DIANE's POV
Three months later.
"James, gumising ka na. Tanghali na. Hindi ka na naman papasok sa headquarters? Nilipat ka na nga pansamantala dyan sa general headquarters, tamad ka pa ring pumasok baka ma AWOL ka na nyan." niyuyogyog nya si James pero tinakpan lang nito ang mukha ng unan. Lately ay tamad na tamad ito mag kikilos. Panay ang tulog. Totoo nga yata ang sabi nila na ang tatay ang unang naglilihi.
"Babe..." pangungulit nya.
"Hmmm..aabsent ako ngayon babe. Naka sick leave ako ng one month kahit itanong mo pa kay Mark." tinatamad na sagot ni Mark.
"Sira ka talaga! Nagtext na nga sayo eh. Kung anong oras ka daw papasok?"
"Magpa file pa lang pala ako. Ite text ko na lang sya mamaya." anito na niyakap sya at isinubsob ang mukha sa leeg nya. Ambango nito. Nag iinarte lang yata talaga to eh. Sa loving loving naman nila, ganadong ganado lagi ito.
"James, nasusuka ako." echos nya lang. Hindi sya pinahihirapan ng anak nya. Maayos na maayos ang pagbubuntis nya. Hindi maselan. Si James lang talaga ang pinahihirapan.
Agad itong bumangon at kinapa ang noo nya.
"Ang sabi ko nasusuka hindi nilalagnat." aniyang nakangiti dito.
"Niloloko mo na naman ako eh. Basta hindi ako papasok ngayon. Ayaw ni baby, napanaginipan ko kagabi eh. Diba baby?" hinalikan pa nito ang tiyan nya na medyo impis pa.
THIRD PERSON's POV
THREE MONTHS MORE LATER
"James, bakit ba ayaw mo daw paglakad lakarin si Diane? Nagagalit ka daw! Eh kailangan nya yun! Baka magkamanas sya kung laging naka upo at nakahiga lang." si Don Jaime.
"Mapapagod sya Tay, at mapapagod ang prinsesa ko. Baka kung mapano sila." sagot ni James na gumagawa ng crib na yari sa kahoy. Sa garden ito nagpapapanday. Ayaw nitong bumili na gawa na. Ang gusto nito may personal touch para masiguro daw nito na safe.
"Mapano? James Doctor ako! Alam ko kung ano ang mas makakabuti sa mag ina mo!" si Don Jaime.
"Tatay ako, tingin ko mas alam ko. Hayaan nyo na kami tay. Ayokong napapagod ang mag ina ako. Pati nga panty ni Diane, ako na ang naglalaba eh. Kaya kahit ayaw ni General Aragon, nag pumilit na akong mag-leave sa trabaho."
Nailing na lang si Don Jaime na napangiti. James, definitely has changed. Naging napaka responsableng tatay at asawa nito. Ang ikinatatakot nya ay baka maging over-protective ito sa magiging apo nya. Magiging kawawa ang apo nya. Baka pati sa pagmo mall ay nakabuntot ang tatay nito. Or worse baka tumandang dalaga sa ganitong klase ng ugali ni James.
ANOTHER THREE MONTHS LATER - DIANE
"Painless, Doc!" si James.
"Huwag kang makikinig dyan kay James, Doc. Normal delivery to, kaya ko!" aniyang napapangiwi na pero tinitiis nya ang sakit ng tiyan dulot ng paghilab. Ayaw nyang makita ni James na nasasaktan sya.
"Babe, huwag ng matigas ang ulo. Nahihirapan ka na eh. Mag painless na tayo. Promise, hanggang dito na lang yata ang hininga ko." itinuro pa nito ang leeg. Kagabi pa sya nagli labor at nung isang gabi pa walang tulog si James. Advance lagi ang pag aalala ito pag dating sa kanilang mag ina at proud na proud sya sa pagiging tatay nito.
"Babe kaya ko nga. Gusto ko ng normal delivery para maranasan ko naman ang lahat ng pwedeng maranasan ng isang ina. Kaya ko to babe basta huwag ka lang lalayo sa tabi ko."
"Maayos naman ang posisyon ng bata Mr. Gonzales. Sa tingin ko kaya nga ng misis mo ang normal delivery." anang OB nyang babae na special request pa talaga ni James.
"Babe, baka pati si baby nahihirapan na sa loob. Doc kampihan mo naman ako. Promise, ipapo promote kita sa tatay ko bilang CEO ng hospital na to." ani James.
Matatawa sana sya subalit humilab na naman ang tiyan nya and this time, todo na.
"Doc, hihiga na ako. Lalabas na yata!" hindi na nya maitago ang sakit.
"Babe...Diyos ko! Ikaw na ang bahala sa mag ina ko!" nakita nya ang pagpatak ng luha sa mga mata ni James kaya pati sya ay naiyak. Binuhat sya nito at ihiniga sa kama.
Agad syang ni-IE ng OB nya.
"Lalabas na nga. Sige Diane, ready..inhale..."
Sumunod sya pero mas nauna pa yata si James.
"Push!" anang OB.
Hindi sya nakasunod agad dahil natawa sya kahit na sobrang sakit na ang nararamdaman nya. Nauna pa rin kasing umere si James at kitang kita nya ang nerbiyos sa mukha nito. Pawisan na ito.
"Babe naman! Niloloko mo ba kami?" reklamo ni James.
"Sira! Nakakatawa ka kasi! Baka naman dito ka pa matae!" aniya.
"Diane, let's do it now." ang OB nya.
"Sorry po Doc." aniya.
Naka walong ere yata sya bago lumabas ang unang anghel nila ni James.
Si James ang unang humawak kay baby Diana Jane. Magkasabay pa yatang umiiyak ang dalawa.
"Babe, ang ganda ng prinsesa ko. Kamukhang kamukha mo." gumagaralgal ang boses ni James. Parang hinaplos ang puso nya nang halikan nito ang anak nila.
Matapos ayusin ang kalagayan nya at ng bata ay nagsipasukan na ang mga mahahalagang tao sa buhay nila. Nasilayan nya ang tuwa sa mukha ng mga ito kahit na antok na antok na sya. Nakatulog sya matapos na halikan ni James sa mga labi.
FOUR YEARS LATER
Kasal ni Major Douglas Velez. Ang pinaka huling ikinasal sa grupo ng Avengers. Military wedding.
Naglalakad si Diana Jane sa aisle. Isa kasi ito sa mga flower girls.
Kon todo alalay dito ang tatay sa paglalakad.
"James! Ano ba?! Nakakasira ka sa view! Kayang kaya na ng anak mo yan!" si Rock.
"Ulol! apat na taon pa lang to! Mahina pa ang tuhod nito." angil ni James na hindi nahihiyang nasa gitna sya ng mga bata.
"Cute ng Papa mo baby no? Love na love nya kayo ng ate mo." ani Diane sa karga nyang batang lalaki. Ang bunso nilang 2-year old pa lang -- si Jaime Gonzales II.
Sa reception.
Walang humpay pa rin ang asaran ng magkakaibigan. Hindi syempre mawawala ang piktyuran.
"Group picture daw po! Yung team avengers lang." sigaw ng photographer.
"Teka lang, nagpapadede pa si James!" kantyaw ni Mark.
"Babe, ako na kay baby. Magpapa picture daw kayong magkakaibigan." masuyong wika ni Diane kay James.
"Sige, mabilis lang to." anito sabay halik sa bunsong anak at sa makulit na si Diana Jane.
"James magpapa picture ka lang! Tragis nito, baka humalik ka pa kay Diane!" kantyaw ni Dave.
"Buti pinaalala mo Sir." bigla nitong siniil ng halik si Diane.
Nag pose nga ang magkakaibigan. Magkakaakbay pa ang mga ito na pare parehong naka Military Uniform maliban kay Rock na naka three-piece suit dahil nga isa na itong civilian. Wala pa ring itulak kabigin. Sa lumipas na mga panahon ay lalo yatang mas naging hottest men alive ang mga ito.
"Okay ready, one, two...! Say cheese!" sigaw ng photographer.
"Thank you dear readers! Wishing you Merry Christmas and a Prosperous New year! We love you! Mwaaah!" sabay sabay na sigaw ng sampong magigiting na sundalo sa harap ng camera.
On that note, ladies and gentlemen, this is Last Clear Shot! My one last shot! Thank you for bearing with my craziness for more than 2 years now!
Happy Christmas and a bountiful New Year every one! I love you all!
This is your author, Amanda Lim, now signing off!
BINABASA MO ANG
Last Clear Shot
ActionJames: I don't do romance...at all. It's something that does not exist in my dictionary. Diane: I've tried my best to understand your very unconventional concept of relationship. I'm sorry that I had to give up -- it was way beyond my limit and comp...