Diane's POV
Habang naglalakad papunta ng bunker ay maraming pumapasok sa utak nya. Naalala na naman nya yung piloto ng chopper na sinakyan nila kanina. Bumagsak ang chopper. Sana nakatalon ito at nakaalis sa crash site bago dumating ang kalaban.
Nang tanungin kanina si Doc kung bakit hindi nila binalikan yung piloto, ang tanging sagot nito ay hindi daw sila pwedeng mag take ng risk. Hindi daw ganun katindi ang alam nila sa pakikipag gyera lalo pa't wawalo lang sila. Mas marami daw silang maililigtas kung tutuloy na sila.
Humantong na nga sila sa bunker. Animo'y kweba iyon na ginawang kota. Napag alaman nya na dating kota daw ng mga rebeldeng grupo iyon at isa sa mga bunkers na nakuha na ng grupo ni James. Abala ang lahat. Naulinigan pa nya sa pag uusap ni Doc at ni Borromeo na isang kota na lang daw ang target ng grupo. Ayun sa intel ay doon daw kumokota ang apat na pinuno ng grupo ng Abu Sayaff. Naghihintay lang daw ng reinforcement at supply na armas at mga bala para mapasok iyon dahil ayun sa kalkulasyon nandodoon na ang todong pwersa ng kalaban.
Hindi yata talaga mababawasan ang takot sa dibdib nya. Patindi lang ng patindi. Kahit nasa bunker sya at abala sa pag gagamot ng sugatang sundalo ay dinig na dinig pa rin nya ang nakakabinging putukan at pagsabog sa labas.
Ito sya ngayon. Nasa harap sya ng nakahigang sundalo na putol ang kanang braso. Sumisigaw sa sakit kaya tinurukan nya ng morphine at nilinisan ang sugat para makaiwas sa infection.
"Iabot mo to sa asawa ko. Mamamatay na yata ako. Inaantok na ako. Ito na yata yun." anang sundalong ginagamot nya. Inaabot nito ang nakatuping sulat na kinuha pa sa bulsa ng kaliwang kamay.
Ilang beses syang napalunok.
"Sir! Hindi kayo mamamatay! Kaya nga bebendahan natin ang sugat mo para hindi ka maubusan ng dugo! Inaantok ka dahil tinurukan kita ng morphine ng sa ganun ay mabawasan ang sakit na nararamdaman mo! Itapon mo na yang sulat mong yan!" napapalakas na ang boses nya sa pagkataranta. Pinaghalong putukan at sigawan kasi ng mga sugatang sundalo ang naririnig nya. Hindi nya alam na ganito pala katindi ang senaryo sa battlefield. Kaya pala may mga nawa warshock. Tumulo na ang luha nya.
"Medics! Ako naman ang asikasuhin nyo! Tangina! Hindi ko na kaya ang sakit!" sigaw ng isa pang sundalo na nakaupo sa lupa. Hawak nito ang paa.
Nagmadali sya sa ginagawa. Mabuti na lang at hindi na nag iingay ang pasyente nya. Nakatulog na pala. Pagkatapos nyang linisan ang sugat nito ay benendahan nya at ng masigurong medyo maayos na ang kalagayan nito ay dumeritso sya sa sumisigaw na sundalo na nakaupo sa lupa.
Agad nyang pinunit ang pantalon nito gamit ang swiss knife. Napahugot sya ng malalim na paghinga. Putol na pala ang kaliwang paa nito at nagkalat na ang dugo sa lupa. Namumutla na ito. Agad nyang dinukot ang morphine nya sa bulsa at walang seremonyas na isinaksak ang syringe sa bandang taas ng putol nitong paa. Ni hindi na yata nito naramdaman ang sakit ng karayom. Tanging penlight lang ang ilaw na gamit nya. Hindi kasi ganun kaliwanang ang emergency light na ilaw sa loob ng bunker.
"Hindi na ko makakalakad. Tanginang buhay to! Nag aaral pa nga lang tumayo ang anak ko, magiging dagdag pabigat pa ko sa misis ko. Dapat ako ang magtuturo sa anak kong maglakad eh." gumagaralgal ang boses nito.
"Sir, isang paa lang ang naputol sayo. Hanggang buhay ka at buo ang loob mo, hindi lang isang anak ang pwede mong turuang maglakad. Hindi magiging kapansanan ang pagkawala ng isang paa mo. Ito ang magpapaalala sayo at sa lahat kung gaano ka katapang. Buong bansa mo ang itinayo mo sa laban na ito Sir." naiiyak na naman yata sya. Grabe ang bigat ng damdamin nya.
Nakakaapat na tao na yata syang nagagamot pero hindi sya nakakaramdam ng pagod. Pag aalala lang ang nararamdaman nya. Hindi pa kasi bumabalik si James at ang grupo nito. Halos mag iisang oras na ang nakakaraan mula ng umalis ang mga ito.

BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
ActionJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...