Sinabi nito na kung sakaling papayag si James na dito matulog ay pwede daw syang makitulog muna sa kwarto nito kung ayaw nyang matulog sa guest room. Maluwag naman ang kama ni Nikka. Namula pa sya sa sinabi nito na anytime daw ay pwede syang pumuslit papunta sa kwarto ni James at bumalik na lang ulit kung kelan nya gusto. Hindi pa sya nag o-open up ng todo kay Nikka pero alam nito na mahal nya si James dahil sinabi nya. Sa paraan ng pagbibiro nito kanina ay parang more or less, aware ito na may nangyayaring relasyong-senswal sa kanila ni James kaya hindi na sya nahiya na sabihin ditong tatabi sya kay James kung sakaling mapagpasyahan nitong dito matulog. Kinilig pa nga si Nikka sa medyo nahihiya nyang pakiusap.

Si Nikka lang sa bahay na ito ang pabor na pagpapakatanga nya kay James. Well, dahil siguro hindi nito alam ang real score sa kanila ni James and somehow, parang naniniwala ito na sya talaga ang magiging tulay sa pag kakasundo ng mag ama. Parang sa bahay na ito, si Nikka lang din ang may matinding kagustuhan na magkaayos ang mag tatay.

Tiningnan nya ang relo sa, mag aalas nwebe na ng gabi subalit hindi pa rin sya nawawalan ng pag asa. Darating si James. Darating si James. Darating si James.

Darating si James. Alas 10 na ng gabi. Ayaw naman nyang itext ito o kaya tawagan. Bigla syang nahiya na ewan. Tama na ang motivation na inalok nya kanina. Sobra ng pagpapakababa kung magpa follow up pa sya. Lalabas na atat na atat sya na sya namang totoo pero hindi nya hahayaang maramdaman iyon ni James.

Darating si James. Quarter to 11 na.

Napasalampak na lang sya sa kama at isinubsob ang mukha sa unan. Naluha na naman sya. Mag aalas dos na ng madaling araw. Hindi na darating si James. Wala nga talaga yata syang ka appeal appeal dito. Hindi gumana ang motivation nya laban sa galit nito kay Don Jaime. Malamang paalis na ito patungong Nueva Ecija. Hindi na naman sila magkikita. Malamang ibang babae na lang ang kinatagpo nito. Pwede naman eh. Sex lang naman talaga ang mahalaga sa lalaking yun at hindi naman sya kakaiba sa mga babaeng nakaka siping ni James. Pupusta sya may mas magaganda pa sa kanya o baka nga sya ang pinaka menus-klase. So, bakit pa nga naman magpapakahirap pang pumunta ang lalaking yun dito?

Nasasaktan na talaga sya. Sobrang sakit na. Kung sana sex lang din ang habol nya sa lalaking yun, eh di sana, hindi na sya naghihirap ng ganito. Sana, hindi na sya parang masisiraan ng ulo sa kakaisip dito at sana, si Richard na lang dahil nararamdaman nya ang pagmamahal at panunuyo nito. Sana pag gising nya kinabukasan, may amnesia na sya. Sana pag gising nya kinabukasan si Richard na lang ang lalaking mahal nya at sana, makatulog na sya dahil sobrang sakit na ng ulo nya. Kung nasaan man si James ngayon, malamang solb na solb na yun sa babaeng kinatagpo. Baka nga dala dalawa na naman eh, o baka tatlo pa.

Nag set sya ng alarm sa cellphone. Linggo bukas, day off nya. Gusto nyang maagang makaalis dito sa mansiyon. Gusto nyang magpag isa sa apartment nya. Hindi na muna sya uuwi ng Pampanga. Gusto nyang mahiga lang maghapon. Gusto nyang mag isip. Gusto nyang tuklasin ang paraan kung pano na nya ititigil ang kabaliwan nya. Subukan nya kayang makipag sex na lang din sa iba? Baka kaya wala syang kwenta kay James ay dahil marami itong mapag babalingan. Baka kaya nababaliw sya dito ay dahil wala syang ibang mapag kumparahan. Kung makikipag sex kaya sya kay Richard, mababaling kaya dito ang pagmamahal nya?

Last Clear ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon