7 years na ang nakakalipas simula nung nangyari ang isang aksidenteng naganap sa Gunpla Stadium sa kasagsagan ng nakaraang Gunpla World Battle Championship,kung saan na may naganap na Gunpla World Battle Championship Finals nina Sei Iori at Reiji laban kay Tatsuya Yuuki,o mas kilala bilang Meijin Kawaguchi III.
Nangyari ang aksidenteng yun dahil sa sobrang paggamit ng Plavsky crystal sa ilalim ng malaking Battle Arena sa PPSE,na pinamamahala ni Chairman Mashita,ang chairman ng PPSE na taga Arian (isang lugar sa kabilang dimensyon na tahanan ni Reiji).Sa sobrang galit ni Chairman Mashita kay Reiji,dahil pinarusahan pala siya dati sa prinsipe ng Arian,walang iba kundi si Reiji mismo dahil sa pagnanakaw niya sa kayamanan ng Arian.Kaya ipinatapon siya sa planetang Earth gamit ang Arista na kwintas na nagsisilbing portal para itapon siya sa planeta bilang parusa.Kaya gusto niyang maghiganti kay Reiji sa pamamagitan ng paggamit kay Meijin Kawaguchi at pinasuot niya ito ng pulang shades na pang meijin pero isa palang Embody system.
Katulad ng Alaya-Vijnana system ay isa itong nanomachine na pwedeng magpa enhance ng mobility,firepower,at ang fighting skills ng user at ng gunpla sa pamamagitan ng particle emission galing sa Plavsky crystal na nakaconnect sa Embody system device na suot ng user.Sa system na ito,pwedeng maging triple pa ang enhancement ng fighter at ng gunpla pag nilagay sa maximum output ang level ng particle emission,pero magdudulot ito ng severe malfunction ng Plavsky crystal at magkakaroon ng crash sa system kaya nangyari ang Plavsky particle crystallization na kumalat sa buong stadium.
Kaya sina Sei Iori,Reiji,Nils Nielsen,Mao Yasaka,Ricardo Fellini,Mr.Ral,China Kousaka,Aila Jyrkiäinen,Catherine,Takeshi Iori,at Meijin Kawaguchi para sirain ang Plavsky particle crystal sa pamamagitan ng kanilang mga gunpla para di na kumalat sa buong Japan ang mga Plavsky crystals at nagawa nila ito ng sama sama at nagtutulungan.Sina Mr.Cziommer,Luang Dallara at Greco Logan naman ay tinulungan nilang pinalabas ang mga tao sa loob ng stadium nang magmula ang aksidente.
After 7 years nang maganap ang aksidenteng yun ay ipinademolish na ang Gunpla Stadium at ginawa na lamang itong monumento bilang alaala sa nangyaring aksidente at inengrave ang mga pangalan ng mga fighters na tumulong na sirain ang namumuong crystal sa stadium.Akala ng nakararami ay di na sila makapaglaro ng gunpla battle kasi wala na ang mga Plavsky particles na nagpapagana sa mga gunpla.Kaya sa tulong at sa bagong natuklasan ni Nils Yajima na isang scientist at dating gunpla fighter na ngayon ay chairman na ng Yajima Labs (dating PPSE) ay nakaimbento siya ng bagong Plavsky particle na galing pa sa space pero mas pina refine pa kesa sa dating Plavsky.
Dahil sa makabagong teknolohiya ng Plavsky particles ay naging masagana na ang gunpla battle at ang mga gunpla at ito ulit ang naging hilig ng nakararami sa buong Japan.Kada taon ay may inilulunsad na Gundam Battle Tournament West Tokyo Qualifiers Under-19 Championship sa eliminations at pag nanalo ang 3 teams na nagrepresent sa kanilang school ay qualified sila na lumaban sa Gunpla Battle Tournament Championships hanggang sa finals.
Sa kalagitnaan ng finals ay nanalo ang Seiho Middle High School sa team Try Fighters na grupo nina Fumina Hoshino,Yuuma Kousaka,at Sekai Kamiki.Pagkatapos ng tournament ay pumunta ang Try Fighters sa Cerulean island kung saan nandun ang main branch ng Yajima Labs.Pinapunta silang tatlo at ang mga kaibigan nila para maging beta testers sa pinakabagong teknolohiya ng makabagong Plavsky crystal na nadiskubre ni Nils Yajima.Pero habang sinusuri nila ang nasabing crystal ay nag malfunction ito at hindi na makontrol ang crystal pati ang gunplang kanilang itesting para sa bagong crystal.
Nang naging crystal na ang buong building ng laboratoryo ay nagtulungan ang Try Fighters at ang buong gang para sirain ang crystal at ang mga mobile suits na gumagala sa buong isla na umaatake sa kanilang mga gunpla.Nagtagumpay silang lahat na sirain ang Plavsky crystal at bumalik na sa dati ang buong isla.
Isang taon na ang nakalipas mula nang mangyari ang nasabing aksidente sa isla ay may isang bata na ang tanging hangad niya ay ang maging magaling na gunpla builder at fighter.Malaki din ang ambisyon niya na maging champion sa Gunpla World Tournament pero di niya magawa yun kasi mahina siya at wala siyang tiwala sa kanyang sarili.Ito na ang simula ng kanyang legacy sa Gunpla Battle.
BINABASA MO ANG
Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]
Science FictionGunpla is a miniature toy gundam na pwedeng gawing collection or gamitin sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng Gunpla Battle.Ang gunpla ay pinapagana gamit ang mga puting parang buhangin ay tinatawag na Plavsky Particles,ito rin ang gumagawa ng mga ho...